Jasper's P.O.V.
"Gago ka rin talaga 'no? Kung isumbong kaya kita kay Jasper?"
Nadatnan kong sinesermunan ni Ricardo ang isa sa aming mga kasamahang si Domingo. Tila hindi naman nila napapansin ang aking pagdating sa kampo.
"Isusumbong ang alin?"
Nagulat si Domingo. Namumutla ito. Habang si Ricardo nama'y nakatitig sa kanya nang matalim.
"Ano? Ha?!" Singhal ni Ricardo kay Domingo. "Mangungumpisal ka ba, o ako na ang magsasabi?"
Kakamot-kamot si Domingo. Tila nag-aalinlangang ito sa kanyang sasabihin.
Sinimangutan ko na ito. "Ano ba 'yon?"
Hindi talaga makapagsalita si Domingo, kaya kay Ricardo na lang ako tumingin.
"O pa'no? Ako na ba ang magsasabi?" Sabi ni Ricardo kay Domingo. Wala na naman nagawa ang huli kundi ang tumango habang nakayuko.
Pinandilatan ko na si Ricardo ng mata.
"Eh etong tarantandong 'to eh." Yamot na yamot na itinuro ni Ricardo si Domingo.
"Ano nga?" umiinit na ang ulo ko.
"Naalala mo ba 'yung babaeng laging nagungulit sa 'yo do'n sa construction site? 'Yung babaeng tila parati ka na lang nawawala sa sarili mo kapag inaaya ka nitong sumama sa kanya?"
"Sino, si Kriselda?"
"Oo, 'yun nga."
"Eh ano ngayon ang tungkol kay Kriselda?"
"Eh etong gagong 'to, nakipagtagpo do'n sa babaeng 'yon kahapon sa construction site."
"Kahapon?! Wala naman tayong pasok kahapon ah."
"Oo nga."
"Eh bakit--"
"Sorry po boss." Mangiyak-ngiyak na pagsingit ni Domingo. "Nadesperado lang ako boss, kaya sana...mapatawad mo ako."
Napakunot-noo ako, "Mapatawad saan?"
Muli na naman itong napipi.
"Sa pagpapanggap na ikaw, para maka-isa ro'n kay Kriselda." Pagsambot sa kanya ni Ricardo.
"Ha?!"
Biglang lumuhod sa aking harapan si Domingo. Niyakap nito ang aking mga binti.
"Boss!" Umatungal ito na tila isang kalabaw, "Patawarin mo 'ko boss!"
Nakapagtatakang natatawa naman ngayon si Ricardo. Iniipit nito ang kanyang bibig para mapigilan ito.
"Patawarin kita saan?" Medyo napapangisi ako kay Ricardo. "Ano na naman bang kabastusan ang ginawa mo?" Iniipit ko na rin ang aking mga labi; sumusulyap-sulyap kay Ricardo. Kilala kasi namin si Domingo sa aming hukbo sa pagiging malibog nito. Tipikal sa isang normal na kapreng napakahilig maniktik sa mga kababaihan sa mga liblib na pook, para makaisa.
"Boooosss!" Nagpatuloy ito sa pag-atungal na parang gago.
"Aamin ka ba?!" Nagpanggap akong nagagalit, "O pupugutan na lang kita." Tahimik na tumamatawa si Ricardo. Hawak-hawak nito ang kanyang tiyan.
"Boss 'wag boss!" Pinaghahalikan nito ang aking paa, lalo akong nagpigil sa pagtawa. "Sorry po, hindi ko na po kasi matiis. Ang ganda-ganda po kasi n'ya, ang puti-puti at ang bango-bango."
Hindi na natiis ni Ricardo. Humagalpak na ito ng tawa.
"Hindi naman po kasi n'ya ako pinapansin." Pagtutuloy ni Domingo, "Dahil kayo po ang gusto n'ya kaya..." Muli itong umatungal.
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasyKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...