-
“HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY ROMROM”
Masayang pumikit ang singkit na mata ni Romeo at tyaka malakas na hinipan ang apat na kandila na nasa ibabaw Keyk niya. Kitang kita ko ang saya sa kaniyang mumunting mata. Malamang ay natutuwa siya ng lubusan sa mga natanggap niya ngayong kaarawan niya.
Sa gilid niya ay ang lima ko pang kapatid na masaya siyang tinutulungang buksan ang mga regalong natanggap niya. Hindi naman masyadong marami, dahil kayla Sher, sa mga iilang katrabaho ko, at tyaka saakin galing ang mga regalong iyon.
Ng mabuksan nila ang mga regalo ay kaniya kaniya silang ngiti ng iangat ko ang camera upang i save ang mahalagang memoryang ito.
Mahalagang memoryang wala man lang siya..
Baka naman mamaya ay nasa opisina na siya? Hinihintay ako? Malamang, sana.
“At ano namang wi-nish ng baby boy namin?” pinilit ko nalang pasiyahin ang karamdaman kahit na malungkot ito.
Ngumiti si Rom at pumalakpak.
“Wis ko sana maka - dadi na si Rom.”Cat got my tongue. I didn't seen that coming. Sa murang edad ay mulat na ang mga kapatid ko sa reyalidad. Hindi ko inakala na sa kabila ng pag bigay ko sakanila ng lahat ay hindi parin pala talaga sapat.
Napatingin si Sher sakin at yumuko.Naalala ko ang mga salitang binitawan ni Don Pablo kagabi bago niya pinatay ang tawag. Bakit ba napakagulo? Kung kelan okay kami, doon naman nagpakita ang totoong ama ng mga kapatid ko. Hindi pa ko handa, handang harapin lahat ng reyalidad at posibilidad.
Nabalik na lamang ako sa ulirat ng marinig kong mag ring ang telepono ko.
Hindi pamilyar ang numerong tumawatawag.
“Hello ho?”
Narinig ako ang malalim na paghugot ng hininga sa kabilang linya.
“Evangeline. Trevor's lover right?”
Biglaang kumabog ang dibdib ko. Kilala niya ko? Ibig sabihin ay baka alam niya kung nasaan si Trevor?“A-ako nga, sino ka? Alam mo ba kung nasaan siya?”
Hindi na mapigilang mga salita sa bibig ko, maski luha ay tumutulo na rin sa aking pisngi.“No. Wala akong ideya kung nasaan siya. Meet me at this place nearby yours, to make things all clear.” wala na kong nasabi hanggang sa patayin niya na ang tawag. Naka-recieve naman ako ng mensahe na nagsaad ng adress na malapit lang dito saamin.
Walang gasgas at desididong umalis ako at pumunta sa adress na nakalagay rito. Wala na sa isip ko ang kapahamakan, o mga maaaring mangyari dahil miss na miss kona talaga si Trevor. Ang mahal ko.
Naabutan ko ang matangkad na lalaking nakatalikod saakin. Medyo magulo ang buhok, at halata sa panunuot niya na guro siya. Siya ay resemblance ng isang Hot professor kumbaga. Ng humarap siya ay mas lalo pa akong naghihigit ng hininga. Gwapo. Pero mas lamang parin ang mahal ko ano. Nakasuot siya ng salamin at polong gusot na. Malamang ay stress sa mga estudyante niya. But it can't change the fact na fresh pa din siya.
“Evangeline?” nakakunot ang noo niya at hindi makapaniwalang nakatingin saakin ng tinanguan ko siya.
“Ako nga.. Anong kailangan mo saakin?” nakita ko ang pagrolyo ng kaniyang mga mata.
“You're not even that beautiful, hindi ko maintindihan kung bakit nagustuhan ka niya.” literal na nganga ako sakaniya. “And based on my observation, your talkative and nagger.”
Pinigilan ko rebatan etong poging malditong ito pero hindi ko na rin napigilan sa huli.
“Hindi ako pinanganak para laitin mo mister, at tiyaka, gusto kitang i-inform na hindi ako interesado sa panlalait mo.” hindi ko halos maatim ng tumawa siya ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
General FictionSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...