KABANATA 40

42.7K 1.2K 91
                                    

Jasper’s P.O.V.

Kami ang lulusob.  'Yun ang naisip na plano ni Lola.  Isa sanang napakagandang plano, kung hindi kami mauunahan.  Ang kaso mo, napapaligiran na pala kami ng mga kampon ni Lucio.  Ang mga pangit na hinayupak na halos sabay-sabay na nagsisulputan sa himpapawid, sa  ibabaw ng nakapalibot na pader at sa bubuhangan ng aming bahay—pati na ng aming mga kapibahay.

Napalingon ako kay Paolo sa aking kaliwa, sa pag-aalalang magugulat s’ya sa kanyang nakikita.  Ang kinalabasan, ako pa ang nagulat, dahil ni hindi man lang ito mukhang kinabahan.  Hinila pa n’ya si Helena, para ikulong sa kanyang bisig, habang umiiyak na yumayakap naman sa kanya ang aking kapatid.

Lumingon ako sa aking kanan, naro’n si Dad na yakap-yakap si Mommy, habang si Lola at si Jordanna nama’y... nawawala?  

Nawawala ang asawa ko?

What the—

Natatarantang hinapyawan ko ng tingin ang buong paligid, pumaling sa magkabilang gilid, bago ako lumingon para makita ko rin ang nasa bandang likuran.

"Anak ng—" Bulong ko.

Natanaw kong bitbit na ng dalawang Aswang na may pakpak si Jordanna, pati na rin si Lola.  Nagpupumiglas si Jordanna, habang si Lola nama’y kalmado lamang na nakatingin sa aking banda.  Mga sampung dipa mula sa kinatatayuan ko ang layo nila. Parehas na tinatakpan ng mga may bibit sa kanila ang kanilang mga bibig.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Bum’welo na ako ng mabilis na pagtakbo, at buong p'wersang lumundag, pumailanlang sa hangin, hanggang sa mahagip ko ang mga paa ng Aswang na naglilipad kay Jordanna.

Bahagyang bumaba ang lipad nito, habang nakabitin ako sa mga paa nito.  Pero dahil malakas din ito, malaki, at may malalaking pares na itim na mga pakpak—na maihahalintulad naman sa mga pakpak ng lawin, ay walang kahirap-hirap na nabitbit din ako nito paitas.

Habang nakabitin ako, unti-unti naman akong nakakarinig ng mga taguktok ng hugpungan ng mga pumapagaspas na pakpak, at ingay ng samo't-saring pag-angil ng mga demonyo at aswang na umalingawngaw sa himpapawid. Hindi ko na mabilang ang mga ito. Ang lahat, tila mga gutom na osong lumilipad na papalapit sa amin.

"Kuyaaaaa!"  Dinig kong umiiyak na hiyaw ni Helena mula sa ibaba. Naririnig ko rin ang pang-iyak ni Mommy habang isinisigaw ang aking pangalan.

Tumingin ako sa natatandaan kong banda nina Lola at ng Aswang na may bitbit sa kanya.  Para lamang gulatin ng pagpagaspas ng malalaking ginintuang pakpak ni Lola, at ng pagbagsak ng luray-luray na katawan ng Aswang na kanina lamang ay may bitbit sa kanya.

Hindi pa man din ako nakakatatlong kurap, naramdaman kong hinawakan n’ya ako sa baywang mula sa aking likuran, at saka n’ya ako binulungan ng: "Bumitaw ka na apo."
"Ayoko 'La.  Bibitbitin n’ya si Jordanna!" Sagot ko sa kanya.

"Bitaw, apo."  Mas malakas n’yang sambit.

"Ayoko nga po sabi eh." Habang sumusulyap-sulyap ako sa mga paparating na aswang.

"Sabi nang bumitaw ka eh!"  Sinabayan n’ya 'yon ng isang malakas na paghataw ng hawak-hawak n’yang rattan sa kanang kamay ko, habang pigil-pigil n’ya ang aking baywang.

Ang sakit.  Sobrang sakit, pero hindi ako natinag.  Inulit n’ya ang paghataw sa akin nang makailang beses.  Mahigit sampu sa aking tantiya, na halos lumatay na sa aking forearm.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon