O T S O

99 7 2
                                        

-
"You okay?" tanong ni boss.

Simula ng mailabas niya ako doon sa office ng prinsipal ay kinaladkad niya ako sa kotse niya, diko nga napansin ay na kasunod pala ang apat kong kapatid saamin. Hindi ko parin lubusang makalimutan ang bangis ng hitsura niya kanina. Lumabas na ang mga litid niya habang nakatingin sa nanay ng batang binugbog ni Jack.

Napatango nalang ako sa kanya. May kinuha siya sa likod ng sasakyan niya at dali-daling lumapit sa akin. Sinimulan niyang ilapat ang bulak sa galmos sa iba't ibang bahagi ng katawan ko tulad ng leeg, pisngi, braso. Medyo napapangiwi pa ako sa sakit ng ulo ko. Halos humiwalay yung anit ko sa ulo sa sabunot nung nanay. Natapos nang gamutin ni Boss ang mga galos kaya nilagyan niya na ito ng mga takip.

"What happened?" seryosong tanong niya. Medyo nagtataka ako sa pagiging ganon ni Boss gayong hindi naman siya apektado. Nakakapagtaka nga, paano niya natunton ang skuwelahang iyon gayong napaka yaman niya para napunta doon.

Ang paliwanag niya kanina sa akin ay nakita niya ang mga kapatid ko at tinanong kung kilala ba ako. Syempre itinuro ng mga kapatid ko kay Boss kung nasaan ako. Pero bakit? Bakit ginagawa ni Boss 'to gayong hindi naman ako ganoong ka importanteng tao?

"P-pasensya na b-boss, hindi k-ko  sinasadyang mahuli sa trabaho. K-kailangan ko lang talaga k-kausapin iyong magulang nung na bugbog ng kapatid ko."

"No stuttering Eva" paalala niya kaya lalo akong nayuko.

Napansin kong napa-iling siya. Nahihiya ako dahil sa nasabi ko. May parte sa akin na ikinakahiya ko ang ginawa ni Jack Jack. May parte ring sa akin ay natatakot na baka pati si Boss ay husgahan ang kapatid ko.

Ngunit taliwas sa sinabi ko ang reaksyon niya.

"Your brother is cool, Most of the kids nowadays letting their selves being bullied but your brother made me amused. Kids like him are Rare. You should be proud of him" sa hitsura niya ay mapapansin mo talaga ang lubusang pag kamangha. Ang buong akala ko ay isa din siya sa mag de degrade ng kapatid ko pero medyo nahiya ako sa sinabi niyang 'you should be proud of him'. Dahil ang ginawa ko ay pinagalitan ko pa siya at sinigawan.

"I wish I have a sibling also" dinig kong bulong niya pero malinaw iyon sa pandinig ko.

"Wala ka bang kapatid?" di mapigilan lumabas ang tanong iyong sa bibig ko. Medyo yumuko ako upang ipakita ang pag respeto. "Pasensya na" paghingi ko ng paumanhin.

Ngumiti siya at umiling. "I have a sister. Pero sa kasamaang palad, She was, lost. We tried to search her in each every part of the Philippines but unlucky us. She was nowhere to be found, she's my twin, my innocent twin sister got lost at the age of 1.."napansin ko ang pangingibot ng kanyang mapupulang labi. Ganoon pala ang pinagdaanan ni Boss? Ako kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil buo kami ng mga kapatid ko. Naawa ako kay Boss dahil sa kalagayan nila. Hindi pa nga sigurado kung buhay ba iyong kambal niya o... Hindi.

"Pasensya na uli Boss." at tyaka ko naalala ang mga kapatid kong naghihintay sa labas. Agad akong bumaba ng sasakyan ni Boss at nilapitan ang mga kapatid kong ngayo'y tumutusok ng kwek kwek sa fishbollan.

Nakita ko ang tuwa sa kanilang mga mata habang nginunguya ang mga tinusok nila. Gan'to pala ginagawa nila sa mga baon nila? Mga pasaway.

"Ehem!" paramdam ko sa kanila dahilan para mabilaukan silang apat. Gusto kong matawa kaso baka akalain nilang natutuwa ako sa pagkain nila ng Street foods sa umaga.

"A-ate!" bulalas ni Pat maging sila Jack at ang kambal ay natigilan.

"Kwek kwek sa umaga?" sarkastikong Anas ko. Umiling iling ang mga kapatid ko at umamo ang mga mukha.

"Iha, kulang ang ibinayad niyo sa akin. Medyo na parami iyang kwek kwek niyo" singit ng nagtitinda. Lalong nag init ulo ko.

