Wattpad can help you escape the reality, but being in real world,family teaches you how to love what's real and escape to the reality that every wattpad story was just fictionalized.
DI-SI SEIS
-
Maha-hapon na at malapit na ang out namin. Tiningnan ko ang swivel chair ni Boss. Kanina pa siya wala, halos magtatatlong oras na. Nagalit ba siya sa akin? Na offend ba siya sa mga pinagsasabi ko kanina?"Then...the feeling is mutual Eva."
Ilang ulit na ba nag echo sa utak ko ang linyang iyan ni Boss?
Saktong tumunog ang alarm clock ni Boss sa lamesa ay bumukas ang pintuan ng opisina. Nakita ko si boss na nakaporma at para bang bagong ayos.
Dali dali siyang lumapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Nagpatilag ako ngunit sadyang malakas siya.
"Boss, a-ano ba bakit kaba nanghihila? Bitawan mo ko" sa sobrang kalikutan ko ay nabitawan niya ang braso ko, tatakbo na sana ako ngunit naramdaman ko na lamang na umaangat ang buong katawan ko. Lalo akong nangalaiti ng ma realized kong binuhat niya ako na parang sako.
"Bitawan mo ako Boss i baba mo'ko! Alam mo, puwede kitang kasuhan sa ginagawa mo!" patuloy pa din ako sa pagtilag ngunit parang wala lamang sa kanya.
"Hey, I won't gonna harm you ok? Makisama ka lang" pagkatapos ay Saktong bumukas ang elevator. Buhat buhat pa din ako ni Boss hanggang ngayon, laking pasalamat ko at naka pantalon ako dahil kung hindi ay baka lumitaw na ang panty ko dito.
Yumuko ako dahil ramdam ko ang titig ng taga ibat ibang Department at mga maintenance saamin.
Ano ba kasi itong kabaliwan ni Boss?!
Naka hinga ako ng maluwag ng mailagay na ako sa kotse ni Boss. Take note, siya pa ang nagset sa akin sa upuan.
Pagkatapos ay pumasok na din siya. Tiningnan ko siya at Saktong nakasalubong ang titig namin.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Do you trust me?"
Bagamat ay nadala ako sa ngiti niya ay napatango ako.
Alam kong walang gagawing masama si boss sa akin, wala naman sigurong mawawala kung pagkatiwalaan ko siya?-
Nahinto kami sa isang hindi malamang lugar. Puno ng puno at mga halaman. Nasa mataas rin itong lugar. Hindi ko nga alam kung nasa Pilipinas pa ako eh, napakahaba ng binyahe namin. Nang bumaba si Boss ay bumaba na din ako. Sumalubong sa akin ang magandang tanawin at ang simoy ng sariwang hangin.
Tinignan ko si boss, ano ginagawa namin dito?
"I want to walk with you Eva, would you mind?" inalok niya ang kaniyang kamay.
Tatanggapin ko ba?
Nagdadalawang isip kong tinanggap ang kaniyang kamay. Bagamat ay malakas siya, nahila niya ako at napalapit kami sa isa't isa. Ngayon ay naglalakad kami. Ramdam ko ang pagbabanggaan ng aming mga balat na nagdudulot ng kuryente sa sistema ko.
Hindi ako makapagsalita, tila ba naputol ang dila ko. Kada hakbang namin ay pabili ng pagbilis ang kabog ng puso ko.
Malapit na din ang paglubog ng araw at may kung ano sa akin na nasisiyahan. Gusto ko kasing makakita ng sunset.
"Do you have Exes?" tumingin ako kay Boss at diretso pa din ang tingin niya sa dinadaanan namin.
"W-wala" sagot ko.
Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"May nagugustuhan kaba?" bahagyang huminto ang tibok ng puso ko. Sasagutin ko ba?
"O-oo, pero h-hindi niya ako gusto." tuloy pa din kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit nagbukas ng ganong topic si boss, pero ang alam ko, marami akong masasabing bagay na hindi inaasahan.
"Tinanong mo naba siya kung ano nararamdaman niya sa iyo?"
Napailing ako.
"You didn't asked yet, but you already concluded" napahinto ako ng tuluyan sa paglalakad. Ano bang gustong palabasin ni Boss? Tinatanong niya ko kung may ex, nagugustuhan tapos ako nagcoconclude?
"Pero kasi boss, mahirap din iyon, kapag tinanong ko siya, baka magalit siya sa akin.. Ikaw boss, may ex kana ba?"
Ngumiti siya sa kawalan at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko."Yes, I have one, but sadly, she....cheated on me. I admire her more than I admire myself, but unluckily, she chose to hurt me." gusto kong aluin si boss sa ngayon. Hindi niya naranasan ang pagmamahal ng isang pamilya, sinaktan pa siya ng ex jowa niya.
"Uh...boss, hindi sa naghihimasok ako sa buhay mo, at hindi ko din sinasadyang marinig pero....totoo ba na ikakasal ka kay maam Kylie?" tuluyan na siyang huminto sa paglalakad.
Tumingin siya sa akin na para bang sinusuri niya ang aking reaksyon.
"Yes,pinagkasundo kami ng mga magulang namin, but i won't do what my parents want. Gusto kong matali sa taong mahal ko at hindi sa taong pinagkasundo lang... May iba ka pa bang narinig, bukod sa kasal?"
Mukha ni Boss ay parang interesadong interesado siyang madinig ang aking sagot."O-oo, na-narinig ko yung...nagmamakaawa sayo si Ma'am Kylie na bumalik..."
At doon ko napagtagpi tagpi ang lahat!
Niloko si boss ng ex niya tapos si Kylie ay nagmamakaawa para bumalik si boss sa kaniya, ibig sabihin siya ang Ex ni Boss?"Kylie is my Ex." sa ikli niyang salita ay parang malaking bato ang pinukpok sa ulo ko. Ibig sabihin may Past talaga silang dalawa?
Hinila ako ni Boss sa isang banda kung saan ay malinaw mong makikita ang paglubog ng araw.
Ilang minutong pinagmasdan namin ang kapaligiran bago ko narinig ang baritonong boses niya.
"I don't want to hide this forever. Eva, at first nagalit ako sa iyo cause you totally spilled me the coffee that time. But when I met your eyes, I don't know but I was captivated on it. I even stalked you. And I just realized that... I was already falling for you.. I like you Eva, I like your attitude, the way you laugh, talk everything about you. Alam kong masyadong mabilis ang pangyayari pero natanong ko mismo sa sarili ko, inoorasan ba ang pagibig?" hinawakan niya ang mga kamay ko at ikginayad papunta sa pisngi niya. "I know I'm not wrong for choosing a woman like you...i will ask you. May I court you Eva?"
Tuluyan ng naghurumentado ang sarili ko.
Totoo ba ito? O isang panaginip? Kung panaginip man ay mas pipiliin ko na huwag na lang magising.
---
[Chapter 16 End]
BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
General FictionSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...