KABANATA 33

46.9K 1.2K 65
                                    

Jasper’s P.O.V.

“Huwag kang mag-alala.”  Sabi ni Lola, sa kabilang linya.  Tinawagan ko s’ya, ilang saglit matapos makatulog si Jordanna. “Sa una lang ‘yun.”

“Anong ibig n’yong sabihin, ‘La?”

“Nasaan ka ba?”

“Narito po ako sa labas ng suite. Sa hallway.”

“Dalawa ang maaring dahilan. Pa’no ko nga ba sasabihin?”

“Kayo ang bahala.” Sagot ko, “I just want to know what’s going on.”

“Ang una, ebidensya lang ‘yun na dalisay ang iyong punla at ang pinagsalinan mo nito.”

“Dalisay?”  Ang lalim naman no’n.

“Puro. Walang bahid. Malinis.” Aniya, “Nangyayari ‘yan sa lahat ng mga lalaki sa ating lahi kapag puro sila at ang napagsasalinan nila ng kanilang unang punla. Ang ikalawa, patunay lang ‘yun na malusog ang punla at ang pinagtamnan.”

“Ibig sabihin ba no’n, magkakaapo na rin kayo sa akin?”

“Hindi naman. Hindi naman indikasyon ‘yun na nakabuo na kayo. Indikasyon lang ‘yun na bukod sa puro kayong pareho, ay matagumpay na nagkatagpo ang punla sa pinagtamnan. Maihahalintulad ito sa proseso pagtatanim ng malusog na buto sa mayabong na lupa. Naibaon lang nang matangumpay, bagama’t hindi pa naman ito nagbubunga. Tulad din ng mga normal na—blah… blah… blah…”

Nagsasalita pa si Lola nang makaramdam ako nang hindi maganda. Nakasalampak pa rin ang cellphone ko sa tenga ko, pero lumilinga-linga na ako.  Pinakiramdaman kong mabuti kung saan nanggagaling ang masamang nararamdaman ko.

Sigurado ako.  May mga demonyo sa paligid.  Hindi lang isa. Marami sila.

Naglakad-lakad ako.  Dahan-dahan.  Sinisipat ang bawat sulok ng aking nadaraanan.  Nakakapitong hakbang pa lang ako nang biglang umindap-indap ang mga ilaw.  Napalingon ako sa likod ko.  Walang tao; wala ring Demonyo. Tumigil ako sa paglalakad sandali; iniikot ang mata, mas tinatalasan ang pakiramdam at tenga. Hinintay ko ang pagtigil ng pag-indap ng mga ilaw sa hallway.

“‘La?”  Halos pabulong kong sabi kay Lola sa kabilang linya, “Tatawagan ko na lang ulit kayo mamaya.” Patuloy ang aking paglinga-linga at pakikiramdam.

“Bakit?”

“Basta. I’ll call you again. Bye.”  Pinutol ko na ang linya.

Ang tahimik ng paligid.  Madaling araw na kasi.  Tumingin ako sa wristwatch ko.  Dalawang minuto bago mag-alas tres ng umaga na pala.

Muling umindap-indap ng mga ilaw. At habang papalapit na ang eksaktong alas-tres ng madaling-araw, lalo itong bumibilis.  Ang paniniwala ng mga tao, ito raw ang “Devil’s Hour” bilang pangsalungat ng mga demonyo, sa oras ng kamatayan ng Kristong nanganap naman daw diumano, sa alas-tres ng hapon. Ang sa akin naman, walang devil’s-devil’s hour.  Kapag nahuli ko ang mga lintek na mga demonyong ‘to; sisiguraduhin kong, mas pipiliin nilang bumalik sa impiyerno!

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

May narinig na akong daing at halinghing ng mga demonyo. Nagmumula ‘yun, sa isa sa mga silid. Suite 526, to be very specific.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon