P R O L O G U E

269 24 5
                                    

"Ate saan 'yung medyas?"

"Ate uniporm ko hindi mo niplansya!"

"wahhh wahhh wahhh"

"Ate laruan ko kinuha ni Rom! Wahhh"

"Ate gutom na tiyan ko"

"Ate baon ko patok na ko itkul"

"Ate wala na shampoo tska sabon bili ka"

"Ate may project kami bukas ipapass"

"Ate may meeting daw ta itkull"

"Wahhh wahhhh wahhh"

"Ate wala ng gatas si bunso!"

"Ate wala nang malinis na damit"

"wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"STOPPPPPP!!!"

(silence)

Ang kaninang Mala-palengke na paligid ay nagmistulang simbahan sa sobrang katahimikan.

"Si ate umi-ingles pa 'di naman natin maintindihan"

"thh 'wag kayo ingay! Galit Ti ate!"

"Lagot, sama tingin ni ate sa atin oh"

"Kailangan na nating magtago"

"Ano?! Finish na? Puwede nang mag intro?"

"Opo Ate!"

"Anong 'meron at keingay ingay niyo?!"

"Kasi ate si Rom"

"Kase medyas ko nawawala"

"'di plansyado uniporm ko!"

"Ate gutom na kasi ako"

"Tska ate may meeting kami ta itkull"

"Oo nga pala ate wala ng gatas si bunso"

"Puno na 'din labahin ate"

"Project ate ipapass bukas"

"Tska baon ko po ate"

"Ate maliligo ako wala ng stock ng shampoo at sabon"

"STOCKS?!!"

"shunga hindi naman tayo nagka staks ng shampoo Tiyaka sabon!"

Napiling nalang ako at iniwan silang nagbabangayan sa salas. Ang mga kapatid ko, araw-araw silang ganiyan.

Napatunganga ako sa kalangitan.

Magiging gan'to ba ang buhay namin kung hindi mo kami iniwan?

Evangeline Dima-tibag, bente uno, wala Paring jowa. At biniyayaan pa ng anim na makukulit na kapatid.

Ulilang Lubos pero ipinapangako kong bubuhayin ko ang mga kapatid ko.

Dahil ako ang natitirang pamilya nila.
Ang Breadwinner ng Pamilyang Dima-tibag.

-

The Breadwinner

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon