——
Kasalukuyan kong pinapanood ang mga nagsasalita sa harap at kasalukuyang nagiisip sa mga nakaraan. Umaasa rin ako na makikita ang matalik kong kaibigan na si Sher, ngunit agad nadismaya ng malamang hindi ito tumuloy sa party. Sumama daw siya sa Singapore sa sikat na model.
Back then, nangangarap lang siya, but now, he is a famous make up artist in the asia. I couldn't believe na dati kong tinatawag na kabayo ay sikat na.
Andito kami sa table namin ni Miran.
“So okay na kayo ng mga kapatid mo? Grabe Eva, akala ko talaga pinagloloko mo'ko na may anim kang kapatid dito. Wala kasi sa hitsura mo eh” napatingin ako kay Miran na ngayon ay Hindi parin tumigil sa kakakuda.
Masyadong lumilipad ang isip ko para maging aware sa mga kaganapan sa paligid ko. Ang nga kapatid ko ay nasa mga kaibigan nila, dahil dumalo raw ang mga ito, kaya hinayaan ko muna sila na magsialis. Kasama ko ngayon si Romeo. Kanina noong nakita ko siya, hindi niya ako pinapansin dahil hindi niya raw ako kilala, pero dahil mapilit ako, hindi ako sumuko hanggang ma kilala niya ako. Kinuha ko ang loob niya at iyon hindi na siya nahiwalay saakin.
“Ui, earth to Eva, sabi ko okay na kayo diba?” napatingin ako kay Miran na tila nawawalan na ng pasensya dahil sa pan- dedeadma ko sakaniya.
“Sa totoo Miran, Ok na okay na kami ng mga kapatid ko. Nakakatuwa lang na hanggang ngayon ay hindi nila ako nakalimutan. Madali rin nila akong napatawad sa pangiiwan ko sakanila. Masaya ako ng sobra”
Umasta si Miran na pinupunasan ang mga luha 'kuno' na tumulo sa mga mata niya.
“Lovelife nalang ang kulang sayo Eva,” aniya tiyaka tinapik tapik pa ako sa balikat. “Huwag kang mag-alala, darating din ang tamang arabo para saiyo” muntik ko ng masapak si Miran kaya medyo napalayo siya saakin. Ang hilig talaga akong pagdiskitahan ng babaeng ito.
Akmang kakausapin ko si Miran ng mabitin ang sasabihin ko dahil nakita ko si Trevor na papasok sa Venue. Gwapong gwapo siya sa suot niyang suit, bagay na bagay rin ang naka ayos niyang buhok. Lalo ring kumisig ang pangangatawan niya. He's like a Knight.
Why am I drooling over him? Oh please!
Ng magtama ang mga mata namin ay parang tumigil ang pag-irog ng mundo ko. Ang mukha niyang madilim kanina ay unti-unti..lumiwanag? Baka guni-guni ko lang iyon.
Nakita ko rin na may kasamang dalawang matanda si Trevor. Sigurado akong nakita ko na sila dahil sa mga portraits ng pamilya nila sa office ni Trevor noon. Sila ang parents niya! May pagkaseryoso din sa mga mukha nila at parang galit sila sa mundo.
Humiwalay siya ng landas sa parents niya at mabilisan siyang tumungo saakin. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalapit ay may sumalo na ng baywang ko.
“Lévin!” gulat na saad ko. Sa totoo lang ay gusto ko siyang itulak at lumayo. Pero ayoko naman na magtaka saakin si Lév.
Ang gulo, footspa!
“Hi babe, are you enjoying the party?” pinalakas pa ni Lév ang boses niya, batid kong pinaparinig niya talaga kay Trevor.
“N-nageenjoy ako L-Lév. At na ccr din ako. Excuse me” nag presinta si Lév na ihahatid ako sa comfort room, pero tumanggi nalang ako. Gusto ko mag-isip!
Walang lingon lingon ay pumasok ako aa pinaka malapit na comfort room. Doon ko nilabas ang kanina pang gininga na bumabara sa sistema ko.
Nakalimutan ko pang kuhanin si Romeo dahil sa pagmamadali ko. Pero napansin ko rin naman na kasama niya si Miran. Panatag na ako ng bahagya.
Bakit napaka unfair ng mundo? I can't forget him while he's having a happy living life?
Napatingin ako sa salamin.

BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
Ficción GeneralSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...