"Ano ba iyan? Ke Aga Aga fishball inatupag niyo? Tapos ngayon kulang pa ang ibinayad niyo! Pinapakain naman kayo sa bahay pero - -" natigilan ako ng may maramdamang kamay na marahang humawak sa aking balikat. Itinaas baba niya ang kamay niya sa balikat ko senyales na pinapakalma niya ako.

"Hey, hey, let me handle this" aniya sabay paghagod pa din sa balikat ko. Napakunot ang noo ko nang maglabas siya ng limang daan sa wallet niya at ibinigay sa tindero. "kuha lang kayo, bayad ko na" nakangiting kumindat pa si Trevor sa mga kapatid ko. Agad namang nag ningning ang mga mata ng kapatid ko at nagpasalamat kay Boss at nagsimulang tumusok uli.

Lumapit siya akin at ngumiti. "Hayaan mo silang malibang" Saad ni Boss.

Nahihiya ako kay Trevor dahil napagastos pa siya ng di-oras dahil sa mga pasaway kong kapatid. "Boss, kaltasin mo nalang iyon sa suweldo ko, grabe naman kasi 'tong mga kapatid ko, Ahmm pagpasensyahan mo na sila."

Umiling si boss at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"I want to know you even more. Every single detail of your personality. Every inch of you Eva."' di ako naka recover sa sinabi ni boss. Anong meaning non? Bakit napakaseryoso ni Boss?

"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makilala ng Lubos ang pamilya ko Eva. Every member of our family was busy minding their businesses. Wala akong kapatid upang masandalan sa panahon ng pangungulila. I needed you Eva. You and your family. I want you to help me to escape my sad reality. I am pleading you Eva. Consider this as my biggest dept to you.." ngayon ko lamang nakitang Gan'to si Boss. Sinsero at may sakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. 'di ko Lubos akalaing siya na mismo ang nagmamakaawa upang tulungan siyang makatakas sa buhay na kaniyang nakasanayan. Tunay nga ang ika ng iba na madalas sa mga mayayaman ay malungkot. Ngayong si Boss na mismo ang naging Vocal sa damdamin niya ay handa ko siyang tulungan. Sa dami ng nagawa niya sa akin, kahit dito ay makabawi ako.

"Hindi mo naman kailangang magmakaawa ng atensyon at pagmamahal Boss. Dahil kahit hindi ka magsalita, nasayo ang atensyon namin, lahat ng tao sa paligid mo. Gwapo ka at sikat pero alam kong hindi sapat iyon para makamit ang nais mong pagmamahal. Ang isang tunay na pagmamahal. Nasayo ang atensyon at pagmamahal ng iba sa iyo dahil sa panlabas nilang nakikita. Pero ako? Kaming mga natulungan mo? Nasayo ang atensyon namin dahil sa personalidad mo. Andito ako Boss. Handa akong tulungan ka. I paparamdam ko sayo ang tunay na pagmamahal ng isang pamilyang hindi mo natamasa."

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na loob upang magsalita ng napakahaba. Alam kong lahat ng sinabi ko ay nagmula sa puso ko. Alam kong tutuparin ko ang sinabi ko. I paparamdam ko kay boss kung paano magkaroon ng isang pamilyang pinagkait sa kaniya. Ngayon ko napatunayan na walang kapantay ang tunay na saya,kahit ay ipagkumpara mo pa ito sa halaga ng iyong bulsa.

-

"Ate sino iyong kanina? Mukhang big time, Tignan mo? Nilibre pa kami ng liman daan?"

"Oo nga ate, ang yaman naman non?"

"Baka jowa ni ate?" otomatikong na pa lingon ako kay Gregoria na ngayo'y napatakip sa bibig. Masyadong pasmado bibig ng batang 'to.

"Magsitahimik nga kayo! Boss ko yun ok? Walang labis walang kulang. Boss ko iyon tapos." nakabusangot ko pang sinampay ang damit ko.

Kanina kasi ay pinauwi na ako ni boss. Ang sabi niya ay huwag muna daw akong pumasok ngayong araw dahil may renovationg magaganap sa kompanya. Pagkatapos ng usapan namin kanina ay hindi ko inaasahang aakapin niya ako ng mahigpit kaya ganon na lamang ang pagkailang ko. Laking pasasalamat ko din ay Busy ang mga kapatid ko sa pagtusok sa fishbollan kanina dahilan para ignorin ang pagyakap sakin ni Boss.

Sa isip ko ay simpleng yakap lamang iyon. Pero nagtataka ako sa puso ko magsimula kanina ay hindi na tumigil sa kakatibok ng mabilis. Napapikit ako sa pagkainis sa sarili.
Pero kahit pagpikit ko, ay mukha ni Boss ang nakikita ko.

Trevor Clyte Lim.. Ano ang iyong ginawa sa akin??

---

[Chapter 8 End]

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon