KABANATA 106

14.5K 606 106
                                    

Jasper's P.O.V.

"Jazz, ang sakit...." Hinawakan ko ang kamay n'ya sa loob ng delivery room.

Bagama't laking pasasalamat ko na pinahintulutan akong sumama sa loob, tila mahihimatay naman ako sa pananood ng kanyang panganganak.

"Ok ka lang ba, sir?" Tanong sa akin ng nurse.

Hindi ako makapagsalita, kaya tumango na lang ako.

"Encourage her...c'mon." Bulong sa akin ng OB GYNE na nagpapaanak sa kanya.

"Jordanna, kaya mo 'yan." Nanginginig na sabi ko. Ilang beses kong pinunasan ang noo ko dahil sa pamamawis nito.

"Tseh!" Singhal ni Jordanna sa akin, "Kasalanan mo 'to!"

Binaliwala ko lang ang singhal nito at hinalikan ito sa noo.

"Ok Jordanna..." Sabi ng duktor, "Push!"

Sinunod n'ya ang duktor. Bagama't pakiramdam ko'y huminto ang aking paghinga, habang pinagmamasdan ko s'ya.

"Good job, Mommy." Wika ng duktor, "Here he comes!"

Tila musika sa aking pandinig ang pag-iyak ng panganay sa apat.

"May pangalan na ba para kay baby number one?" Nakatingin ang duktor at mga nurses sa aming dalawa ni Jordana; hindi naman sila humihinto sa kanya-kanyang ginagawa nila.

"I want to name him after my Mom's father." Nanlalata man, nakuha pa ring magsalita ni Jordanna, "D-Daniel."

"Ok, Daniel, welcome to the world, baby!" Anunsyo ng isa sa mga nurses na nagtutulong-tulong na ayusin si Daniel.

"Ok, in a count of three, I need you to push again, Mommy." Sabi ng OB. "One... two... three... push!"

Muli namang umiri nang todo si Jordanna. Nanginginig ito kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kanang kamay; muli ko itong hinalikan sa noo.

"Aw, awww! Awww...Jazz, ang sakit." Pagdaing ni Jordanna habang hinihila ang ikalawang bata palabas. Inalo ko naman ito agad at hinalikan sa labi.

Umalingawngaw, kasunod noon, ang pag-iyak ng ikalawang sanggol.

"Pangalan?" Tanong ng nurse na tumanggap dito, mula sa duktor na nagpalabas dito. "May pangalan na po ba si baby number two?"

Tiningnan ako ni Jordanna at tinanguan. I took it as...ako ang gusto n'yang magbigay ng pangalan.

"Jeremiah." Sabi ko.

"Alright, Jeremiah, welcome to this crazy world called Earth!" Biro ng isa sa mga nurses. Nagtawanan ang lahat, which kind of lightened up the mood.

"Catch up your breath, Mommy. Two more to go." Sabi ng duktor kay Jordanna. "Gusto mo ba ng tubig?"

Tumango si Jordanna. Kinuha ko naman agad ang tubig na iniabot ng nurse sa akin, para ako mismo ang magpainom sa kanya.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"I'm glad you're here." Bulong sa akin ni Jordanna matapos n'yang makainom.

Nginitian ko lang ito at hinalikang muli sa noo. Hindi na rin kasi ako makapagsalita sa sobrang stress at tension. I can only imagine the pain she's going through, pero napu-frustrate ako dahil wala akong magawa kundi ang manood at manatili lang sa tabi n'ya.

"By the count of three, push ulit, Jordanna, ok? One...two...three, push!"

Umiri itong muli,"Shit! Ang sakiiiiit." Sabay agos ng kanyang mga luha. "Hindi ko na yata kaya, Doc! Jazz..." She looked at me, "Ang sakit..." Bulong n'ya sa akin.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon