-
"What the!"
Kanina pa nagpipigil si boss na murahin ako. Ewan ko pero wala naman akong ginagawang masama sa kaniya ay galit na galit siya sa akin.
Wala nga yata siyang pakialam na umiiyak na ako sa harapan niya.
Hinila niya ako pabalik sa hotel room tapos binagsak sa kama. Tapos ngayon hilong Hilo na ako sa kakaikot niya.
Napasabunot siya sa sarili niyang buhok pagkunaway may ibinubulong.
"Boss Tama na iyan" saway ko sa kanya ngunit parang wala siyang naririnig.
Kaninang pagbaba na pagbaba ko sa lobby, nagulat nalang ako ng may mga kamay na humila saakin, tapos ngayong naghahanap ako ng kasagutan kung bakit niya ginawa iyon wala naman akong makuhang panayam mula sa kanya.
Sa sobrang Hilo ko sakniya ay ako na ang tumayo at hinawakan siya sa braso. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero napakasarap sa pakiramdam.
Pamparampampam
"T-tama na boss, nakakahilo eh" marahan kong hinaplos ang kanyang braso.
Nakita ko ang paglikot ng mga mata ni Boss, maging ang paglunok niya, mukha siyang shunga na kinwkapusan ng hininga.
"Ano 'ba problema boss? M-may nangyari ba?" mahinahon pa din ang boses ko dahil hangga't maari, ayaw kong ma beast mode siya.
Nagulat nalang ako ng ipatong niya ang isang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa kanya. Pero mas nagulat ako ng marahan niya akong niyakap. Marahan pero mahigpit, iyong tipong 'wala ka ng kawala'. Aminin kong nawiwirdohan ako kay boss, na kinakatakot ko. Medyo bipolar si boss, minsan ngumingiti, minsan may pagka sira, minsan beast mode ang dating.
"Manatili tayo sa gan'tong posisyon kahit ilang segundo lamang." napapikit ako ng mga mata ng nimanman ko ang complete tagalog phrase ni boss.
Ramdam na Ramdam ko ang matitigas niyang dibdib sa bandang ulohan ko. Ang makisig niyang braso na nakaakap saakin,na lalong nagpabaliw sa sistema ko.
Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang aking pisngi gamit ang isang kamay. Tinitignan niya ako bago dinampian ng halik sa pisngi.
Imbis na magulat ay napangiti nalamang ako. Palaging ginagawa saakin ito ni Boss kaya nasanay na ako, ngunit maiiwasan ko bang magtanim ng katanungan sa isip ko?
Bakit?
-
Napaikot ako ng tingin sa kabuuan ng dalampasigan. Ang rumaragasang alon, ang huni ng ibon, ang mga taong masayang nagtatampisaw.
"ATE! Tignan mo nagagawa kami sand casel!" muntik na akong mapangiwi sa pagbigkas ni Pat ng Sand castle. Napailing na lamang ako. Ano pa bang aasahan ko, 'di sila makain tindi ng Ingles, magsalita pa kaya?
Ganoon din ang gawa nila Pam, Rom at Sher, habang ang kambal ay naliligo pa din sa dagat.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at nakita ko si Jack sa medyo kalayuan ng dalampasigan. Malungkot na nakayuko habang nakapatong ang kamay sa tuhod.
Kanina ko pa napapansin ang kakaibang galawan ni Jack, duda na ako na may problema siya.
Habang palapit ay sa kanya'y napansin kong wala masyadong tao rito.
Umupo ako sa kanyang gilid at pinagmasdan din ang dagat.
"Bakit ka nandito? Diba dapat naglalaro ka kasama ng mga kapatid mo?" tanong ko habang ang paningi'y nasa dagat pa din.
Nilingon niya ako at Nilingon ko 'din siya. Nag tama ang paningin naming dalawa. Kitang kita sa kaniyang mga mata ang lungkot... At takot?
Umiling lamang siya at ibinalik ang paningin sa dagat.
"May...problema ka Jackson. Ate mo ako, ako ang nagpalaki sa iyo, kaya asahan mong bawat detalye tungkol sa iyo ay alam ko. Ngayon tinatanong kita anong problema?"
Nakita ko ang unti unting pag ka laglag ng mga luha niya.
"A-ate........*snift*. M-mitt ko na ti M-mama...pero kahit ganoon, alam ko namang hindi na tiya babalik. Ate.......ikaw na lang mayroon ako. Kami ng mga kapatid ko."
Doon na akong tuluyang na Palingon sa kanya. Dinig na dinig ko ang kanyang paghikbi. Paghikbing naglalaman ng sakit at pighati.
"Ate.....Alam kong hindi ako dapat humiling ng gan'to, pero puwede bang.....huwag mo kaming ipagpalit kahit kanino?" tuluyan ng umawang ang bibig ko.
"Ate, kahit hindi mo tabihin alam ko naman na may gutto ka kay kuya Trev. Kita kita ko ta mga mata mo. Natatakot ako na baka itang araw, iwanan mo kami at tumama kana takanya. Natatakot ako na itang araw, wala na akong ate. Ate na gigiting ta akin ta umaga, ate na magluluto ng pagkain, ate na pinapagalitan kami kapag may katalanan, ate na mahal na mahal kami higit ta lahat... Ate, huwag mo tana kaming iwan. Wala na tti nanay, ikaw nalang ang mayroon kami ate." tuluyan na siyang humagulgol sa harapan ko.
Maging ang pag init ng sulok ng aking mga mata ay naramdaman ko. Napailing ako at niyakap siya ng mahigpit.
Hindi ko akalaing maglalabas ng damdamin si Jack saakin. Kaya pala. Kaya pala kanina ko pa siyang napapansin na may malungkot na mata. Inakala niyang iiwanan ko sila?
Sa buong buhay ko, isinumpa ko sa sarili ko na hinding hindi ko hahayaan ang mga kapatid ko. Nangako ako na bibigyan ko sila ng saganang buhay, ng buhay na puno ng kasiyahan at pagmamahal.
Malabong gawin ko ang prediksyon ni Jack ngunit masisisi ko ba siya?
Ako lamang ang mayroon sila, at sila lamang ang mayroon ako. Makakaya ko ba na ipalit ang mga kapatid ko sa bagay na nanaisin ko?
"Huwag kangang umiyak, akala ko naman ano ang problema mo!" natatawa pa akong Umiling kahit na basang basa na ng luha ang mga mata ko. "Sinong nagsabing iiwanan ko kayo? Gaya ng sabi mo, ako lang a ng mayroon kayo... At kayo lang ang mayroon ako. At tatandaan mo,hindi ko kayo ipagpapalit sa anumang bagay, o....tao sa mundo"
Ano ba sila?Ako kaya si Eva! Kering keri, yakang yaka! Aja!
-
"Ate ang saya dito!" nakangiting Saad ni Pamela habang kumakain ng fried chicken. Nandito kami sa SEA side upang kumain na ng hapunan. Kaunti na lalamang ay magdidilim na ang paligid. Si boss ay may kinuha lamang saglit sa loob, habang kami naman ay kumakain na.
Maya maya ay napalingon ako sa lalaking prenteng naglalakad patungo rito. Mapa side, front, back view ang gwapo niya pa din talaga.
Nakasuot siya ng Black na sando at simpleng Island shorts. Napakagwapo talaga! Makalaglag napkin eh. Eh dugyot mo self.
Akamang uupo na siya sa harapan ko ng bigla siyang maatulala sa likuran ko. Napakunot ang noo ko. Akmang lilingunin ko ang tinitignan niya ngunit na unahan ako ng isang matinis na boses babae.
Bigla itong yumakap kay Boss at hinalikan pa neto sa labi. Na ikinawasak ko.
"OH Trevy, I missed you so much!"
Bakit gan'to? Sakit sa heart!
---
[Chapter 13 End]
The fetch? Who's that Pokémon?
BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
General FictionSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...
