Jasper's P.O.V.
"Jasper," Pagtawag ni uncle Manuel. Nagbabasa ako ng dyaryo, habang nanonood naman sila ni auntie Alyssa ng balita sa telebisyon. "Pakinggan mo 'to!" Itinuturo n'ya ang telebisyon.
Tumunghay ako at tumingin sa T.V. Naabutan ng aking paningin ang isang reporter na babaeng naglalahad ng balita. Ayon sa ulat nito, halos kalahati raw ng populasyon ng isang maliit na baryo sa Romblon ang nakararanas ng iba't ibang kababalaghan at mga himala. Nabanggit din ang iba't ibang lugar sa Pilipinas na tila sinakop daw ng mga kakaibang mga pangyayari na hindi nila maipaliwanag. Marami ang naiulat na mga batang nasasapian daw ng masasamang espiritu; dalaga at dalagitang bigla na lang nawala, maging mga lalaking natatagpuan na lang na wakwak ang dibdib at tiyan—at wala nang laman-loob.
"Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ang lola mo sa nangyayaring ito." Ani uncle Manuel sa akin. "Kailangan na nating kumilos." Tumayo ito, "Bago pa tayo maunahan ni Marrietta, sa mga taong maaari nating maging kakampi. Maghanda ka Jasper," Inaayos na nito ang kanyangs sarili. "Aalis tayo."
***
"Hoy!" Ipinitik ni uncle Manuel ang kanyang daliri sa aking mukha. Ito ang nagmamaneho ng kanyang kotse. Pasahero lang ako nito sa front passenger's seat "Nakatulala ka na naman d'yan? Sino na naman ba ang iniisip mo? Si Jordanna na naman ba 'yan?"
Sinulyapan ko s'ya nang matalim. "Ilang beses ko ba kailangang ipaalala sa inyo na bawal banggitin ang pangalan n'ya?!"
Natawa s'ya, "Para ano? Para makalimutan mo s'ya? Tatlong buwan na ang nakalilipas, umipekto ba? Kapag ba hindi na nababanggit ang pangalan n'ya, hindi mo na rin ba s'ya naaalala?"
Hindi ako sumagot. Kabaliktaran nga kasi ang nangyayari. Lalo ko s'yang nami-miss. Lalo ako napupuyat at hindi mapakali sa kakaisip. At mas lalo akong nagsisisi sa ginawa at mga sinabi ko sa kanya no'ng huli naming pag-uusap.
"Sus kang bata ka! Kilala kita. Nasubaybayan kita simula pa sa pagkabata. P'wede mong lokohin ang ibang tao, pero hindi ako. Nami-miss mo na si Jordanna 'no?"
Itinikom ko pa rin ang bibig ko.
"Bibigyan kita ng mga scenario, hijo ha? Tatanungin din kita pero hindi mo ako kailangang sagutin. Sagutin mo na lang d'yan sa loob mo para hindi mo kailangang magsinungaling. Una, paano kung isang araw, nagkita kayong muli ni Jordanna? Tapos sa pagkikita n'yong 'yun, may iba na s'ya at nakalimutan ka na n'ya, anong gagawin mo?"
I don't know. Maybe ibibitin ko na lang ng patiwarik 'yung bago n'ya, tapos gigilitan ko sa leeg.
"Ikalawang scenario, halimbawa, bukod sa may bagong lalaki sa buhay n'ya, makikita mo ngayon na... nagdadalantao na pala s'ya. Samakatuwid, magkakaanak na sa iba. Anong gagawin mo?"
Putang ina! Siguro, gigilitan ko muna sa leeg tapos kakapunin ko rin!
"Ikatlong scenario, paano kung bukod sa buntis, malalaman mong, ikinasal na rin pala sila at botong-boto ang mga magulang n'ya do'n sa bago n'ya. Anong gagawin mo?"
Shit! Ewan ko. Magbibigti na lang siguro ako...pero gigilitan ko muna't kakapunin 'yung bago n'ya!
Biglang tumawa si uncle Manuel habang sinisipat-sipat nito ang reaksyon ko. "Hay nakeh! Hindi mo man sabihin, kitang-kita ko na sa hilatsa ng pagmumukha mo kung ano ang sagot mo sa mga scenario ko. Alam mo Jasper, do yourself a favor. Balikan mo na lang si Jordanna, humingi ka ng tawad, manuyo ka ulit at gawin ang lahat para makuha mo itong muli, bago mangyaring makapaggilit ka ng leeg at may kapunin ka pa. At oo, bago mo maisipang magbigti sa sobrang pagsisisi at panghihinayang."
Napakunot-noo ako. Paano naman kaya n'ya nalaman ang laman ng isipan ko? Di nga kaya mind-reader ang aswang na Matruculang ito?
"Hindi ako mind reader." Biglang sambit nito. Nagulat ako. "Pero nakakabasa ako ng hilatsa ng pagmumukha." Humalakhak ito.
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasíaKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...