KABANATA 22

54K 1.2K 66
                                    

Jasper’s P.O.V.

"Akala ko ba, unang araw mo sa trabaho ngayon?"Sabi sa akin lola Marietta, pinuntahan ko ito sa kanyang Condo.  

"Unang araw nga." Sambakol ang mukha ko, "Pero mukhang AWOL na agad ang kalalabasan ko."

"Bakit, anong nangyari?"

"Pinuntahan ako ni Lolo Alfonso."

Tiningnan lang ako ni Lola.  Wala na akong kailangang sabihin pa. Tila alam na n’ya kaagad ang ipinagmamaktol ko kahit hindi ko na sabihin pa sa kanya.

"Ano na ba ang nangyayari sa kanila, Lola? Kung talagang makakasama ang aking pag-aasawa, bakit n’yo raw ba ako kinukunsinti ni Mommy?"

Hindi s’ya agad nakapagsalita, bagama’t tinititigan n’ya ako nang makahulugan.

"Jasper..." Mahinang sambit n’ya, "Alam kong delikado.  Alam kong maaaring ikapahamak ng sinumang babaeng magugustuhan mo ang pakikipag-ugnayan nila sa 'yo.  Ngunit ayaw naman naming ipagkait sa ‘yo ang maging maligaya sa kabila ng mga pasanin mong hindi mo naman pinili.  Kung kami nga ng iyong Ina, maging si Lucio, nabigyan ng pagkakataong magmahal at maging masaya.  Bakit naman ika’y hindi?"

Lumakad ito papalayo, papunta sa may bintana, para dumungaw ro’n.

"Nangangamba lamang ang iyong mga kaanib sa iyong kawalang pakialam sa kalagayan nila sa kasalukuyan. Marami na kasi sa kanila ang namamatay sa kamay ng mga kaaway. Halos maubos na rin ang mga tao sa liblib na mga baryo, dahil sa walang habas na pagdayo sa mga ito ng mga kampon ni Lucio. Alalahanin mong ang lahat ng kasamaa’y nagwawagi lamang kapag tumitigil ang mga tagapagtaguyod ng kabutihan sa pakikipaglaban."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Ano bang dapat kong gawin, Lola? Gusto kong gampanan ang misyon ko, pero hindi ko rin kayang i-give up si Jordanna.  Matagal akong naghintay para makasama s’ya. At ngayong heto na, ngayon ko pa ba isusuko ang pagmamahal ko sa kanya?"

"Walang masamang intensyon si Alfonso sa pagbibigay ng babala sa ‘yo.  Ayaw lamang n’yang mangyaring muli ang nangyari sa unang naging nobya mo. Hindi ko rin hihingiin sa ‘yo na isuko mo si Jordanna, basta't maipapangako mong kaya mong harapin ang kahit anong kahihinatnan ng mga desisyon mo."
"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Kaya mo bang isangkalan ang buhay n’ya?  Kung mangyayari ba sa kanya ang nangyari sa dati mong nobya? Maipapangako mo bang magiging matatag ka?  Hindi mo ba aabandunahin ang misyon mo, maski pa ano ang mangyari sa inyo?"

Napapikit ako.  Hindi kasi ako sigurado kung kaya ko.

"Are you trying to tell me na mas dapat ngang, i-give up ko na lang si Jordanna?”

"Bakit?  Sinasabi mo rin ba sa akin ngayon na hindi mo kayang sumugal?"

Hindi.  Hindi ko na kaya ang malayo pa kay Jordanna. Pero hindi ko rin makakaya kung may mangyayaring masama sa kanya.

"I'll try to hang on for as long as I could, Lola." Sabi ko, "Kung kailangan kong lumayo para sa kaligtasan n’ya, kailangan kong ring masiguro na akin pa rin s’ya sa aking pagbabalik."

"Anong plano mo?"

"Gusto kong makapagpakasal na kami agad sa lalong madaling panahon." Sagot ko. "Hindi po ba, pwede naman po kaming magpakasal kahit wala pa s’yang desi otso, kung may consent naman ito ng mga magulang n’ya?"

"Magpapakasal?”gulat na gulat na reaksyon ni Lola, "Itatali mo tapos iiwanan mo? Hindi ba't hindi naman yata patas 'yun para sa kanya, lalo pa't napakabata pa n’ya?"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon