C I E T E

79 8 2
                                    

-
Kakauwi ko lang sa bahay namin. Medyo pumupungay na rin ang mga mata ko sa sobrang antok. Siguro dahil sa kaagahan ng gising ko kanina?

Pagkapasok ko ay naabutan ko silang nag hahapunan. Itlog na scrambled at kaning sinangag ang kinakain nila. Awang awa ako sa sitwasyon ng mga kapatid ko dahil sa araw araw na nilang pagkain nito. Niloloko nga ako ni Sher na baka magka pak-pak na daw sila ng manok dahil sa araw araw na itlog. Eh anong magagawa ko kung iyan lang ang meron?

"Ate!" maligalig na bati ni Pamela. Napatingin silang lahat sa akin liban nalang si Jack Jack. Nakayuko siya at may bahid ng luha ang mga mata niya. Umiyak ba siya?

"Oh baks, musta pers Day?" tanong ni Sher. Nagkibit balikat ako at lumabi. Sino bang hindi mapapahawak ng sentido sa katangahang ginawa ko kanina. Buti nalang hindi napansin ni Boss na nawawala yung litrato niya, kung nagkataon, Lagot ako.

"Eh ayun, may kapalpakan pero ok lang, nakaraos din" tinanguan nalang ako ni Sher bilang kasagutan. Nabaling uli ang tingin ko Kay Jack Jack na ngayo'y tumutulo nanaman ang mga luha. Sino bang nagpaiyak sakanya?

"Jack, napano ka? Bakit iyak ka?" malambing na tanong ko. Maging si Pat at ang kambal ay na tahimik. "Anong nangyari?" pag-uulit ko. Napakunot na ang nuo ko nang maging sila Pat at ang kambal ay yumuko na din. Ano ba talagang nangyayari?

"Magsasalita kayo o magsasalita?" napansin ko ang pagtingin sa akin ni Jack. Umiling siya at nagsimulang lumakas ang pag iyak.

"A-ate, itorry, di ko tinatadya, nag dilim lang paningin ko kaya ko nagawa iyon. Itorry ate" Tumutulo na din ang sipon niya. Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil sa alam kong may kasalanan siyang ginawa, bagkus ay naawa ako sa hitsura niya. Nilingon ko sila Pat na ngayo'y nakamasid saamin.

"K-Kasi, ate, kanina inaasar ako nung kaklase ko, h-hindi niya ako tinigilan hanggang uwian, t-tapos nakita ni Jack na inaasar ako nung kaklase ko, b-binugbog niya po yung kaklase ko. N-ngayon po, na-nakatulog yung kaklase ko. A-ate pinapatawag p-po kayo sa eskuwelahan" mahabang lintaya ni Gregoria.

Nabaling ang tingin ko kay Jack na nakayuko at nagpupunas ng luha. Nilapitan ko siya at iginayad papunta sa ikalawang palapag ng apartment namin. I pinaupo ko siya sa kama. Yumuko ako para mag kapantay kaming dalawa.
Ang bilin ko sa kanila ay bawal manakit ng kapwa kahit ano paman ang ginawa sa kanila. Pero heto, sinaway ako ni Jack Jack.
Pero kailangan ko munang hingin ang panayam niya. Hindi puwedeng gumawa ako ng hakbang ng hindi alam ang buong pangyayari.

"A-ate, d-diko naman tinatadya, N-na dilim lang paningin ko Ate kasi, inaway niya si A-ate Gory patentya--"

"Sa tingin mo tama ba yung ginawa mo?!" napasigaw ako. Alam kong pinagtatanggol niya lang ang ate niya pero bakit sa ganoong paraan? Eh paano nalang kung mas malala pa doon ang nagawa niya?

"Jackson, hindi kita tinuruang gumanti sa kapwa. Oo andon na ko, inaasar niya si Ate mo pero 'di mo kailangang manakit. Pwede mo silang I sumbong sa guro niyo o sa prinsipal, pero yung mangbubugbog ka? Diko matatanggap. Alam niyo naman siguro na ayaw ko ang nambubugbog diba?"

Marahang tumango si Jack.

Napahilot na lamang ako sa sentido ko.
Ayaw na ayaw ko ang nang bubugbog dahil nakita ko ito kay nanay dati. Sa tuwing darating siya dito ay puno siya ng pasa. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko namang gawa iyon ng mga naging asawa niya eh. Kaya Lubos ako nagpapasalamat dahil nang bumalik siya muli saamin ay di na siya umalis. Naalala ko pa non ay katuwang ko si lola saleng sa pagbabantay ng mga kapatid ko kapag wala si Ina. Si lola Saleng ay nanay ni nanay. Sayang lang ay dahil nang mamatay si Ina. Tiaka din siya na maalam.

Teka ba't napunta sa timeline ko 'to?

"Anong gagawin natin niyan?" sungit na Anas ko kay Jack. "Kapag pinatanggal ka sa eskuwelahang iyon wala akong magagawa Jackson."

"Tatanggapin ko ate! Tatanggapin ko ang kaparutahan ko, kahit hindi na ako mag aral!" nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya. Kilala ko si Jackson. Hindi niya gustong tumigil sa pagaaral dahil sabi niya ay gusto niya na akong matulungan. Naawa ako sa kanya dahil sa 'di inaasahang ganap ay baka matanggal siya sa eskwelahan.

Pero sana kahit anong mangyari ay walang masaktan ni isa sa kanila.

-

"Good morning Ms. Dima-tibag please be seated."

Naupo ako sa upuan sa harap ng lamesa ng prinsipal. Maya maya lamang ay may pumasok na babaeng halos mag wala na.

"Tang*na asan na yung batang iyon! I harap niyo sa akin iyong batang iyon punyeta!" gigil na gigil itong lumapit sa puwesto ko at padabog na umupo sa harapan ko.

Tinignan niya ko't tinaasan ng kilay.
"Ikaw ba yung magulang ng batang bumugbog sa anak ko?!" sungit na Anas niya. Napayuko na lang ako. Kaya ko bang harapin 'Tong warfreak na'to? Baka mamaya sungaban ako biglaan neto eh naka ayos na pa mandin ako papasok ng trabaho. Sigurado naman akong maiintindihan ako ni Boss kung Malate ako. Mabait naman iyon eh. Kung magpapaliwanag ako.

"Puta! Kaya naman pala eh! Di mo madisiplina ng maayos yang anak mo dahil inuuna mo yang kaka landi mo! Mga bata talaga ngayon mapupusok! Mukha ka pa namang poriner.." nagiinit na ang dugo ko pero ayaw ko pa din iyon ipahalata kasi in the first place, kasalanan ni Jack ito.
"Alam mo ba kung anong nangyari sa anak ko?! Ayun, na ospital dahil sa malala ang Tamo sa mata! Halos magkandakubakuba na kami sa kakakayod tapos ngayon dumagdag pa iyang pampaospital ng anak ko?! Aba kailangan kayo ang sumagot non!"

"Misis uminahon po muna kayo" sabat ng prinsipal.

"Hindi! Hindi ako makaka kalma, putangina mo kakasing babae ka! Pinalaki mo iyang anak mong masamang ugali! BASAGULERO! walang awa! -"

"TAMA NA HO!" napasigaw ako.
"Opo, misis, kasalanan po ng kapatid ko iyon, pero sana huwag niyo naman po siyang pag salitaan ng maruruming salita. Tinanggap ko lahat ng ibinato mong panlalait sa akin pero sa kapatid ko, hindi ko mapapalagpas iyon. Kasalanan ng kapatid ko ito pero bakit di niyo muna inisip iyang kagagawan niyang anak mo!? Misis mukhang ikaw yata iyong nagkamali ng pagpapalaki sa anak niyo-"
Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang hablutin ang buhok ko at sinabunutan ng mahigpit. Napangiwi ako sa sakit na dulot nito.

"Putangina niyo! Mga walang utang na loob! Kayo na nga ang may kasalanan, ibabalik mo pa saamin?! Tangina ka! Parehas siguro kayo ng nanay mo na malandi kaya hindi mabantayan iyang mga anak!" sigaw niya at marahas akong sinampal.

Inaawat na kami ng ilang guro kabilang ang prinsipal ngunit ayaw magpatinag ng babae.

Akmang sasampalin niya ko ng isang malakas na kalabog ang narinig namin. May sumipa sa pintuan dahilan upang makalikha ng malakas na ingay. Napalingon ako doon at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko.

"One more hit, or I will hit you too as well!"

Anong ginagawa ni Boss dito?!

---

[Chapter 7 End]

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon