-
"Eva the virgin!"
Hanggang dito sa loob ay dinig ko na ang boses ng kaibigan kong si Sherwin----errr Sheryl pala. Napaka-Aga napadayo ng kabayong 'to?
'Di ko din maiwasang mapangiwi sa itinawag niya sa akin. Eva the Virgin?
"Eva! hour you here?"
Isa pa, nangangati talaga mga kamay ko sa pagbigwas sa kaniya. Mag I-ingles nalang ingles arabo pa. Like 'Are U lost BiBi Girl?'
Sandali kong itinigil ang pag piprito ng hotdog at Tuyo para sa mga kapatid ko, at dali-daling nagtungo sa pintuan. Bumulaga sa akin ang isang hayop este kaibigan ko na may pagka-kapal ang make up. Ewan ko ba pero walang araw na hindi naglagay ng kolorete sa mukha 'tong baklang 'to. Malamang sa malamang, kung hindi ko 'to bestfriend ay baka mapagkamalan kong Prosti.
Prosting nalugi.
Kahit naman kasi maging Prosti 'to walang u-upa sa kanya, liban nalang kung maging clown.
"Anong Meron at keaga Aga mong bulabog?!" singhal ko sa kanya.
Eh kasi naman, kapag nagising na ang mga kapatid ko, magugulo na naman ang buong mundo ko. Sa totoo lang, alas kuwatro palang ng madaling araw ay naghahanda na ako para sa mga kapatid ko. Hindi kasi puwedeng may makalimutan ako ni isa mang asikasuhin sa kanila.
Pito kaming magkakapatid sa pamilya, si nanay ay mag ta-tatlong taon ng namayapa. Ang tatay naman ng mga kapatid ko ay iba iba. Maski ako ay iba rin ang ama. Sabi ng nanay, may lahing spanish ang ama ko, which is masasabi kong true, dahil makikita mo sa pamamagitan ng asul na mata ko, sabi kasi ni nanay asul ang mata ng ama ko, iyon nga lang, walang akong balita kung nasaan siya. Samantala ang mga kapatid ko, nagsulputan bigla, naalala ko pa dati na kapag nagaabroad si mama, babalik siya dito may hagkang bata na. Hindi ako nagalit kay nanay at mas lalong hindi ko siya kamumuhian, sinuportahan ko na lamang siya dahil alam kong doon siya masaya.
Simula nung machugi si nanay, ako na ang tumayong magulang sa anim kong kapatid, tumigil na 'din ako sa pag-aaral upang matutukan ko sila, at tiyaka wala na din akong pag matrikula sa eskuwelahan.
Nakakalungkot dahil sa nakalipas na tatlong taon, gan'to na ang takbo ng buhay namin, minsan naiiyak ako, kung hindi ba namatay si nanay ng manganak marahil nandito parin siya masayang namumuhay kasama namin. Eh kaso hindi eh. Kaya ang ending, ako na nag-aalaga sa mga kapatid ko,ako ang naiwan upang matutukan sila.
Pero hangga't makakaya ko, hindi ko hahayaan mga kapatid ko, dahil kahit hindi man kami purong magkakadugo, ay iisa lamang ang aming ina.
-
"Ate, magandang umaga" bati sa akin ng kapatid kong si Pat Pat. Patriciana Dima-tibag, dose anyos. Si pat, mag gegrade 7 na next year kaya kailangan ko ng mas kumayod pa dahil mag ha-high-school n a siya. Maganda si Patpat yun nga lang, medyo tibo ang galawan.
"ganda gising mo pat?"
"Hindi naman ate, alam mo nakachicks kasi" ngising sagot niya. 'Di pala medyo tibo, dahil sadyang tibo talaga siya. Pero walang kaso sa akin iyon, kung saan siya masaya suporta ang maibibigay ko sa kanya. Huwag lang nilang kalimutan na nagaaral sila.
Napailing nalang ako at inihanda pa ang plato sa lamesa.
"Ano ba Gregorio tigilan mo 'ko!"
"Ayoko nga"
"Ate si Gregorio na hindi pa tuli inaasar ako oh!" sumbong sa akin ni Gregoria. Mukhang nagaaway nanaman sila.
Akmang magsasalita na ako ng may nanapok sa kanila.

BINABASA MO ANG
THE BREADWINNER
Algemene fictieSiya ay isang ordinaryong babae. Mahirap,Dukha,Lugmok. Hindi siya pinalad na maging maykaya. Kung tutuusin ay ka estado niya na ang daga. Paano pa kaya kung naiwan sa kaniya ang 6 niyang kapatid? Makakaya niya ba? "Ano kaba?! Ako kaya si Eva, kering...