-
"Baks, may fafa sa labas, hinahap ka! Taray mo ah!" pangungutya ni Sher at hinampas pa 'ko sa balikat. Mabilis pa sa alaskuwatro ang aking pagkilos. Tinunghayan ko sa bintana ang tinutukoy ni Sher at ga'non na lamang ang gulat ko ng makita ko siya. Anong ginagawa ni Boss dito?Pagkalabas ko ng pintuan ay isang matipunong lalaking naka simpleng Polo na sobrang ayos at nakapamulsa sa kanyang itim na pantalon. Bahagyang naka krus ang kanyang mga paa habang nakasandal sa sariling sasakyan. Napaangat siya ng tingin ng maramdaman ang aking presensya.
Agad siyang nag ayos ng tayo ng masilayan ako.
"E-Eva!" nagtaka ako sa labis na pagkagulat niya. May nakakagulat ba sa mukha ko?
At tiyaka isa pa, gumawa siya ng patakarang 'no stammering' pero sa ngayon ay siya na lumabag 'non.
Teka, ano ba dapat kong gawin? Bakit kasi biglaan? Ano bang pakay niya dito?"Boss! Anong sadya mo rito?" gulat ding tanong ko at pinagbuksan siya ng gate. Linuwagan ko ang bukas senyales na pinapa pasok ko siya. Napaka bastos ko naman kung hahayaan ko siya sa labas. Medyo may araw na din kasi kaya mainit na ang temperatura. Agad naman siyang naglakad papasok ng bahay. Bahagya pa siyang napahinto sa paglalakad ng narating namin ang bakuran.
Nangunot ang noo ko ng mapansing nakaawang ang mga labi niya habang diretso ang tingin sa Bra at panty ko na nakasampay sa sampayan....
Teka?! Bra at panty ko??
Nanlaki ang mata ko at humakbang ng napakalaki papunta sa mga sampay.
Ba't ba nakalimutan kong may mga sinampay pala ako?Agad kong kinuha ang mga iyon at itinago sa likuran ko. Nakita niya kaya yung butas kong panty? O yung maluwang kong bra?
Dahil sa katarantahan ay mabilis kong inakyat ko agad ito sa kuwarto ko. Nakasalubong ko pa si Sher na may nanunuksong titig sa akin. Problema ba nito?
Na pahinga ako ng maluwang nang mailagay ko na sa drawer yung mga undergarments ko. Nakakahiya! Sana lang ay nakalimutan ni Boss yung nakita niya. Bakit ba kasi napakashunga ko?
Ngiti ngiti akong bumama at doon ko nakitang nakatayo si Boss sa harap ng pintuan namin. Agad ko siyang dinaluhan.
"Boss, pasok ka.." agad siyang pumasok sa loob. Inilibot niya ang tingin niya sa kabuuan ng tahanan ko.
May mga agiw ang gilid na parte ng kisame, may mga butas 'din ito. Medyo sira na ang patungan ng aming maliit na telebisyon, ang upuan namin ay karaniwang gawa sa kahoy lamang, kulang pa'nga ang parte nito. Maraming sulat o vandal sa pader sanhi para mag mukhang marumi lalos ang paligid. Medyo napahiya ako.
"Boss, pasensya ka na, hindi ako nakapag linis.. Biglaan kasi eh"
Tinignane niya ako at muling nilibot ang tingin sa paligid. "Isn't bad for people to live in this kind of... Place?" agad akong napaiwas ng tingin.
Alam ko namang pangit itong tahanan namin, eh anong magagawa ko ito lamang ang kinaya ng budget ko? Ang importante nga ay may matitirhan kami kesa gumalagala sa daan. Medyo nakaka insulto ang tanong ni Boss pero masisisi ko ba siya? Hindi siya sanay sa gan'to at galing siya sa maramyang pamilya kaya hindi siya pamilyar sa ganitong lugar.
"Ah, forget about it. Where are your siblings anyway? I wanna' meet them" aniya na para bang excited. Napabugtong hininga ako sa pumasok sa aking isipan. Gan'to siya ka sabik sa bata dahil hindi niya naranasan ang pagkakaroon ng kapatid.
Sa hindi inaasahan ay nadinig ko ang boses ng aking mga kapatid papasok ng pintuan. Sesenyasan ko sana silang huwag magingay kaso huli na ako dahil nakapasok na silang apat.

BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
General FictionSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...