D I Y E S (identifying Feelings Part 1)

84 9 0
                                    

-

"Ui Bakla! Sino yerns? Yeng Fafa kanina? Ikaw ah, 'di mo sinasabing may ka secret apir ka na diyan" nakakalokong ngiti ang pinapakita sa akin ni Sher. Nandito ako sa bakuran ngayon at iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari sa sarili ko.

Oo alam kong simpleng dampi lamang iyon sa aking pisngi, pero heto ako, tulala, naghuhurumentado ang puso kong puno ng katanungan. Hindi ako TANGA para hindi malaman kung ano itong nadarama ko. At mas lalong hindi ako manhid upang tanggihan ang puso ko na mismong may takda.

"Boss ko 'yun tangek." tanggi ko at walang ganang Saad ko kay Sher.

"Boss nga lang ba?" nakakalokong Saad niya. Ngayon, wala akong lakas upang makipagtalo sa kanya. Dahil ako mismo ay nakikipagtalo sa sarili ko.

"Sher, k-kailangan ko 'yata ng isang advice para, malaman 'tong nararamdaman ko. Alam 'kong hindi pa lalagpas sa isang buwan kaming magkasama pero parang.. Parang Na-nahuhulog na'ko s-sa kanya." alam ko mismo sa sarili ko na nahuhumaling ako kay Trevor, pero madaming katanungan ang bumabalot sa kalooban ko. Tama ba 'tong nararamdaman ko?

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero ang alam ko ay, hulog na hulog na ako sa kanya. Ang pakiramdam na ito ay hindi pamilyar sa akin. Aminin ko man o hindi, si Trevor ang kaunaunahang lalaking nag paramdam sa akin ng gan'tong senyasyon.

Ngayon ay mag alas diyes na ng gabi pero ako'y nakatanaw pa 'din sa mga bituing nagniningning.

"Wala akong magandang maiaadvice sa'yo baks, pero ang masasabi ko lang ay bigyan mo ng tyansa ang sarili mo. Siguro ito na ang sign na magmahal ka at sundin iyang isinasaad ng puso mo. Tulad ng lagi kong pinapaalala, hindi ka na bumabata Eva, kaya ngayon pa'lang ay gawin mo na ang dapat mong gawin. Bigyan mo ng oras ang sarili mo, nandito naman ako kung inaalala mo mga kapatid mo. Remember? Ate na din nila akerz" may kung anong kumurot sa aking puso ng marinig ko ang sinabi ni Sher.

Handa na ba ako sa gan'to? Tama 'bang sarili ko muna ang unahin ko? Tama 'bang sundin ko ang puso ko?

Pero wala naman sigurong mawawala kung kahit dito ay maging selfish muna 'ko.

Niyakap ko ng mahigpit si Sher.

"Maraming salamat Sher! Time na siguro para sa pagmamahal na sinasabi mo."

-

"Good morning Boss!" maligayang bungad ko kay Boss ng makapasok ako sa office niya.

Syempre, as always, presentative si boss sa kanyang simpleng Polo at pantalon. Medyo Naka Gel ang buhok niya kaya nag mukha siyang mas gwapo pa sa paningin ko.

Eh gwapo naman talaga eh

"Good sleep huh?" ngisi ni boss at pinagsadahan ako ng tingin. Ngayon kasi ay suot ko na ang uniporme ng LRE o Lim's Réal Estate. Blusang kulay puti ang aking panloob at hapit na palda ang aking pang ibaba. Maganda 'rin ang pamatong ng blusa ko. Ito ay itim na medyo fitted at tatlong butones lang sa ibaba ang nakasara. Nag stockings din ako at nagsuot ng itim na sapatos. Isa pa ay inayusan din ako ni Bakla ng buhok. Oh diba? Pair kami ni boss.

"Yes boss! Ah ano nga pala gagawin ko?"  tanong ko kay Boss at inilapag ang bag ko sa desk ko. Lumingon ako kay Boss at ga'non nalang ang gulat ko ng nasa harapan ko na agad siya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng kabog ng aking puso. Heto nanaman, sa tuwing malapit kami sa isa't isa'y parang minamartilyo ang puso ko. Napapikit ako at nagmulat. Naroon pa din siya at mukhang walang balak umalis.

"Magpapasama sana ako sa sa iyo para makita yung lupang binibili sa Batangas" Nakangiting aniya na ikinagulat ko.

Nanlaki ang mga mata sa aking narinig. Totoo bang isasama niya ako sa Batangas? Aba eh first time ko pa lamang 'pag nagkataong sumama ako kay sir. Pero sigurado, aabutin kami ng ilang araw bago makauwi, eh paano mga kapatid ko?

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon