Jordanna's P.O.V.
"Jazz...are you okey?” tanong ko kay Jasper.
Tila nagbago kasi ang kanyang timpla, matapos naming makapagpalit ng sasakyan sa talyer ni Mang Nando.
Sa hitsura pa lang nito, tila may nararamdaman sitong hindi maganda sa kanyang katawan. Humigpit ang kanyang paghawak sa manibela. Nagbubutil-butil ang pawis sa kanyang noo, gayung nakabukas naman ang aircon ni Jordanna—the sports car. Hinahabol na rin n’ya ang kanyang paghinga, na para bang, may iniinda rin s’yang masakit sa kanyang likod.
"H-ha? O-oo. Oo naman." Sagot n’ya.
He's lying. I know he's lying. Halata naman kasing hindi s’ya mapakali sa kanyang kinauupuan.
"Don't lie to me, Jazz. You don't look okey at all."
"I-I a-am."
Oh really? Eh bakit halos hindi na s’yang makapagsalita nang maayos?
"I-ika i-ilang linggo n-na ba ngayon ng b-buwan?” tanong n’ya sa akin.
"It's the twenty-first day of the month...ikatlong linggo, bakit?"
Napamura s’ya nang pabulong. 'How could I miss that?' Bulong n’ya sa kanyang sarili, bagama’t narinig ko ito.
"Anong meron sa ikatlong linggo?"
Hindi ito sumagot. Tiningnan lang n’ya ako nang makahulugan, at saka n’ya mas pinabilis ang pagpapaandar ng sasakyan.
"J-jordanna, o-ok lang ba na, i-drop off muna kita s-sa b-bahay. N-nandun na naman ang pamilya mo. M-may mahalaga lang akong d-dadaanan s-sa bahay ng kaibigan k-ko."
Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.
Halata sa mukha at kilos n’ya mas lalong tumitindi ang sakit o kung ano mang discomfort ang nararamdaman n’ya sa kanyang katawan.
"F*ck!" Pabulong n’yang sambit; hinataw ang manibela. Tila bigla s’yang nakararamdam ng shooting pain, sa hindi ko pa matukoy bahagi ng kanyang katawan.
"J-Jazz?" Hinawakan ko ang braso n’ya.
Ang init n’ya.
"D-don't touch me, J-Jordanna." Aniya. Pinipilit ngumiti pero ang kinalabasan, isang fake na ngisi.
"B-but why? Ano bang nangyayari sa 'yo Jazz!" Natataranta na ako. "Ipara mo muna sandali ang sasakyan."
"H-hindi ako p’wedeng huminto J-Jordanna. Malapit na tayo s-sa bahay. Ida-drop off na lang muna kita sa gate. I-ikaw n-na ang bahalang mag-doorbell."
"No! I can't let you go like that?! Saan ka ba pupunta?! Iimbita-imbitahan mo 'ko, tapos iiwanan mo naman pala 'ko?"
Nagdiin ang kanyang mga panga. Halatang-halata talaga na may tinitiis itong masakit.
"H-huwag ka nang makulit Jordanna. H-hindi naman ako magtatagal." Nagmenor muna ito bago tuluyang huminto sa tapat ng kanilang gate.
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasyKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...