-
"Team UST!"
"Team FEU!"
"Team ATENEO!"
Kasalukuyan kaming nanonood magkakapatid ng volleyball tournament sa t.v. naming luma at maliit. Day off ko ngayon at sa wakas na kapag pahinga na din ako.
Pagkatapos na pagkatapos manood ay pinatay na namin ang telebisyon dahil sayang ang kuryente. Isa isa ko na rin pinapaliguan ang mga kapatid ko upang maging presko na sila.
Habang abala sa paghahanda ng hapunan ay may kumatok sa labas ng aming bahay. Siguro si Ate Leleng ito.
"Aba eh Eva, yung bayad niyo sa upa kelan mo balak bayaran?" nakapameywang pa siya habang nagpoprotesta. Napakamot na lamang ako ng batok.
Hindi pa kasi ako sumesweldo, baka sa susunod na linggo pa lamang.
"Ah eh ih Ate Leleng, puwede po ba next--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw siya.
"HINDI!" nayayamot na umiling siya. "Isang buwan na iyang utang niyong iyan sa upa. Alam mo Eva kung wala kang pambayad, i alis mo na yang mga pabigat mong kapatid sa pamamahay ko!" dagdag niya pa.
Medyo nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya. Pabigat? Mga kapatid ko? Ako nga hindi ko nasabi sa mga kapatid ko na mga pabigat sila tapos siya na hindi naman namin kaano ano sasabihan sila ng ganyan?
"Ate, mawalang galang, hindi po kailanman naging pabigat sa akin ang mga kapatid ko. Sinabi ko naman po next week yung bayad eh hindi pa nga po ako sinusuwelduhan. Babayaran ko ho iyon. Pero tandaan niyo ate, hindi ko pinalaki mga kapatid ko para insultuhin niyo!"
Nakita ko kung papaanong umikot ang mga mata niyang malalaki at nameywang ulit.
"Basta Eva, wala akong pakialam sa pagdadrama mo. Bayaran mo ang panghuling buwanan at pwede na kayong umalis!"
Nanlaki ang mga mata ko at lumuhod sa harap niya. Paano nalang kapag pinalayas kami ni Ate Leleng dito? Saan kami tutuloy?
"A-Ate 'wag naman ganyan. Kahit dagdagan mo ang babayaran ko ate 'wag mo lang kami paalisin, wala kami matitirhan ng mga kapatid ko ate" hinawakan ko ang mga kamay niya. Nagsimula ng magsitulo ang mga luha ko. Mula sa likuran at naramdaman ko ang mga mainit na kamay na inaangat ako sa pagkaluhod.
Nilingon ko ang mga kapatid ko na ngayo'y lumuluha na rin kaya mas lalo akong napahagulgol. Hindi dapat sila mahirapan, hindi karapat-dapat na maranasan nila ang matulog sa gilid ng kalsada. Iisipin ko pa lamang iyon ay naiiyak na ako.
Iling lang ako ng Iling habang nakaluhod sa harap ni Ate Leleng.
"Ate, tayo na diyan"
"Ate wag ka ng umiyak"
Nilingon ko ang mga kapatid kong umiiyak at bahagyang ngumiti. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mahirapan sila.
"Ate Leleng please maawa kayo, i tulong niyo na saamin ito. 'Wag kayo mag alala, kapag nakahanap na ako ng lilipatan aalis na kami dito" pagsusumamo ko sa kanya. Inikutan niya ako ng mata at tinaboy ang mga kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"Siguraduhin mo Eva! Dahil kung hindi ako na mismo mangangaladkad sainyo palabas ng pamamahay ko!" asik niya "mga 'to, anda-drama wala naman pambayad" dagdag niya pa at tuluyang umalis.
Tumayo ako at tinuyo ang mga luha ko at hinarap ang mga kapatid ko. Kitang kita ko ang awa't lungkot sa kanilang mga mata. Nakakalungkot dahil sa murang edad, nararanasan na nila ang gan'tong kalamyang buhay. Kung kaya ko lang silang iangat sa kahirapan.
Yumukod ako at tuluyan silang niyakap.
"Hayaan niyo, gagawa ng paraan si ate para maayos 'to." bulong ko upang lumakas ang mga looban nila. Dahil hindi ko alam, kung ito ba ang huling trahedyang dadaan saaming pamilya.
BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
Ficción GeneralSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...