V E I N T E C I N C O

35 6 2
                                    

-
"Ate saan tayo pupunta? Bakit tayo nakabihis?"

Nagiiling nalang ako habang nakangiti.

"Diba nangako si ate sainyo na ipapasyal ko kayo sa magandang lugar? Babawi ako sainyo diba? Ngayon na tayo mamamasyal yeeyyyy!" hindi ko alam kung ako lang ba ang nadismaya sa YEY ko.. Kung iyong mapapansin ay sobrang ubos na ang boses ko.. Wala na rin ang mga luha.. Dahil hindi na kaya ng mga mata ko.

Nangako ako kay ina na aalagaan ko ang aking mga kapatid hanggang sa abot na makakaya ko.. Ngunit paano kung sarili ko mismo ay 'di ko maasikaso?

Sa mga pangyayaring naganap, litong lito na ang isip ko. Sa mga nalaman ko, gusto ng pumutok ng isipan ko..

"HALAAAAA MAMAMASYAL TAYO!"

kanya kanya silang pagsasaya dahil ang buong akala nila ay mamamsyal talaga kami.

"Halinakayo andyan na yung sasakyan oh" maligalig na sabi ko kahit unti unti ng tumutulo ang mga luha ko..

Sumalubong saamin ang isang magarang sasakyan.. Malamang ito ang sundo nila..

"Ate diyan tayo sasakay? Hindi naman saatin yan eh" biglang sabi ni Pat..

Agad naman umariba si Gregorio.. "Ate Pat huwag ka ng basag trip, dito daw tayo sasakay sabi ni ate edi tara na!"

Biglaan naman silang nagtatakbo sa sasakyan.

"Wowwwww ang lamig hindi tulad ng jeep mainit" bilib na sambit ni pam.

Si Romeo naman ay tahimik lang saaking balikat habang hawak ang kaniyang bote. Napansin ko ang pagkatahimik ng jak jak kaya agad ko siyang nilapitan.

"Bakit parang tingin ko ay iiiwan mo kame ate?" biglaang kumibot ang puso ko.

Pasensya na mga kapatid.. Pero mas mapapabuti ang lagay nio sa tunay niyong ama.

Ngumiti lamang ako at umiling. "Hinding hindi ako mawawala sainyo.."

Subalit luha ko'y kusang nahulog. Kaya koba? Kaya ko ba na ibigay sila sa tunay nilang ama? Kaya ko ba na mawala sa piling nila? Kaya ko ba na tapusin ang aking kontrata bilang Breadwinner ng aming pamilya?

---

"Ate kaninong bahay ito? Bakit napakalaki?"
Kanya kanya silang katanungan.

"Oo nga ate kanino bahay to? Baka ma trespassing pa tayo dito eh" may badyang takot sa mata ni pat.

"Bakit kayo magtetresspas eh sainyo bahay yan?" mahinang anas ko habang ang paningi'y nasa ibaba.

"Ano daw?" tanong ni Gregoria.

"Wala halinakayo pasok tayo, hindi tayo makakasuhan pramis" pagkunaway nauna akong pumasok sa malahiganteng gate.. Nakatingin ako sa likuran at nakita ko ang mga kapatid ko na nakakumpol kumpol.. Marahil nagtataka sila kung bakit nagsisiyuko sakanila ang mga nadadaanan nilang kasambahay at bodyguards.

Lalo kong pinagtibay na, mas mapapabuti ang lagay nila rito.

Ang mga kapatid ko. Batid ko na iiyak sila at magmamakaawa saakin mamaya. Parang ayaw ko makita silang nasasaktan.

Naputol ako sa pagiisip ng marating namin ang loob ng mansyon. Inikot ko ang paningin ko. Dito na.. Ang bagong tahanan ng mga kapatid ko.

"Nandito na pala kayo" isang boses mula sa tuktok ng hagdanan. Boses ng taong aking kinakatakutan.

Don Pablo

Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa laylayan ng damit ko. Nilingon ko ang mga kapatid ko at ngumiti. Si rom rom ay walang sawa sa paggugulo ng buhok ko. Si pamela na iniikot ang daliri sa dulo ng buhok. Si Gregorio at Gregoria na nakatingin saakin ng diretso. Si patriciana na nakahawak sa kamay ko.. At si Jackson na.. Umiiyak. Marahil ay batid na niya kung ano ang magaganap. Hindi siya tanga para hindi mabatid ang mga mangyayari.

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon