BONUS

19 3 2
                                    

Elissa's Diary.

Hindi ko alam kung bakit nandidito nanaman ako sa nakaraan. Hindi ako natututo pag sermon saakin ni inay kanina dahil patuloy ko siyang binabalikan. Umaasang magbabago ang pananaw niya gayong may anak kami.

Sa t'wing pagmamasdan ko si Evangeline, naaalala ko siya dahil taglay ng anak namin ang mata niya na pinangarap kong masilayan niya.

Bakit kaya hindi niya kami piliin ni Eva? Dahil ba mahirap lang kami at mayaman siya? Pero ang sabi niya mahal niya ako sa kabila ng antas ng buhay ko. . .

Itutuloy...

Nakilala ko si Pablo Santibanez. Isang mayaman na Doktor at Businessman. Nagsisi ako sapagkat binigyan ko siya ng pagkakataong ligawan ako sa kabila ng wagas na pagmamahal ko kay Romualdo.

Gusto kong magsisi sapagkat nagkaroon kami ng anak ni Pablo, pero sa t'wing maaalala ko ang pangiiwan saamin ni Romualdo ay namumuo ang puot.

Siyam na taon na si Eva, lumaki siyang maganda at magalang na bata. Gusto ko man ituon ang atensyon ko sakaniya ay namumuo ang galit sa twing nakikita ko ang asul niyang mata.

Hanggang sa lumabas ang unang anak namin ni Pablo. Umuwi kami kay inay sa probinsya, upang lumayo sa katotohanan. Alam kong ayaw kaming paalisin ni Pablo ngunit hinayaan niya nalang kami dahil sa kagustuhan ko.

Araw araw kong iniiwanan si Patriciana at Eva kay inay upang hanapin si Romualdo sa lugar na madalas niyang puntahan. Dahil may kaunting pag-asang natitira pa sa puso ko. Ngunit nabigo ako. .

Itutuloy...

Isang gabi, habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko ang pamilyar na kotseng naka parada sa harap ng barong bahay namin. Ngunit ng lalapit ako ay mabilis na umalis iyon.

Alam kong si Romualdo iyon. Tinungo ko ang lugar na tinirhan namin noon, doon ko nakita ang katotohanan.

Sindikato si Romualdo, isa siyang sindikato!

Itutuloy...

Sising sisi ako, dahil nasisilayan ko sa mga mata ni Pablo ang lubus na kalungkutan. Sa twing nanganganak ako ay hindi ko naipapakita ang mga anak niya dahil pinanatili ko sila sa bahay ni ina.

Ayaw kong mabuo kami nila Romualdo bilang pamilya, dahil umaasa pa din ako sakaniya..

Kaya iniiwan ko si Pablo, ng walang dahilan at ideya.

Sa edad kong trentay uno, nakaranas pa ako ng hampas mula sa nanay ko dahil sa ka tangahan ko sa pagibig. Hindi ko mapigilang mahiya sa sarili, kay pablo, sa mga anak ko, lalo na kay Eva, dahil sa pagtatanim ko ng sama ng loob sa asul niyang mga mata. .

Itutuloy..

Ngayong pagbubuntis ko ay ibang hilab ang nararamdaman ko, hindi lamang sa tiyan at pwerta, pati na din ang puso ko.

Pero pinipilit kong tatagan ang sarili, kahit alam kong ito na ang huling panahon ko. .

Nagdadasal ako na sana, mapatawad ako ni Pablo, na sana, makilala ni Eva ang ama niya sa kabila ng kasaaman nito, dahil naniniwala pa din akong hindi masasaktan ng magulang ang anak. At sana, makilala ni Pablo ang mga anak niya.

Huli na siguro ng ma realize ko, na hindi dapat ako nagpaka tanga sa taong hindi ako kayang ipaglaban. Na sana mas pinili ko nalang na ipilit ang pagmamahal sakaniya, kaysa sa humantong sa gan'to..

Wakas.








THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon