O N S E (identifying Feelings Part 2)

85 8 1
                                    

-

"Naku boss, hindi kami rito namimili ng damit, mahal masyado dito eh hanggang ukay ukay lang budget namin" singhal ko kay boss.

Paano ba naman kasi ay inihinto niya ang sasakyan sa harapan ng sikat na mall dito saamin at alam ko namang mahal dito. Halata naman na pangmayaman ito dahil sa labas pa lamang ay makikita mo na ang sandamakmak na mamahaling sasakyan ang nakaparada rito.

Hindi na din namin sinama si Rom dahil napasarap ang tulog niya kanina. Gustuhin ko mang gisingin siya ay hindi ako nagtagumpay. Napagdesisyunan ko tawagin nalang si Sher upang siyang magbantay rito.

Tinignan ako ni boss at nginitian. Yung ngiting muntik ko nang ikamatay kaninang nasa bahay pa kami.

"I really like you.."

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Yung ngiti na tipong kahit sino ay mapapaamo.

At mas nagulat ang ako sa sinabi niya.

"...I really like your family"
Patuloy niya. Kaya heto, 'kinain ako ng kadismayahan.

"Ako ng bahala Eva. Just let me do this one."
Aniya at pinukol sa akin ang nagmamakaawa niyang mata. Hindi ba big deal sa kanya na dito sila ibili ng damit? Masyadong mahal dito, umaabot yata ng libo libo ang isang pirasong damit e samantalang sa ukay ukay ay makakabili na kami ng mga sampong piraso ng damit.

Simula bata pa ako, mas nakasanayan na namin ni nanay na sa ukay ukay o divisoria bumili ng mga gamit. Sabi ni nanay ay hindi na importante kung totoo o peke ang dahil importante doon ay may maisusuot ka. 'di ako makapaniwala na dito kami mamimili gayong hindi pa kami nakakapunta sa ganitong lugar. Kung maaari ay ayaw ko ng ilabas ang mga kapatid ko sa sasakyan ni Boss dahil baka anong gawin nilang kashungahan sa loob. Pero makakaya ko bang sirain ang araw nila?

Pagpasok namin sa mall ay dinig ko na ang hinaing ng mga kapatid ko. Ako ma'y 'di ko sila masisisi dahil tunay na maganda sa loob ne'to. Madaming iba't ibang kainan, botique o tindahan ng mamahaling damit tulad nalang ng 'Forever 21' 'H&M' 'Uniqlo' at iba pa. Mayroon 'ding makikitang tindahan ng mga merch na sinasabi nila tulad ng miniso, daiso, at artwork. Mawawala ba naman ang tindahan ng mga sapatos tulad ng Nike, addidas, Fila, Jordan?

Nanliliit talaga ako sa sarili. Alam kong hindi kami para sa lugar na ito pero hindi ko naman magawang tanggihan si Boss.

Nilingon ko ang mga kapatid ko na ngayo'y nakatikom ang bibig dahil sa sobrang mangha. Ramdam ko ang kamay na pumulupot sa baywang ko na ikinabigla ko. Nakaawang ang mga labi ko ng makitang si Boss ang nagmamay-ari ng kamay.

"I don't like how they drool on you" tiim bagang aniya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa baywang ko.

Pilit ko 'man alisin ang mga kamay niya ngunit nabigo ako. Napalingon ako sa paligid at ganoon nalamang ang gulat ko ng makitang pinagtitinginan na pala kami ng ibang tao. Napatinag nalang ako ng naramdaman ang isang maliit na kamay na humila sa palad ko.

"Ate! Ate! Tignan mo! An'daming laruan!" ngiting ngiti pa siya at pilit hinihila ang kamay ko. Napansin kong napatingin si Boss sa kanya.

"Shh! Ano ka ba Pamela! Nandito tayo para bumili ng damit ng mga kuya't ate mo! Hindi mamili ng laruan!" pasinghal kong bulong sa kanya.

Ramdam ko ang pagbitiw ni Boss sa baywang ko. Nakita kong pumunta siya sa puwesto ni Pam at bigla niya itong binuhat.

"gusto mo toys?" nanlalarong tinig niya. Syempre ang bata, ay na excite.

Napatingin uli ako doon sa laruanan.

'Toy Kingdom'

Buhat buhat niya pa din si Pam, pero nakuha niya 'pang hulihin ang mga kamay ko. Hinila niya ito papasok sa Toy kingdom. Ramdam ko naman ang pagsunod ng mga kapatid ko.

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon