KABANATA 56

23.5K 979 58
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Ok ka lang?" tanong ni Ate Helena, habang nagpapabalik-balik ako sa kanyang harapan.

"Naguguluhan ako Hele—ate Helena." Nalilito pa rin talaga ako kung ano ang itatawag ko sa kanya; kung Ate ko ba s'ya—dahil mas matanda s'ya sa akin, o hindi, dahil kasal ako sa Kuya n'ya. Napangisi ito, mas type raw n'ya kasi na Helena lang ang itawag ko sa kanya, ang kaso mo, hindi ako sanay. Kinalakihan ko na ang tawagin s'yang Ate eh.

"Saan ka naman naguguluhan?" aniya.

"Sa Kuya mo." Umupo ako sa kanyang tabihan. Nakaupo s'ya sa sofa—kalong-kalong ang laptop n'ya. "Matanong nga kita." Nagkunot-noo s'ya, "Please be honest ha?"

"Anong tanong mo?"

"Ahm..."

Tila napapanganga naman sa akin si Ate Helena sa paghihintay sa aking sasabihin.

"Bi..." Ako.

"Bi?" mas nagusot ang noo n'ya.

"Bipolar din ba ang Kuya mo?" nas

Nakatulalang napanganga s'ya. "Ha?!"

"Ang sabi ko, kung Bipolar din ba ang Kuya mo?"

"Din?" punong-puno nang pagtataka ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Oo... din." Sagot ko, "Bipolar din kasi ang Daddy ko."

Natigilan si Ate Helena, wari'y hindi makapaniwala.

"Si tito Jon? Bipolar?!" Gulat na gulat s'ya, "As in clinically diagnosed Bipolar?"

Napatawa ako, "Hindi naman. May minor chronic depression daw si Daddy noong binata pa s'ya, pero magaling na raw. Pero alam mo 'yun, sumpungin pa rin s'ya. Minsan masungit, minsan mabait, kaya Bipolar ang tawag ko sa kanya kahit hindi naman clinically diagnosed."

"Aaahhh..." Bakas pa rin sa mukha ni Ate Helena ang nagugulumihanan.

"So ano?" sabi ko, "May history ba ang Kuya mo ng pagiging Bipolar?"

"Not that I know of. Bakit?"

"Naguguluhan kasi ako sa kanya." Tumayo na ako at muling nagparoo't parito sa harapan ni Ate Helena, "Lalo na noong huli s'yang umuwi."

"Paano mo naman nasabi?"

"Hindi ko na idedetalye, dahil nahihiya ako, pero sabihin na lang natin na, dumating s'ya na ang sungit-sungit. Parang diring-diri pa s'ya sa akin at naiinis na n'yayakap at hinahawakan ko s'ya dahil malaki na raw ang tiyan ko. Nag-walkout pa nga s'ya sa kuwarto namin at dito na lang daw sa salas s'ya matutulog. Pero hindi pa man din nakakalipas ang isang oras, sumiping din sa akin, ang sweet-sweet na at ang lambing-lambing. Natulog pa nga kami nang magkayakap. Tapos..."

"Tapos ano?"

"Nagising ako kinaumagahan, wala na s'ya sa tabi ko. Nakita ko s'yang natutulog nang muli rito sa salas. Nilambing ko s'ya at tinanong kung gusto n'ya ng kape, aba! Akalain mo bang sininghalan pa n'ya ako na kesyo istorbo raw ako sa pagtulog n'ya eh kay aga-aga?!"

Napansin kong nakatulala sa Ate Helena na tila may iniisip o dinadama.

Tinapik ko s'ya, "Ate?!"

Tila nagulat s'ya sa aking ginawa. "H-ha?!"

"Bakit nakatulala ka, ok ka lang ba?"

Tumingin s'yang muli sa kawalan na tila nag-iisip nang malalim. Nagpapalingon-lingon s'ya sa paligid na tila may naalala s'ya na pilit n'yang inaanalisa.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon