K A T O R S E (Working W/ Vacation)

49 7 1
                                    

-

"Hello?"

Nag dikit ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa cellphone ko. Unregistered number.

Umabot pa siguro ng ilang segundo bago ito sumagot. Akmang papatayin ko ang tawag ng bigla itong magsalita.

"Eva"

Ang boses na iyon...

"Boss!? Boss? Saan ka boss? Akala ko ba maaga alis natin, pinuntahan kita sa room mo wala ka naman--"

"Open your door Eva."

Maikling sagot niya. Napasunod ako ng tingin doon sa pinto.

Ngayong araw ang takdang araw na pupunta kami doon sa lupang binibili ni Boss. Ayon sa kanya ay baka matagalan kami dahil kailangan niyang malaman ang eksaktong sukat. Simple lamang ang suot ko. Isang fitted Korean dress at puting sapatos.
Ang sabi ni boss ay no need na daw ang uniform dahil wala naman kami sa kompanya.

Iyong mga kapatid ko naman ay kasama si Sheryl na naglilibot sa isla. Ang sabi ni boss ay sa kabilang isla daw ang lupang iniinspeksyon, kaya paniguradong gagamit kami ng bangka o di kaya'y 'yate' papunta doon. May layo itong 8-9 na kilometro kaya siguro ay aabutin kami ng gabi doon.

Kinuha ko na ang backpack kong puno ng pagkain, inumin at ang mga papeles para sa trabaho.

Huminga ako ng malalim bago binuklat ang pintuan.

Kering keri mo iyan Eva. Remove negativity OK?

Bumungad sa akin ang Boss kong naka summer attire. Nakangiti siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naka rakararamdam ng guilt tuwing makikita ko siya.

Naalala ko nanaman iyong naganap kagabi sa sea side. Sobrang lungkot ko kagabi dahil sa na tunghayan ko. Hinalikan ng babae si Boss.

Maputi, mataas, perpektong mukha, magaling sa pananamit, maraming alahas sa katawan. Samantalang ako, pipichuging losyang, na sobrang payat, cheap manamit, at isa pa, puro loombands ang nakasabit sa kamay. Ano laban ko sa kanya?

At kagabi, kung bakit ko siya namukaan ay siya iyong babaeng umiiyak na pinagserve ko ng alak sa club kung saan ako nagtatrabaho dati. Ibang iba siya sa nakita ko noon sa club.
Kung noong nakita ko siyang naglalasing ay maganda siya, ngayong nasa matinong pagiisip niya, mas maganda siya. Iba talaga mga mayayaman.

Pero talagang kinabahala ko kagabi iyong paghalik. Ibig sabihin shota niya si boss?

Shota niya oo. Pero 'di ko tanggap.

Pagkatapos na pagkatapos halikan ni ate girl si boss, napawalk out agad ako eh. Pero sana lang hindi na halata ni Boss dahil gumawa naman ako ng excuse.

Masyadong masakit sa Heart. Ilang araw palang ang pagsasama namin ni Boss pero nahulog agad ako sa kanya.

Sabi ng iba, imposibleng mahulog ang isang tao sa lalo't madaling panahon, pero 'diba ang pagmamahal wala namang pinipiling panahon,oras, katauhan... Iyon nga lang, sa maling tao pa ako nahulog.

Perpekto si boss para sa akin kahit na sinigawan niya ako noong na tapunan ko siya ng kape at cake. Sino ba namang hindi. Mabait si boss. Parang hindi niya masikmurang makakita ng kapwa tao niyang nahihirapan. Mabait si boss, dahil tumutulong siya ng taos sa puso. Mabait si boss, dahil nagbibigay siya ng bukal sa loob. Gwapo, mayaman, lahat nasa kaniya na. Pero ngayon ko na realized na....ang isang hampas lupang katulad ko, ay hindi nababagay sa kalangitan na katulad niya.

-

"Earth to Eva...hey,nakikinig ka 'ba?" medyo may bahid ng pagkaasar ang boses ni Boss marahil sa hindi ko pagkibo sa kaniya.

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon