V E I N T E U N O

39 4 1
                                    

VEINTE UNO

“Kuya, 'dyan mo nalang 'ho ako ibaba.”

Hindi naman nagatubiling itinigil ng trycicle driver ang makina.

Lim's Reál Estate

Andirito nanaman ako. Isang normal na araw ngunit nakakapanibago ang atmospera. Puno ito ng kalungkutan at pangamba.

Pagkapasok ko sa lobby ng building ay nasagap na ng aking tainga ang bulong-bulungan ng mga empleyado.

Talaga? Bumalik na si boss?

Huh? Nakabalik na siya?

Oo, balita nga kasama niya daw iyong fiancé niya, iyong sikat.

T-teka.. Sinong Fiancé ba sinasabi nila?

Hala, taken na si boss?! from o to the m to the g!

“Akala ko nga sila nung sekretarya niya.”

“Hala napansin mo rin pala? Masyado silang close ano?”

Hindi ko na balak tapusin ang usapan nila kaya't nagmadali na 'kong pumasok sa elevator.

Bumungad saakin ang opisina na puno ng dekorasyon. Hindi ma enganyo, hindi bongga. Simple, sapat na para sa dalawang mag se-celebrate. May lamesa't dalawang upuan. Kandila at mga pagkain na nakahain. Mayroon ding bote ng alak.

Sino gumawa neto?

Isang baritonong boses ang nagmula sa swivel chair na malapit sa bintana.
Ng umikot ito ay nakita ko ang napakagwapong ngiti ni Trevor.
Sawakas Ay nasilayan ko muli siya!
How i miss him so much!

Even when thy sky comes falling,
Even when the sun don't shine. .

I got faith in you and i, so put your pretty little hands in mine.

Even when we're down to the wire babe,
Even when it's do or die. .

We can do it baby single and plain, 'cause this love is the Sure Thing..

Naalarma ako ng unti unti na siyang lumapit saakin. May mga ngiti siya sa labi habang gumegewang gewang ng kaunti umaaktong sumasayaw.
Hindi na napigilan kumawala ng matatamis na ngiti sa aking labi.

Rupok much self

“I miss you so much sweetheart. . Do.. You like it?”
Hinapit niya ang baywang ko at plinantahan ng halik ang tungki ng ilong ko.

Halos wala ng lumabas na salita sa bibig ko dala ng pagka-shock sa mga nagaganap.

Akala ko ba magkasama sila ni Kylie?
Akala ko ba hindi niya na 'ko mahal?
Akala ko ba pinagpalit na niya ako?

And drama mo, andyan na nga eh, kiligin ka nalang!

Sabagay..

“Hindi ko expect 'to kaasar ka. Akala ko sa susunod pa balik mo..” at akala ko rin pinagpalit mo na 'ko.
Siniksik ko ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib.

Sinabayan ko ang bawat galaw niya na sumasabay sa ritmo ng magandang musika.

“Nah, as much as possible, I've finished all of my business dealings to be with my sweetheart. I really missed you baby.”

Bahagya ko siyang tinulak. Na ipinagtaka niya. Pinakatitigan ko siya sa mga mata. Ang kulay abo at magaganda niyang mga mata. Paramg isang baterya na hinihigop ang aking enerhiya.
Walang pagdadalawang isip ay tinangkad ko ang mga paa at inabot ang kaniyang mga labi.

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon