V E I N T E K U W A T R O

34 5 0
                                    

-

Pagdaan niya sa gilid ko ay hindi mapigilang hawakan ang laylayan ng suot niyang damit.

Hindi, hindi 'to nangyayari.

Mabilisan ko siyang hinarap sakin at desperadang tumingin sakaniya.

“B-bakit, b-biro lang 'to diba? Diba? Biro lang ito diba Trevor ko?”

Pumikit ng mariin ang mga mata niya. Ng imulat niya ito ay may mga namumuong luha rin ito, ngunit agad niyang pinunasan.

“I don't want to see your face inside my company starting today. This is your last in here. Pack your things, and go home.” wala nang ekspresyon ang mukha niyang nakatingin saakin. Hindi ko na siya nakikilala. Hindi na siya ang Trevor ko.

Nang talikuran niya ko ulit ay hindi ko mapigilang yumakap sakaniya.

“M-mahal kita, Bakit mo ba ginagawa saakin ito?”

Pero mas ikinagulat ko ay itinulak niya ako ng malakas dahilan para masubsob ako sa upuang kahoy.
Inaasahan ko ang kaniyang mga bisig na sasalo saakin ngunit ng imulat ko ang mga mata ay nakita ko ang bulto niyang papalayo.

My heart broke into pieces, and everything's covered by the darkness.

“I'm glad you're now awake.”

Isang boses ang sumalubong sa paggising ko.

Ng maimulat kona ng buo ang mata ko ay bumungad saakin ang isang lalaking nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko ngayon.

Chinito, singkit. May tikas.
Pero wala pa ring tatalo sa Trevor ko..

Tiyaka lang bumalik ang lahat lahat ng nangyari.

Iniwan niya 'ko. Iniwan ako ng mahal ko. Ngunit hindi iyon dahilan para itigil ko ito. Siguro ay isa ito sa mga pranks niya at pag bumalik ako ay yayakapin at hihingi siya ng sorry sa pagpapaiyak saakin.

Nameke ako ng tawa sa sariling naisip. Gan'yan naba talaga ako ka tanga?

Hindi pa rin dahilan iyon para sumuko. Siguro ay hindi alam ni Trevor ang mga sinasabi niya. Sabi niya ay mahal niya ako kaya pinanghahawakan ko iyon.

“Are you okay hmm? Do you want anything? Are you hungry?”

Napakunot ang noo ko sa chinitong tanong ng tanong saakin.

“Sino ka?”
Pasungit na sabi ko.

Bigla siyang ngumisi at umiling-iling.

“Is that a 'thank you'?”

Bahagya akong napahiya sa tinuran niya.

Napakashunga mo talaga self ano?
At medjo walang hiya.

“ah, salamat pala, at sorry. Sino nagdala saakin dito?”

Ngumiti siya at halos hindi ko na makita ang eyeballs niya.

“Isn't obvious? I'm the only one who's in here lady. Anyways, I'm Lévin.”

Ng ilahad niya ang kamay ay hindi nagatubiling tinanggap ko iyon.

“Evngeline. At salamat talaga.”

Ng matahimik ang kapaligiran ay hindi ko maatim na andirito si chinito dahil balak niya yata akong bantayan maghapon.

“Gusto kong kumain.”
At tiyaka tinignan siya na para bang nagmamakaawa.

Sa sandaling oras ay may nabuong plano saaking isip para makalabas dito sa hospital na ito.

Sana pumayag, please papa God, kelangan ko makalabas dito

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon