V E I N T E

26 4 3
                                    

VEINTE

-

"Kahit wala kayong ama, ipinapangako kong makakamtan natin ang buhay na marangya. Hindi natin kailangan ng haligi kung kakayanin ko naman gampanan ang pagiging ilaw at haligi ng tahanan."

Nakatingin ako sa litrato ni mama na salo-salo ang nararamdaman.
Naluluha, nalulumbay, nanghihina.

“Kung 'di mo ba kami iniwan ng mas maaga, mararanasan ba namin 'tong mga pasakit?”
Hindi n napigilan at tuluyan ng bumagsak ang mga luha saaking mata.

Buong buhay ko, pinangarap ko ang isang buong pamilya. Hindi man mayaman, ang mahalaga ay sama sama, ngunit kailangan kong mamulat sa reyalidad na wala na ang aking ina. Kaya wala na ring pag-asa ang inaasam kong buong pamilya.

Hindi ko kilala ang aking ama. Maski ang mga kapatid ko ay hindi ko kilala ang tunay na ama, pero dati iyon.

Simula ng nag-usap kami ni Pablo, nawalan na 'ko ng gana sa lahat ng bagay. Ilang araw na ba akong hindi natulog ng maayos? Ilang araw naba akong hindi nakain ng maayos?
Wala ako sa hulog, mabuti nalang ay nalilibang ni Sher ang mga kapatid ko kahit papaano upang hindi nila mapansin ang pagkatamlay ko.

Si Trevor naman ay wala ngayon. Ilang linggo siyang mawawala dahil sa proyektong gagawin niya. Nais kong sumama sakanya bilang ako ang sekretarya niya pero pinagpahinga niya na lamang ako. Ang telepono nalang ang naging komunikasyon naming dalawa.

Nalulungkot ako. Sa lahat lahat, pero alam kong hindi dapat habambuhay ay mananatili akong gan'to.

Paglabas ng kuwarto ay naabutan kong naglalaro sa labasan ang mga kapatid ko. Lahat sila ay nasa bakuran.

Masisilyan ko pa ba ang mga pangyayaring ito?

Tahimik akong naglakad tungo sa bakuran, pinagmasdan ang mga kapatid kong tuwang tuwa sa pag lalaro sa buhanginan. Bahagyang may butas butas ang mga damit, napakarumi ng mga kamay at paa, napakagusgusing mga bata. . . Buhay na mayroon kami ngayon ay buhay na hindi nila karapat dapat naranasan.

Hindi nila deserve ang buhay na ito dahil alam kong may hihigit pa dito.

Namatay si mama ng ipinagkatiwala saakin ang mga kapatid ko, simula noon ay sinanay ko ang sarili kong maging ina nila, at nakayanan ko iyon sa mga lumipas na taon, dala ng labis na pagmamahal sakanila.

Ipinikit ko ang mga mata ng marinig ang mga halakhak nila. Mga luha na pinigilan ko'y kusang nangalaglag.. Kakayanin ko ba? Isang araw ay mawala na ang mga halakhak na nakasanayan ko? Ang mga kakulitan na 'lagi kong sinasaway? Ang mga ngiti ng kapatid ko bahid kasiyahan?

Hindi.
Mamamatay ako, kung mawawala sila saakin.

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo at tumayo upang sumali sa kanila.

Pagsubok lang ito, walang makapagpapatumba saakin dahil ako'y Dima-tibag!
Ako si Eva, keri ang lahat yakang yaka!
At buo na ang desisyon ko. Kahit mapang-abutan man sa hukuman ay hindi ko ibibigay ang mga kapatid ko. Namulat sila sa mundo ng sama sama kami, kaya susugpuin din namin ang katapusan ng sama sama.

Mga kapatid ko, hindi tayo maghihiwahiwalay.

“Isali niyo nga ako diyan!”

-

“What's bothering you?”
Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Trevor sa telepono.

Malapit ng mag alas dose at nagtatawagan parin kami. Miss na miss ko na talaga lahat lahat sakanya!

Nagiiling-iling ako kahit na hindi niya nakikita at dalian akong nagsalita.

“W-wala, ano kaba, may iniisip lang ako..”

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon