KABANATA 35

46.8K 1.4K 173
                                    

Jordanna's P.O.V.

3 years ago...

"Aray ko po Lola, ang sakit po!" Reklamo ni Kuya kay lola Marietta, na s'yang nagte-train sa amin ni kuya Josh, sa Filipino Martial Arts na kung tawagin ay Escrima. Napaupo ito sa sahig.

Sumblay kasi sa routine si Kuya, kaya't tinamaan s'ya ng rattan stick sa kanyang kanang forearm.

"Sasabihin ko na ba kay Jonathan, na hindi ka nag-eensayo?" Nakangising sabi ni lola Marietta sa kanya.

"Busy po kasi ako sa school this week." Pagmamaktol ni Kuya. Nakasimangot ito.

"Hala, tayo!" Sabi kay Kuya ni lola Marietta. "Ulitin natin ulit, simula sa umpisa!"

Mabait si lola Marietta, pero ubod naman nang istrikta pag dating sa patuturo ng Escrima. Nakakatakot s'yang maging guro dahil mas'yado s'ya perfectionist. Kapag tatamad-tamad at lalamya-lamya pa na katulad ni kuya Josh? Lagot na. Siguradong may mabigat s'yang parusa kapag palpak ang tinuturuan n'ya.

"Masakit pa po Lola." Reklamo ni Kuya. Na sa tingin ko naman, umaarte lang talaga.

"Ganun ba?" nakasimangot na wika ni lola Marietta. "Give me five hundred hindu and one hundred fifty P.U!" She meant to say, five hundred hindu squats and one hundred fifty pushups.

"P-Po?" gulat na gulat na reaksyon ni Kuya.

Hindi sumagot si lola Marietta, sa halip, sinenyasan lang nito si Kuya na tumayo sa isang sulok para gawin ang inuutos n'ya. Nanlulumong sumunod naman ang mukhang tangang si kuya Josh.

"Jordanna," Pagbaling sa akin ni lola Marietta, "Halika," Sumenyas s'ya na tumayo ako mula sa aking crossed-leg sitting position sa sahig. Tumayo naman ako. "Sparring tayo." Iniitsa n'ya sa akin ang dalawang rattan sticks. Nasambot ko naman ang mga ito.

Pumuwesto kami sa gitna, kung sa'n, magkasabay kaming yumuko sa isa't-isa, bago pum'westo sa sparring.

"Tulad ng dati. Hindi ako magiging kasing luwag sa 'yo, Jordanna." Pabulong na pagbabanta nito sa akin. "Pagdating sa 'yo, hindi sapat sa akin, ang p'wede na." Aniya. "Kailangan," Inihinataw nito ng kanang rattan n'ya sa kanang rattan ko, "Matalo mo 'ko." Nakangising ipinaikot-ikot n'ya ang kanyang mga rattan nang tatlong beses, na kahalintulad sa majorette batons.

Hindi ako nagsalita, kahit na gusto ko talagang magreklamo dahil sa hindi patas na pagtrato n'ya sa amin ni Kuya, sumunod na lang ako. Mas istrikto kasi ito sa akin, na tila ba, bawal akong magkamali. At kapag nagkakamali ako, sa halip na parusahan n'ya ako nang katulad ng kay Kuya, iba ang parusa n'ya para sa akin. Ang parusa n'ya ay ang mas lalong pinahabang oras ng aming sparring. Walang hinto, hangga't hindi ko s'ya nadi-disarm.

Ang pagdi-disarm, na hindi ko pa nagagawa kahit kailan. Kaya naman umaasa na lamang ako parati na s'ya mismo ang magdesisyong ihinto ang aming pag-e-ensayo, which by the way, ay hangga't hindi ako lumuluhod sa pagod at panlalata.

"Aanhin mo ang mahusay ka nga sa Wing Chun ng mga Intsik." Aniya, sa una kong bagsak sa pagod, "At Tae Kwon Do ng mga Koreano, kung hindi mo kayang yakapin ang Escrima nating mga Pilipino?" Ipinaikot n'yang muli ang kanyang mga rattan. At saka n'ya ako sinenyasang tumayo sa pagkakalugmok ko.

Ang sakit na ng mga braso ko. Gayun din ang mga kamay ko. Namamanhid na rin ang mga ito sa sobrang lakas at bilis ni lola Marietta. Hindi ko s'ya kaya. May edad na s'ya, pero napakalakas at napakagaling talaga n'ya.

Napahiyaw ako nang mabitawan ko ang rattan sa kaliwa ko. Natamaan din kasi ako ng stick ni lola Marietta sa kaliwang carpal bones ko. Gusto ko nang umiyak sa sobrang pagod at sakit ng katawan, pero hindi ko ginawa.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon