C I N C O

133 12 0
                                        

-

"Sir--este Trevor, hindi mo naman ako kailangang isabay, nakakahiya naman sa kotse mo, ang bango bango tapos ako amoy araw na eh." nahihiya ako dahil sa sobrang baho ko na. Ilang oras ba namang umupo sa gilid ng kalsada. At tyaka isa pa, hindi ko inaasahan na si sir na natapunan ko ng kape na ang pangalan ay Trevor ang makakasama ko ngayon dito.

Medyo na iilang nga ako kasi minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sa mata ko, ewan ko parang bet niya yung blue eyes ko. Maganda naman mata niya eh, kulay Grey, tapos ang gwapo gwapo niya pa, sino ba namang hindi malalaglagan ng panty kung tititig ka sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina.
"Buti pa sa kotse ko may hiya ka" namamanghang saad niya. Medyo na guilt ako doon. Oo nga naman, nahiya pa 'ko sa kotse imbis sa kanya, naamoy niya kaya ako?

"Pasensya na Sir este Trevor hehe umhh, ano dito mo nalang ako ibaba." napansin ko kasing nasa may kanto na kami papunta sa tirahan ko. Ang kapal naman ng pagmumukha ko kung hanggang sa bahay magpapahatid pa 'ko.

"Dito na ba bahay mo?" tanong niya habang pinagmamasdan ang paligid. Medyo nahiya ako dahil sa pagngiwi niya. Nandidiri ba siya sa lugar namin? Dahil ba mayaman siya?
Hindi siya sanay sa skuwater's area kaya siguro nandidiri siya.

"Ah eh hindi, doon banda bahay namin, nakakahiya naman kung magpapahatid pa 'ko hanggang doon, keri ko ng lakarin. Salamat pala." ngumiti ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung napakalinis ng ngipin ko. Nakalimutan ko pala mag toothbrush kanina shetay.  Nakakahiya talaga.

Pilit kong inaalis itong Letse ng seat belt ng sasakyan ni Trevor pero ayaw matanggal ng tali. Napapansin niya yata na nahihirapan ako kaya siya na mismo ang nag alis.

Katahimikan*

Binalot ng kakaibang katahimikan ang sasakyan ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Napakabango at napakainit. Habang kinakalas niya ay hindi ko mapigilan hindi mapalingon sa kanya. At ganon na lamang ang gulat ko ng magbangga ang labi naming dalawa.

Napakalambot.

Agad akong lumayo sa kanya ng mabaklas niya na ang seat belt. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at agad lumabas. Nang masigurado ko ng nakasara ang pintuan ay napahawak ako sa dibdib ko.

Ano ba 'to? Bakit ang bilis?

Narinig kong bumukas din ang pintuan kaya napalingon ako sa kanya. Bakit pa siya bumaba? Sisigawan niya ba ako? Ang false naman kasi ng ginawa ko eh, nahalikan ko siya?

Aksidente lang iyon...

Tama! Aksidente lang iyon.

"I'm sorry." tumikhim siya. "I heard that you've lost your job. I am giving you an offer. Would you like to work with, me?"

"I can pay you triple" dagdag niya pa.

'Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Totoo ba iyung narinig ko? Binibigyan niya 'ko ng trabaho? Teka? Triple salary? Paano niya nalaman na natanggalan ako ng trabaho? Not just once, but trice.

"Ah hindi ba nakakaabala sa iyo? Nakakahiya kasi." nahihiyang usal ko. Nakakahiya kasi una may kasalanan ako sa kanya, tapos tinulungan niya pa ako kanina, tapos ngayon inoofferan niya 'ko ng trabaho?

"No, I insist.."

Una ay nag-aalinlangan pa ako, pero pa pairalin ko paba ang hiya kung alam kong gagawin ko'to para sa mga kapatid ko?

"Ano bang trabaho?"

Matagal bago siya mapasagot. Kita ko pa ang pagaalinlangan niya.

"Be my, Personal Assistant"

THE BREADWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon