KABANATA 21

54.7K 1.2K 87
                                    

Jasper’s P.O.V.

“Good morning, Engineer Toledo.  Welcome.” Mainit na pagbati sa akin ng Construction Manager na si Mr. Diego Fajardo; isa rin itong enhinyero, tulad ko.  

Sa kanya na ako ipanasa ng Human Resource Manager, pagkatapos kong makumpleto ang mga hiring requirements. Maliit lang itong lalaki—mga hahanggang dibdib ko.  Bigotlyo na medyo nakakalbo na ang ulo. Tantya kong nasa edad singkwenta pataas na ‘to.  Sa kanyang kilos at pagsasalita, halata ko na kaagad na beterano na ito sa linyang ito.

“Thank you.”  Pormal na sagot ko.

“Ok lang ba sa ‘yo na isabak na kita agad ngayong unang araw mo sa field?” nakakad’yaheng casual lang ang suot n’yang damit.

“If you will allow me to change.”  Nakangiting sagot ko habang niluluwagan ko ang kurbata ko. Tiniklop ko na rin ang magkabilang manggas ng long-sleeved na ng polo ko.

“Walang problema ‘yun,” Aniya, umuubo. “Kasalanan ko rin naman na hindi ko nasabi sa ‘yo, na balak na kitang iikot sa field ngayon.” Umubo ulit ito.

“Ok lang po ba kayo?”

“Ha? O-Oo, Oo naman.” Umubo ulit.

He doesn’t look Ok to me though.  Iba na kasi ang tunog ng ubo nito.  Alam n’yo ba ‘yung ubong kulang na lang iluwa na n’ya ang baga n’ya?

“Kung ok lang po sa inyo,” sabi ko, “Kukunin ko lang po ang esktrang damit ko sa sasakyan ko, magpapalit po muna ako.”

Sinulyapan ko ang pantalon n’ya.  Naka khaki pants naman ito, tulad ko.  Pang-itaas na lang siguro ang papalitan ko.

“Ano ang taas mo, hijo?”  tanong n’ya, habang papunta na kami sa construction site.  Isa itong gusali na may sampung palapag.

“Ako po? 6’2” po.”

“Ba’t di ka na lang mag-basketball?” tatawa-tawa ito, “Pang-basketbulista ang height mo eh. Mas malaki pa ang kita.” Inaabot n’ya sa akin ang dilaw na safety helmet.

Darn stereotyping.  Bakit ba ganun ang mentalidad ng mga tao?  Porke ba matangkad, kailangan maging basketbulista na?

“Hindi po ako mahilig mag-basketball.”

“Bakit?”  Kumakaway ito sa mga trabahador, na kumakaway rin sa kanya sa di kalayuan, “Ano ba ang hilig mo? May sport ka ba?”

Tumukhim ako.  Bago kong sinabing,“Boxing, Kick Boxing and Mixed Martial Arts po.”

“Aba. Mas tigasin ka pa pala sa basketbulista.” Tamatawa ito, bagama’t umuubo pa rin, “Sa tangkad mong ‘yan, may naglalakas loob pa bang lumaban na ‘yo?”

Oo, mga Aswang at Demonyo. Pero alangan namang sabihin ko ‘yun sa kanya.

“Sanay ka ba sa ganitong working environment?” Nang mapansin n’yang hindi na ako nagsasalita, “Maalikabok, mainit, marumi at amoy pawis ang lahat ng makakahalubilo mo.” Humalakhak ito. “Pasensya ka na hijo.  Wala kasi sa hitsura mo ang magtatrabaho sa ganitong lugar.”

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved. 

“Bakit po?” tatawa-tawa ako, “Ano po ba ang hitsura ko?”

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon