Jasper's P.O.V.
"Jasper!" Pagtawag ng mga bagong dating sa waiting area ng ospital. Ito'y sina auntie Astrid, uncle Manuel at ang kanyang napangasawang si auntie Alyssa; tinabihan nila kami ni Helena.
"Kumusta raw?" nakatingin si uncle Manuel sa 'kin.
Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong nakaupo, nakayuko at nakapatong ang magkabilang siko sa ibabaw ng pinaghuhugpungan ng aking hita at tuhod.
"W-wala pa pong balita. S-sino po ang nagsabi sa inyo?" Pagsambot ni Helena sa katanungan para sa akin.
"Ang Mommy mo." Sagot ni uncle Manuel, "Teka, nasaan ba ang Mommy mo?" inihaba n'ya ang kanyang leeg na tila hinahanap n'ya si Mommy sa paligid.
"Ah, pumunta lamang po sila nina tita Abby kina lola Senda para kuhanin ang mga gamit ni Jordanna." Si Helena pa rin ang sumasagot.
"Eh ang Daddy n'yo?"
"Inaasikaso po si Jordanna."
Pagkasagot na 'yun ni Helena, narinig ko na ang boses ng taong ayoko muna sanang makaharap sa ngayon...si daddy Jon.
Hindi ko ito nililingon. Naririnig ko lang ang boses nitong kausap ang isang nurse; itinatanong nito sa nurse, kung nasaan ang pasyenteng nagngangalang...Jordanna Romero.
Wow. Romero? Romero pa rin? Sa pagkakaalam ko dapat Toledo na ang apelyido ng asawa ko ah.
May tumapik nang medyo may kalakasan sa bandang likuran ko. Alam ko na kung sino 'yun kaya't hindi ko na nilingon.
"Hoy!" Maangas na pagtawag nito sa 'kin.
'Hoy'?! Alam naman n'ya ang pangalan ko, bakit 'Hoy'?! Hindi ko lalo ito nilingon.
"Pumarito ka nga sa harapan ko!" S'ya pa rin.
Ang angas. Akala mo kung sino. Hindi ako gumalaw. Bahala s'ya. Basta ako, hindi ako tumutungon sa 'Hoy' kung alam naman n'ya ang pangalan ko.
Bigla ko na lang naramdamang may humila sa likurang kuwelyo ko. Alam kong s'ya rin 'yon. Napikon ako, kaya't tinabig ko ang kamay n'ya sa mismong pagpihit ko.
"Aba't ang putang inang 'to-" Nanggigigil s'ya sa naging asal ko. "Kanina pa kita tinatawag ah."
"Bakit?" matalim ang tingin ko sa kanya, "Tinawag n'yo ba ako sa pangalan ko? Sa pagkakaalam ko, hindi naman 'Hoy' ang pangalan ko ah."
Nilapitan n'ya ako at kinuwelyuhan naman sa harap, "Sumasagot-sagot ka pang tarantado ka ah."
"Pare!" Pagsingit ni Daddy, humahangos ito papunta sa kinaroro'nan namin. "Teka sandali lang." Pilit n'yang tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ni daddy Jon. Bumitaw naman si daddy Jon.
"Eh 'tong tarantadong anak mo, namimilosopo pa eh!"
"Pagpasens'yahan mo na, nag-aalala lang 'yung bata. Wala lamang siguro s'ya sa kundisyon ngayon..." Pagpapaliwanag ni Daddy.
"Nag-aalala?!" Sagot ni Daddy Jon kay Daddy, "Tingnan mo ang mukha ko Jason! 'Yan ang mukha ng nag-aalala? Eh 'yung anak ko ang nasa panganib ngayon ah! Putang ina! Anong ginagawa ng anak ko sa Palengke, ha?! At bakit nasa ibang bahay ang kanyang mga gamit? Hindi ba malinaw pa sa sikat ng araw na pinabayaan s'ya nitong putang inang tarantadong anak mo?!"
"Hindi puta ang ina 'ko. Baka 'yung sa inyo." Pabulong na sagot ko.
Lalo itong nagalit. Sinapak n'ya ako sa panga. Hindi naman gano'n kalakas, napaatras lamang ako nang bahagya.
Inawat na ito ni Daddy bago pa nito ako masapak ng isa pa, "Huminahon ka muna, Pare." Pag-awat ni Daddy sa kaibigan n'yang nag-uumpisa nang magwala.
"Hindi pa naman natin alam kung ano ba talaga ang nangyari eh. Sa ngayon, ang kalagayan ni Jordanna na lamang muna ang isipin natin."
Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.
"'Tong anak mo ang pagsabihan mo!" Galit na galit. "Gago eh! Sumasagot-sagot pa ang putang ina! Kapag hindi ako nakapagpigil, pasensyahan tayo, pero dudurugin ko talaga ang pagmumukha n'yan!"
"Kung kaya n'yo." Bulong ko.
Narinig n'ya ito kaya ambang susugurin na naman ako nito pero nahila rin naman s'ya agad ni Daddy. Pero dahil determinado talaga itong mahagip ako, nagpupumiglas ito, pati tuloy si uncle Manuel, naki-awat na rin kay Daddy.
Malakas din ang loko para sa isang kuwarta'y sais anyos. Halos madala kasi sina Daddy sa pagwawala nito. Pero pasensya s'ya, mas malakas ako sa kanya. Wag lang n'ya sasagarin ang pasensya ko dahil hindi ko s'ya aatrasan.
Bakit ba kasi ako lang ang sinisisi n'ya? Ako ba ang naglayas ng bahay? Oo, nag-away kami ni Jordanna, at maaari ngang nasaktan ko ang kalooban n'ya. Pero kung responsable s'yang ina na nagdadala sa tatlong sanggol sa sinapupunan n'ya, tama bang lumabas s'ya ng bahay sa disoras ng gabi? I may be at fault, yes, sure! I will accept my fair share of the conflict, pero may kasalanan din naman s'ya ah.
Sa totoo lang. I am worried as heck kaya maikli lang ang aking pasens'ya kay tito Jon. Kahit inis pa rin talaga ako sa pagiging imature at slow ni Jordanna sa aming sitwasyon, nag-aalala pa rin ako s'yempre sa kanya...lalong-lalo na sa tatlong mga anak namin na nasa tiyan n'ya.
Tatlong buhay 'yun na nagmula sa akin...sa amin. Tatlong batang makatutupad ng pangarap kong magkaro'n ng pamilyang matatawag kong sa 'kin. Tatlong supling na sabik na sabik ko nang makita, maaruga at mahalin.
"Tama na, Jon." Bulong ni Daddy sa nagwawalang kaibigan n'ya, "Hindi nakatutulong kung magsisihan tayo ngayon. H'wag na nating dagdagan ang problema ng ating mga anak." Bakas ang lungkot sa mukha ni Daddy, na sa hindi ko naman malamang dahilan ay mas nakapagpapakaba pa sa akin.
Habang kumakalma na si tito Jon, natanaw kong dumarating na si Mommy at mommy Abby. May bitbit silang mga bag at ilang supot ng mga pagkain.
"Anong nangyayari rito?" tanong ni Mommy sa lahat. Walang sumagot sa kanya. Ang lahat kasi'y tila napipiping nagpapakiramdaman.
"Eh kumusta na nga ba ang anak ko?" mahinahong tanong ni tito Jon kay Daddy.
Natahimik sandali si Daddy. Lalo akong ninerbiyos.
"Bumaba na ang lagnat n'ya. Normal na naman lahat ng vitals n'ya." Malumanay na sagot ni Daddy.
"Eh ang mga anak ko, Dad?" pagsabat ko.
Hindi ito umimik. Nag-uumpisa na akong manginig sa nerbiyos.
"Ano, Dad?!" Naiiyak na ako. Naramdaman kong yumakap sa akin si Helena.
Sa halip na sumagot, marahan s'yang umiling. "Her O.B, did the best she could, she even allowed me to look over..."
Hindi pa man tapos magsalita si Daddy, napaupo na ako sa panginginig, may diin ang mga panga at tikom ang mga kamao. Umupo na rin-at inakap muli ako ni Helena. Sumugod na rin si Mommy sa likuran ko, yumuko para yakapin ako...umiiyak.
"Pero, ayon sa kanya patay na raw ang mga bata sa loob kaya't kinailangan na ang mga itong ilabas agad..." Pagpapatuloy ni Daddy, "Kung hindi'y si Jordanna naman ang malalagay sa peligro."
Naririnig ko na rin ang pag-iyak ni Mommy Abby, maging ni Helena sa aking tabi.
"I'm sorry anak." Naramdaman ko ang paghawak ni Daddy sa bumbunan ko, habang nakayuko akong sapo-sapo ko ang mukha ko.
Pinaghalo-halong sakit, inis, galit, lungkot at paghihina ang nararamdaman ko. Hindi ko malaman kung sino ang dapat sisihin; si Jordanna ba o ako. Gusto kong magmura at magwala pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.
Ano nga ba ang marapat na gawin ko, ngayong nangyari na ang bagay na kinatatakutan ko?
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasyKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...