-
"I want her..."
Medyo kinakabahan na ako dahil sa mapaglarong ngisi niya. Kahit puso ko ay parang may nangangabayo sa sobrang bilis ng tibok. Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
Pero napalitan ito ng katakutan ng marinig ko ang kasunod na sinabi niya.
"Dead."
Nanlaki ang mga mata ko pati narin si Maam Rema.
Tinignan niya ko at ibinalik ang tingin kay sir."B-but sir t-that's not a nice joke" nag peace sign pa si boss pero hindi parin effective.
"Do I look like joking?" seryosong tanong ng grumpy na lalaki.
Nag tagpo ang aming paningin at hindi ko alam pero ambilis talaga ng kabog ng puso ko."S-sir pasensya na po talaga, h-hindi ko naman po sinasadya" pagmamakaawa ko.
Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.
Hanggang sa umangat uli ang tingin niya sa mga mata ko."Could you remove your fvcking contact lenses? It doesn't suits you" bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Akala niya ba fake yung mata ko?
"S-sir, hindi po ako naka contact lens, original po Mata ko" nakayukong sambit ko.
Napatawa naman siya ng mahina.
"Oi Tara na! Bagal mo!" dinig kong sabad ng lalaki sa likuran niya. Gwapo din ito at may tikas, yun nga lang, parang may saltik.
Tinignan muna ko ni Sir at sinamaan ako ng mata. “I won't forget you.”
At tuluyan na silang lumabas ng Café.
Napailingiling nalamang si Boss at sinenyasan akong bumalik sa opisina.
--
Kakatapos ko lamang magtrabaho sa loob ng karinderya ni aling taba. Medyo napagod din ako pero worth it naman. Dahil nakuha ko ang suweldo ko.
Hindi ko parin talaga lubusang makalimutan ang mga pangyayari kaninang umaga sa Café. Laking pasasalamat ko kay Lord at hindi niya ko hinayaan sisantihin ni Maam Rema.
Sabi ni Maam, mag ingat nalang daw ako sa susunod. Buti nga ay hindi siya nagalit sa akin pero nagtatampo daw siya. Ok lang yun, deserve ko yun eh.
Napansin kong nasa harap na ako ng Bar na papasukan ko. Agad na akong pumasok. Pagdating sa locker room ay nagpalit na ako ng uniporme.
"one shot of tequila" order ng magandang babae sa akin. Kung hindi pa siya tumikhim, hindi ako makakakilos, eh paano ba naman kasi, ang ganda niya, yung mahaba niyang buhok, mahabang pilik mata makapal na kilay, matangos na ilong, at pouty lips. Nakakainggit.
"Here's your order ma'am enjoy." Tinignan niya muna ako bago kinuha ang order niya. Dahil napapansin kong naluluha na siya, iniwan ko na siya sa counter. Mahirap na baka mapagbintangan pa akong pinaiyak ko siya eh.
Halos kalahating oras na ako sa trabaho, malapit na ang uwian namin kaya sinusulit ko na ang kilos ko.
Naupo muna ako sa counter area, tinext ko si Sher kung ano ginagawa ng mga kapatid ko. Sabi niya tulog na. Kaya medyo na Panatag ako.
Habang nagtitipa ay may nakita ang peripheral vision ko na may nakamasid sa akin. Lumingon ako sa paligid ngunit wala naman akong nakita. Baka guniguni.
Itinuon ko ulit ang atensyon sa pag cecellphone.
"One bottle of blueberry sweet blend."
Agad kong binitawan ang cellphone ko at kumuha ng isang basong liqour. Ibibigay ko na sana sa umorder ngunit napaatras ako.
BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
Fiksi UmumSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...