Jordanna's P.O.V.
Tila biglang nawala ang kalasingan ni Jasper. Sinugod ako nito sa labas ng bahay. Tumakbo ako palabas ng gate. Pero hinabol ako nito.
Mas binilisan ko ang pagtakbo. Kung saan-saan umabot ang aming paghahagaran. Mula sa patag na kalye, hanggang sa liblib na kakahuyan. Ipinagdasal ko pa nga na sana madapa ito; pero sa kabila ng kalasingan nito, sadyang napakatulin pa rin nitong tumakbo.
Madaling-araw na nang humantong kami sa isang ilog na may talon. Nakakita ako ng balsa, at agad na ginamit ito para makatawid ako sa kabila. Nasa gitna na ako ng tubig nang makarating na rin si Jasper sa tabi ng ilog. Nataranta naman ako nang sumisid ito at lumangoy, palapit sa sinasakyan kong balsang wala na yatang ibibilis pa.
Dahil sa takot na maabutan ako nito, sumisid na rin ako. at mabilis na lumangoy papunta sa kabilang dako ng ilog. Mas nauna akong dumating, bagama't kakaunti na lamang ang distansya namin, at muli naman akong nanakbo, matapos kong marating ang kabilang pampang.
Pero sadyang mabilis si Jasper, kaya naman pagdako naming muli sa kakahuyan, inabot na ako nito. Hinawakan ako nito nang mahigpit sa baywang, at isinalya ang likod ko sa isang malaking puno. Tinitigan ako nito nang matama, bago nito itinuon ang kanyang magkabilang bisig upang manatili ako sa gitna.
Kapwa kaming hindi makapagsalita sa sobrang pagod at hingal. Sinubukan akong halikan ni Jasper, pero sinampal ko ito. Nang sumubok tong muli, sinukmuraan ko naman ito at walang patumanggang tinuhod. Sinamantala ko rin ang pamimilpit nito sa sakit, upang muling makapuslit, bagama't hindi rin naman ako nakalayo, kaya naagtagumpay itong maisalya akong muli sa puno.
"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" mangiyak-ngiyak na tanong sa akin ni Jasper.
"Hindi na." Deretsahang kong sagot...na pawang kasinunaglingan.
Ngumisi s'ya, "Kung gano'n, bakit mo 'ko binisita? Nimi-miss mo ako 'no?"
"Ang kapal naman ng mukha mo—" Hinalikan ako nito nang mariin sa labi.
"Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal." Matapos nitong pakawalan ang mga labi ko.
"Bahala ka sa gusto mong paniwalaan."
"Eh bakit ka nga nagpunta sa bahay?" nakabungisngis ito. Ilalapit sana n'yang muli ang kanyang mukha sa akin, pero muli ko naman itong sinampal.
"Para patayin ka!" Bulyaw ko sa mukha n'ya.
"Patayin sa ano?" Nakangisi ito, "Patayin sa sarap?" Hahalikan sana n'yang muli ang aking bandang leeg pero inuntog ko ang ulo ko rito. Napaatras s'ya. Tatakas sana ako pero nahagip din ako nito agad.
"Pinagtangkaan na kitang patayin noon, naniniguro lang ako na mapapatay na talaga kita ngayon!" Bulyaw ko sa kanyang mukha.
"Kung balak mo talaga akong patayin, ba't ka tumatakbo? Ba't di mo pa ako patayin ngayon." Iniladlad n'ya ang kanyang matipunong braso, "Patayin mo na 'ko."
May dinukot itong patalim mula sa kanyang likod, at iniabot ito nito sa 'kin. "Hayan ang punyal. Isaksak mo dito oh..." Itinuro n'ya ang kanyang bandang dibdib. "Itarak mo dito sa dibdib ko, tapos laslasin mo na rin itong leeg ko para sigurado."
Hawak-hawak ko na ang punyal pero hindi ako makagalaw.
Ginitigit n'ya ako sa aking kinasasandalan. Inilapit nito ang kanyang mukha, sa aking mukha. Itinuon nito ang kanyang magkabilang palad sa puno. "Isasaksak mo ba 'yan? O ako ang sasaksak sa 'yo rito?" hinaplos nito ang bandang puson ko; bumababa ito kaya napapitlag ako.
Itinulak ko ito, pero hindi ito natinag. Nagulat ako nang hinagip nito ang dulo ng punyal na hawak ko, para s'ya mismo ang magtutok nito sa gitna ng kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantastikKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...