KABANATA 53

21.3K 966 134
                                    

Jasper's P.O.V.

"Sagutin mo nga ang tanong ko, Jasper." Pangungulit ni uncle Manuel sa akin."Ano 'yan?" itinuturo n'ya ang pantal sa aking leeg.

"Kagat nga ng lamok." Nakasimangot na sagot ko.

"Kagat nga ba ng lamok, o chikinini?!"

Ano ba naman ang matandang 'to. Minsan na nga lamang kaming magkita, dahil hindi na s'ya masyadong sumasama simula nang makapag-asawa s'ya, ito pa ang isasalubong n'ya sa akin?

"Tsss... kung ayaw n'yong manilawala, eh 'di h'wag!" Nakaismid na sambit ko.

"Baka akala mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo, ha?"

"Ano na naman?" walang gana kong sagot.

"Nahuli kita Jasper. H'wag ka nang tumanggi."

"Nahuling ano?"

"Nahuli kitang nakikipaghalikan sa Kriselda na 'yun. Aba, halos talupan mo na ng saplot ah. May nangyari na ba sa inyo?"

Napakunot ako ng noo, "Ano?!"

"Anong ano?! kitang-kita ko kayo no'ng isang linggo do'n sa may talon!"

Ano bang pinagsasabi ng matandang 'to? Hindi naman ako nagpupunta sa may talon, at lalong hindi naman ako nakikipaghalikan kay sino raw ulit? Sinong Kirselda ba 'yun, 'yung babaeng inilagtas namin sa isang aswang na dumagit sa kanya no'ng kabilang buwan? Eh miminsan ko lamang namang nakita 'yun ah.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Hindi kaya natitikbalang lang kayo ni auntie Astrid?" sagot ko, "Eh ganyan din ang sinasabi niya sa akin eh. Kesyo bakit araw-araw raw akong dumadalaw kay Kriselda, samatalang hindi ko man lamang daw inuuwian ang aking asawa."

"'Yun, isa pa 'yun! Alam ko rin 'yun."

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi n'yo ni auntie Astrid, pero ito lang ang masasabi ko r'yan. Hindi ako dumadalaw sa babaeng tinutukoy n'yo at lalong hindi ako nakikipaghalikan sa kanya sa talon o sa kahit saan."

"Paanong hindi ikaw? Eh kitang-kita ng mga mata ko na ikaw nga!"

"Taga-saang mundo ka ba uncle Manuel? Hindi ba't sa mundong kinagagalawan natin, hindi mo rin p'wedeng pagkatiwalaan ang nakikita ng iyong mga mata? Malay mo kung demonyo lang 'yun na nagpapanggap na ako, o di kaya nama'y kung anong nilalang na may taga-bulag. Sinasabi nang hindi ko alam ang pinagsasabi n'yo. Ba't di n'yo tanungin si lolo Alfonso na s'yang kasa-kasama ko kahit saan ako magpunta. Kung meron man akong dinadalaw araw-araw, si Jordanna lang 'yun. Kahit sa malayo, masiguro ko lang na ok s'ya at ang mga anak ko, solve na 'ko."

Napansin kong napaisip si uncle Manuel, "Kailan ka ba huling umuwi na nagpakita ka man lamang sa asawa mo?"

"Huling umuwi, kagabi, pero sa labas lang. Pero nagpakita, mag-iisa't kalahating buwan na." Sagot ko, "Bakit?"

"Kung ganun na katagal, eh sino 'yung sinasabi ni Helena na kasa-kasama ng asawa mo na dumadalaw sa mga magulang at biyenan mo nung kabilang linggo lang?"

Natulala ko. Ano bang isasagot ko?

"Kasa-kasama? Nino? Ni Jordanna?"

"Oo, kasa-kasama sa bahay ng mga magulang mo at mga magulang n'ya. Umuuwi sa bahay n'yo, sumisiping sa asaw-" Hindi ko sinasadyang k'welyuhan si uncle Manuel. Binitawan ko rin naman ito kaagad.

'Yung salitang may kasa-kasama si Jordanna, nagdidilim na ang paningin ko, 'yun pa kayang sabihan ako na may sumisiping sa asawa ko na kamukha ko pero hindi naman ako?

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon