Jasper's P.O.V.
Masamang katapat ang demonyong kaaway, pero masa malala pa pala, kung ang demonyong kaaway ay animong anghel na nagpapanggap na mabuti. Sa aming paglalakbay papunta sa islang pinagdalhan sa aking mga kapanalig na lambana at iba pang mabubuting engkanto, hindi ko maiwasan ang mag-isip sa bawat sandali ng aming pamamahinga.
Sa kabila nang matagal na naming suspetsa ng nasirang Ricardo, hindi pa rin matanggap ng sistema ko na tinraydor ako ng Lola ko. At lalong hindi pa rin ako makapaniwala, na ang immortal kong kaaway na si Lucio—at ang natitira pa sa hukbo nito, ang s'ya ko pa ngayong mga kasama.
"Anong iniisip mo?" tanong sa akin ni Jordanna. Nakaunan to sa kanang braso ko. Nakadapa ako—dahil sa aking mga pakpak—habang namamahinga kami sa ilalim ng isang matandang puno ng balete. Nakatitig din ako sa siga ng apoy na unti-unti na ring namamatay. "Hindi ka pa ba inaantok?" Sinulyapan ko sandali ang natutulog na sina Lucio at lola Senda. Pinasadahan ko rin ng tingin ang nagkalat na mga kampon ni Lucio. Ang iba'y natutulog, may ibang nagpapahinga ngunit gising, meron din namang hindi mapakali--dahil naturalesa na nila ang manatiling gising kapag gabi.
Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.
"Papa'no ba ako aantukin sa sitwasyon natin?" bulong ko kay Jordanna, "puro mga dati kong kaaway ang kasama ko. Wala na akong masasabing tapat na kasangga at natural na kakampi simula pa sa umpis—"
"I'm sorry, Jazz. Dahil maging ako, hindi rin naging tapat sa 'yo." Bumangon s'ya, niyakap ang magkabilang binti't saka sumubsob sa kanyang mga tuhod. "I'm sorry." Tuluyan na s'yang umiyak. "Alam ko, nahihirapan ka ngayon dahil maging ako, hindi mo na makukuha pang pagkatiwalaan."
Bumangon na rin ako para maakbayan s'ya. "Hey...I still trust you, ok?"
Nilingon n'ya ako. Basa na ng luha ang kanyang magkabilang pisngi. "How could you possibly trust me after everything I did? Tinraydor kita. Kumampi ako sa kaaway mo. Pinagtangkaan kitang patayi—"
"Kung hindi ka ba nilinlang at sinulsulan ni Lola para talikuran ako, magagawa mo ba 'yun sa 'kin?"
Umiling s'ya.
"Kung hindi kita sinaktan at binalewala. At kung hindi mo inakalang ipinagpalit na kita sa iba, magagawa mo ba ang nagawa mo?"
Muli itong umiling, "But that doesn't make me right. Hindi pa rin tamang tinraydor kita."
Pinunasan ko ng likod ng aking kanang kamay ang kanyang mga luha, "Naging biktima lang tayo, mahal ko. I guess we have to admit na, mga bata pa talaga tayo kumpara sa mga nilalang na nakapiligid sa 'tin parati. Marami pa tayong hindi alam kaya tayo nalilinlang. Kulang pa tayo sa karanasan kaya tayo naiisahan ng mga..." sinulyapan ko sandali si Lucio at lola Senda,
"Mga ano?"
"Hukluban." Humagikhik ako. Napangiti si Jordanna sa sinabi ko. "Biruin mo 'yang si Lucio...o well, ninuno ko s'ya kaya dapat talagang Lolo rin ang tawag ko sa kanya..." bulong ko, "humigit kumulang na isang libo't trenta'y anyos na? Samantalang ang edad ko, butal lang ng edad n'ya. Isipin mo ang haba ng experience n'yang makipagsapalaran dito sa mundo? Mas mahaba pa ang inilagi n'ya rito sa mundo kumpara sa pinakamatandang bampira."
Humagikhik si Jordanna. "Baka marinig ka n'ya, lagot ka."
"Eh ano naman kung marinig n'ya, totoo nama—"
"Ano ba 'yan?! Ang ingay-ingay n'yo ah!" Bulyaw ni Lucio. Napalingon kami ni Jordanna sa kanila ni lola Senda.
Humahagikhik kami ni Jordanna.
"Na-miss ko si Daddy, Jazz." Bulong ni Jordanna. Humilig s'ya sa aking kanang balikat. "Naalala mo pa ba nung sinugod tayo ni Daddy sa kuwarto ko dahil maingay rin tayo."
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasyKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...