DISI CIETE
-"Hey, where's Trevy?"
Napalingon ako sa pintuan ng office. Doon ay nakatayo si Maam Kylie. Naka tube fitted knee high dress siya. Kulay krema ito. May hawak siyang malaking pitaka ba iyon? Basta pitaka at naka high heels na sapatos. Nababagay din sa kanya ang naka high ponytail niyang buhok. Nangingibabaw din ang kolorete niya sa mukha.
Sinong hindi maiinggit sa kaniya?Wala 'kang dapat kainggitan dahil gusto ka ni Trevor.
Napailing ako sa pumasok sa aking isipan.
"Hey! Are you deaf? I'm asking you where is Trevy?" Inikot niya ang kaniyang singkit na mga mata at pinagkrus ang mga braso. "Are you that dumb para hindi maintindihan mga sinabi ko? Sabagay, mukha mo palang hindi marunong gumamit o umintindi ng english.."
Nakaka loko pa siyang ngumiti na para bang iniinsulto ako.Napayuko nalang ako dahil alam kong hindi ko kaya ang isang Kylie Lorrice, ano ipan lalaban ko sa kanya? Kung I pagkukumpara mo kami ay lamang siya ng higit san daang paligo.
Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.
"May inaasikaso po siya sa Conference room" tanging sagot ko.
Sarkastiko siyang tumawa.
"Sasagot din pala pinatagal mo pa" nag flip hair siya bago tumalikod sa akin.Nang makaalis siya ay saka ako nakahinga ng maluwag. Phew, buti naka alis na ang bruha.
Napailing nalang ako at itinuloy ang trabaho.
-
Alas kuwatro na ng hapon at tambak pa din ako ng papel sa lamesa. Kanina ko pa hinihintay si Boss pero mukhang hindi na siya babalik dito sa opisina kaya mas mainam na tapusin ko nalang itong mga papel.Company shares
Stockholders
Total applicants
Total shares
Employees
Company Bills
Taxes***
Mabibilang ko nalang ang papel na nakapending sa mga ginagawa ko. Mag aalas otso na pala.
Ngayon lang ako nakaalis ng oras sa kumpanya, madalas kasi lagi akong hinihila ni Boss at dinadala kung saan saan. Speaking of boss, nasaan na ba iyon?Aksidente kong nahulog ang signpen ko sa ilalim ng desk. Dali dali akong tumayo at yumuko upang makuha iyon, sakto ng maabot ko ang ballpen ay may dalawang boses akong naririnig na papasok sa opisina. Kaya nanatili ako sa puwesto ko.
"Stop Kylie, i already told you that I won't gonna marry you!"
Boses ni Boss 'to 100% sure at sigurado ako kasama niya nanaman si ma'am Kylie.
"It is because of what I've done? I already told you too that hindi ko sinasadyang saktan ka, Believe me or not I still love you"
Humble akong tao pero sa sitwasyong 'to, ang kapal ng mukha ni maam Kylie.
"Tsk."
"Bakit ba ayaw mo 'kong pakasalan? Parang dati lang baliw na baliw ka sa akin, nagdududa ako sa iyo eh. May bago ka na ba? Who is she? Sigurado bang mapapantayan ako ng babaeng iyan?"
Ah eh......Hindi ba ako iyon?
"You don't care"
"Yes I do! I wanted to know kung sino ang babaeng iyan at nang----"
"For what? To make her life miserable like what you did to me? Iyan ang hindi ko hahayaan Kylie!"
"And sino nga ang babaeng iyan?"
BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
General FictionSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...