KABANATA 57

24.9K 967 59
                                    

Jasper's P.O.V.

Kumpirmado. Hindi lamang si Lolo Alfonso, kundi marami pa s'yang kasabwat na kanyang lipi at sa iba pang mga engkanto, para magpanggap na ako. Nagrerelyebo sila sa pag-uwi sa bahay namin ni Jordanna. Para tratuhin s'ya nang hindi maganda—at para ito na mismo ang sumuko sa pakikisama sa akin.

Ilang araw ko na rin silang personal na minamatiyagan, habang nagpapanggap ako na wala akong kamuwang-muwang. Mahirap na, kapag nalaman nila, lalo kong hindi nalalaman ang tunay na pakay nila.

Mahirap ang may kaaway sa labas ng 'yong bakuran. Pero mas mahirap pa pala ang magkaro'n ka ng kaaway sa loob. Ang kaaway sa labas, alam mo kung kailan ka susugurin, pero ang kaaway mo sa loob, hindi mo alam kung kailan ka sasaksakin.

Ingat na ingat ako sa mga ikinikilos ko. Nakapako kasi ang paningin sa akin ng mga lambana at engkanto. Na tila ba, minamatyagan nila ang bawat kilos ko't galaw. Ang mahirap pa no'n, alam kong hindi sa akin ang kanilang loyalty. Lahat sila, sumusunod lamang sa ipinag-uutos sa kanila ng kanilang mga pinunong si lolo Alfonso.

Maging ang aking bawat salita, kalkulado na at maingat. Pilit kong iniiwasan na mabanggit man lamang sa kahit kanino ng aking mga hinala. Ni hindi ako makapagsabi kay tito Manuel, dahil alam ko, na higit na mas marami ang nagmamatyag at nakikinig sa amin kapag kami lamang dalawa ang nag-uusap. Hindi ko rin masabi kay Jordanna o kahit sa kapatid kong si Helena, dahil maging sa bahay namin, may mga nakatingin at nakikinig. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito matitiis. Siguro hangga't hindi ko pa nalalaman kung sino-sino talaga ang mga hindi ko mapagkakatiwalaan.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Inisa-isa ko ang aking mga kasamahan, at nakabuo ako ng listahan sa aking isipan, kung sino-sino talaga ang mga liping hindi ko mapagkakatiwalaan.

Hindi ko mapagkakatiwalaan ang mga engkanto at lambana. Lahat sila, nakikinig lamang kay Lolo Alfonso.

Hindi ko rin maaaring asahan ang mga aswang at maligno, may pagkabalimbing kasi ang karamihan sa mga ito. Sa katunayan, ang karamihan sa nga bumaliktad sa akin noon—na muling nagsisibalik sa akin ngayon, puro mga aswang at maligno rin. Mayro'n silang sariling agenda. Sumasama lamang sila sa akin dahil sa tingin nila, ako ang makatutulong sa kanilang protektahan ang kanilang mga balwarteng nais kamkamin ni Lucio.

Ah ewan. Siguro nga, wala na akong dapat pang pagkatiwalaan base sa pinagmulang uri at lahi, kundi base na lang sa regular na partisipasyon ng bawat isang indibiduwal sa buhay ko.

***

"H'wag kang maingay." Bulong ko kay Ricardo, mula sa lipi ng mga aswang na bungisngis. Ito ang isa sa mga pinunong mandirigma na pinagkakatiwalaan ko.

"Jasper?" Luminga-linga ito, pero hindi n'ya ako makitang nakatayo lamang sa mismong harapan n'ya. Gamit ko kasi ang kapagyarihan ng bato.

"Oo ako 'to. Pero h'wag ka sabing maingay. Kunwari hindi mo ako nakikita."

"Ha?!" Nagusot ang mukha n'ya. Nasa anyong tao kasi ito. "Pa'nong kunwari eh talaga namang hindi kita makita."

"Tsk. Basta kunyari hindi mo rin ako naririnig. At h'wag mo ring babanggitin ang pangalan ko."

Natahimik s'ya. Inihinto ang paglinga-linga. Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala namang nakakakita sa amin.

"Ricardo..." Pabulong na pagtawag ko.

Hindi s'ya gumagalaw.

"Hoy, Ricardo!"

Hindi rin s'ya tumutugon.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon