K I N S E

67 5 0
                                        

-

"Ui, Bakla, nakikinig kaba sa akin?"

Napalingon ako kay Sheryl na panay kuwento tungkol sa karanasan niya noong nagbakasyon kami sa Batangas. Medyo hindi nga lang nagsisink ang mga sinasabi niya dahil laman pa din ng utak ko ang naging ganap saamin ni Boss sa yate.

It's been two days since nangyari iyon. But it keeps creeping me out.

English iyon!

Kahapon kami bumalik ng lungsod, buti ay binigyan ako ng pahinga ni Boss. Ang balik ko sa trabaho ay sa Enero na.

Malaki ang pagpapasalamat ko kay Boss dahil sa pagsama niya saamin. Nagkaroon ako kahit papaanong peace of mind sa pinansyal na problema. Ganon din ang mga kapatid ko.

"Bakit mo pa kasi ikinukuwento, eh magkasama naman tayo buong bakasyon!"
Biglang nanlaki ang mata niya at ngumising kambing nanaman sa akin.

"Ui, may hindi ka pa sinasabi sa akin... Akala mo ikaw, 'di ko napapansin, simula noong pumunta Kayo sa kabilang isla ni Fafa boss naturlaley ka na! May gapangan bang naganap? Nakuha na ba ang bataan? Ano baks? Magkakapamangkin naba ako?!" tinampal ko ang mga kamay ni Sher na nakagawak sa magkabilang balikat ko.

Ano ba itong pinagsasabi niya? May anim na kapatid akong inaalagaan may nalalaman pa siyang Magkakapamangkin?!

"Ano ba iyang pinagsasabi mo? Baka nakakalimutan mong may responsibilidad pa ako, bata pa ako para mag kaanak! at isa pa......hindi kami naggapangan doon...naghalikan........uh oo"

Napayuko ako dahil alam kong mag hahalumpasay sa tuwa si Bakla. At tama nga. Hindi niya na ako tinigilang paghahampasin.

Para sa kaniya Isa itong kasiyahan, para sa'kin ay isang bangungot.

Dalawang araw akong walang ayos sa tulog dahil patuloy pa din na bumabalik ang sariwang alaala ng pagdidikit ng aming mga labi. Alam kong mali ako sa parteng iyon dahil una sa lahat ay may kasintahan na si Boss. Maging ako hindi maintindihan kung bakit ako hinalikan ni Boss, sariwang sariwa pa din sa akin kung paano siya ngumiti pagkakalas ng aming mga labi. May sinabi pa siyang ilang salita bago ako iniwang tulala noon.

Kinakain ako ng konsensiya dahil pakiramdam ko, nakasakit ako ng tao. Mabait naman si Kylie. Yung shota ni Boss.
Isa siyang model sa America, Kylie Lorrice Will, maganda, napaka anghel ng hitsura, maraming nagkakandarapa sa kaniya.

Eh ako? Pinagkakamdarapaan ng mga inuutangan.

Nakokonsensya ako dahil sa ginawa namin ni Boss. Feeling ko tuloy napakataksil kong tao.

Tama! Dapat tigilan ko na ang kahibangan, dahil kahit saang anggulo, siya ang mas gugustuhin ni Boss kesa sa akin.

Ano ba iyan? First time ko na nga lang magmahal may conflict pa? Ganyan ba talaga?

-

"Heto po bayad manong" iniabot ko ang singkwenta pesos sa driver ng trycicle.

Nagsimula na akong lumakad papasok ng Building. Medyo kinakabahan ako sapagkat magkikita nanaman kami ni Boss.

Enero na ngayon, wala na akong komunikasyon kay Boss simula noong uwi namin galing sa Batangas, hindi niya kasi ako minessage, call, o kahit nag paramdam man lang wala na aking ipinagtataka.

Kaano ano ka ba?

Hmp. Kahit na, kailangan may paramdam pa din siya.

Nang makaakyat na sa palapag ng ofifice ni Boss ay mah narinig akong dalawang boses mula sa loob ng office.

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon