Jasper's P.O.V.
Nadatnan kong humahagalpak ng tawa si Helena sa may salas. Alam ko na ang pinagtatawanan nito. Alam na siguro n’ya ang nangyari sa araw ko.
"Ang bilis ng karma, ano Kuya?” halos mapigtal ang mga litid n’ya sa katatawa; kalong-kalong n’ya ang laptop n’ya.
Tumabi ako sa kanya. Nabubuwisit na pinagmasdan ang kanyang pang-aalalaska.
"Alam mo ba kung ano ang sikreto ni Jordanna?” siryosong tanong ko sa kanya, "Ano bang alam n’ya? Ano ang nasa isip n’ya?"
"Anong tingin mo sa akin, mind reader?"
"Eh di ba sabi mo, nakikita mo ang detalye ng nakaraan?"
"Ikaw na ang nagsabi. Detalye ng nakaraan ang nakikita ako, hindi laman ng utak. And besides, my powers doesn't work that way."
"How does it work then?"
"Nakikita ko lang ang nakaraan ng isang tao kung madalas ko na itong nakakasama. At hindi instant at isang buhos lang 'yun ‘no. Dahan-dahan at unti-unti lang, s’yempre."
"Eh pipitsugin naman pala 'yang kapangyarihan mo eh." Nakangiting panunukso ko. "Walang silbi." Tumawa ako.
"Yabang!" Aniya. "Bakit ka ba nako-curious sa iniisip ni Jordanna? Akala ko ba...ayaw mo sa kanya? Akala ko ba pangit s’ya? Akala ko ba... si Kate ang mahal mo, at si Zoe ang dreamgirl mo?"
Nginisian ko ito. At this point, makapaglilihim pa ba ako sa kanya?
"Wish ko lang, makatulog ka ngayong gabi, Kuya." Tumawa itong muli, "Sa hitsura pa lang ng pagmumukha mo, parang hindi ka na patutulugin sa pag-iisip kay Jordanna."
"Whatever."
"Whatever my foot, Kuya. Kung ako sa 'yo, mag-iipon ako ng lakas para bukas. Dahil kung ako ang nasa posisyon ni Jordanna, pahihirapan kita hanggang sa gumapang ka sa lupa. Lengya ka! Ang sakit mo magsalita. Sa dinami-dami ng mamana mo sa ugali ni Daddy, 'yung katabilan pa ng dila."
"Baliw." Nakangiting sagot ko. "Diyan ka na nga." Tumayo na ako. Akmang aalis na ako nang may naalala ako. "Kailan nga ulit ang balik mo sa Australia?"
"This coming Friday."
"Ah, ok. Sana pala Friday na, para wala nang alaskadora." Tatawa-tawa ako.
"Hmp. If I know, mamimiss mo rin ako."
Of course. Pero hindi ko aaminin 'yon.
"Uhm... no. I don't think so." Nakabungisngis na biro ko, bago ako dumiretso sa kuwarto ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko, hinubad ko kaagad ang mga sapatos ko, medyas, pang-itaas, sinturon, pantalon at saka dumertso kaagad sa banyo for a warm shower. Hindi ako makapaniwalang unang araw pa lang naming magkasama ni Jordanna, ang dami nang nangyari sa amin. I wonder what is coming ahead of us tomorrow, the next day and for the rest of our lives.
Yes...for the rest of our lives.
***
Hatinggabi. Mukhang in-orasyunan ako ng kapatid ko. Hindi nga ako makatulog. Nagpasirko-sirko na ako sa kama ko, pero ayaw talaga akong dalawin ng antok. Lintek na buhay. Makabangon na nga lang! Sumasakit lang kasi ang leeg ko sa kakapaling-paling ko.
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasyKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...