-
Ilang araw din kaming nanatili sa ospital. Minsan nalang ako maligo't matulog, halos 'di na nga ako nakakatulog eh. Sabi ng doktor, kukuhanan pa daw siya ng dugo para ma-testify daw kung may dengue pa si Pam.
Pagkatapos kong matanggal sa café, nagsimula na akong maghanap ng mauutangan. Napakaswerte ko dahil hindi ako hinayaan ni Sher. Siya ang nagaaruga sa mga kapatid ko na kasalukuyang nasa bahay. Malaki 'rin ang pasasalamat ko kay Maam Rema't Nag-abot siya ng tulong saamin. Isa na ring napakalaking halaga iyon.
Napadalas din ang pagbili namin ng gamot sa botika, kaya wala ng natira sa akin kundi ang pang-kain ng mga kapatid ko.
Sa ngayon ay narito ako sa gilid ni Pam habang pinagmamasdan siyang kumain ng fried chicken na isa sa paborito niya. Kahit ang natitirang extrang singkwenta pesos ko ay nagasta na mabili lang ng manok si Pam. Noong una ayaw ko pa nga siyang bilhan dahil ang alam ko masama ang manok sa may sakit pero itong si Pam ay hindi nagpaawat. Kaya heto ang sarap sarap ng pagnguya niya habang ako naglalaway.
-
"Ms. Dima-tibag, I would like to congratulate your sister. Napakatibay 'mong bata Pamela, you made it and you've passed your sickness. Magready ka na baby girl, posible ka nang umuwi" nakangiting usad ng Doktora ni Pamela.
Kahit ako ay napangiti. Alam ko naman na sa umpisa pa lamang ay makakalagpas si Pam dito dahil alam ko na isang matatag na bata itong kapatid ko.
"Ano? Dinig mo iyon? Ma kakauwi ka na~"
Simula sa pagiging malakas ng boses ko ay biglang naging pahina.
Papaanong?
Papaanong makakalabas ang kapatid ko eh hindi pa 'nga ako nakakabayad?
"Doc? Sigurado po ba kayong makakaalis na kami?" nakakunot noong tanong ko kay Doktora. Bahagya ding na ngunot ang nuo niya.
"Is there anything wrong?" takang tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin kahit hindi na kami magbayad? Pero hindi talaga eh! Paano!?
"Eh kasi Doc, diba may bill pa po kaming babayaran? Itatanong ko nga po sana kung magkano.."
Halata sa mukha ng Doktora ang gulat at parang naguguluhan. Tiningnan niya ang papel at ibinalik ang tingin sa akin.
"But based on this papers, your bill was already paid the day before yesterday... I thought...."
"Eh Doc ako ba binibiro mo? Eh kasi Doc.... Hindi pa nga ako naka di diskarte ng pambayad kaya papaanong ------"
"Doktora Ramos!!"
Isang hingal na hingal na nurse ang tumungo sa puwesto ni Doktora. Sinenyasan niya ito na may ibubulong kaya naman agad yumuko si Doktora at itinapat ang tainga doon sa bibig ng Nurse. Napaka awkward naman kung titingnan ko silang magbulungan sa harap ko't masabihan pa'ko ng chismosa.
Maya maya lang ay lumapit si Doktora sa akin. Nakangiti siya ngayon ngunit hindi katulad ng kanina. Parang may itinatago sa akin, ganon.
"Napakaswerte niyo Ms. Dima-tibag, dahil kayo ang napili ng board na bigyan ng libreng serbisyo ng hospital. Kaya pala paid na ang mga bills niyo, that's why. 'wag ka nang mag alala, Wala ka ng ilalabas na kahit magkano dahil our service for the patient Pamela Dima-tibag were all free. You may now go. Maraming salamat Ms. Dima-tibag sa pagpili sa aming hospital upang kayo'y pagsilbihan. God bless you mga iha."
Pagkatapos n'on ay tuluyan na siyang umalis sa paningin ko. Naiwan akong tulala sa kuwarto.
Napakaswerte ko naman!!
Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos dahil tinulungan niya kami sa aming problema. Kahit papaano ay nabawasan ng napakalaking porsyento ang problema ko sa buhay.
BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
Ficción GeneralSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...
