Jasper's P.O.V.
Walangh'yang babae 'yon. Ang lakas manipa ah! No'ng huli kaming nagkita, isang payatot na dose anyos na dalagita lang ito. Akalain mo nga namang limang taon lang ang nakalilipas, isa na pala itong ganap na kabayo?
"Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin kayo magkasundo?" s'yempre, unang manenermon sa 'kin si Daddy. Parati namang gano'n kapag si Jordanna ang nakakabunggo ko eh. Nalilito tuloy ako kung sino ba sa amin ang anak nila. "Ano na naman ba ang pinag-awayan n'yo?"
"Bakit hindi s'ya ang tanungin n'yo?" pabalang na ang pagsagot ko; nakakabuwisit na kasi eh. Porke ba ako ang lalaki, ako na agad ang may kasalanan? "Ako na ang binunggo, ako na ang itinulak, ako na rin ang sinipa...ako pa rin ba ang pipigaan n'yo ng kasagutan sa lahat ng mga tanong n'yo?"
"Aba, at sumasagot-sagot ka pa?" akmang tatampalin ako ni Daddy nang humarang si Mommy.
Yes folks! This is what I hate about our Filipino-style family set-up. Sa tanda ko nang 'to, kung tratuhin at kausapin ako ng tatay ko, tila isa pa rin akong uhuging Totoy na hindi pa tuli? Bente singko anyos na ako at isa nang Civil Engineer. Kumikita na ako ng sarili kong pera at hindi na umaasa sa kanila, pero ganito pa rin? Lahat dinidiktahan nila. Lahat pinakikialaman nila. At ang masakalap pa, pati na rin sa aking pag-aasawa.
Matagal na akong bumukod sa kanila. Isang taon pa lang kami sa Australia, sadyang humiwalay na ako sa kanila. Hindi ko na kasi matiis ang pakikisawsaw nila sa buhay ko. Lalo na't dahil kung tratuhin nila ako, tila ba ako ang babae sa aming dalawa ni Helena.
Sa akin lang sila mahigpit, pero hindi sa nakababata kong kapatid na babae.
Sa akin sila nangingialam, hindi kay Helena.
Sa akin nakatutok ang kanilang atensyon, hindi sa kanya.
Naiinggit tuloy ako kay Helena.
Simula't sapol kasi'y s'ya ang mas malaya. Nakapapamili s'ya ng kahit anong gusto n'yang atupagin; nakapipili rin s'ya ng taong mamahalin. Hindi tulad ko, kailangan sila pa rin talaga ang pipili kung sino ang aking aasawahin.
I can't wait to find my own place here in the Philippines pretty soon. A quiet place where I can be away from my nagging Dad and excessively protective Mom. Nagkataon lang na nasa iisang bubong lamang kami ngayon--dito sa isa sa tatlong mga bahay ni lola Marietta—my mother's Mom, sa Maynila. Kararating lang kasi namin mula sa ibang bansa, kung saan kami nanirahan nang mahigit-kumulang sa limang taon.
Straight from the airport, um-attend kaagad kami sa reunion ng barkada nina Daddy. May jetlag pa nga ako, at kamalas-malasang nasipa pa ako ng babaeng kabayo. Pagdating namin sa bahay, akala ko, ligtas na 'ko. Aakalain ko ba naman na mahihilo pa rin pala ako nang dahil sa wala sa lugar na panenermon ng tatay ko?
Magtitiis muna ako ng ilang linggo. Wala naman akong balak makisama sa kanila nang matagal. Kailangan ko lang talagang ire-establish muli ang buhay ko rito sa Pilipinas. Ang makapag-umpisang muli; at ang makapagtrabahong muli. May naipon naman akong kaunti sa apat na taong pagtatrabaho ko sa Australia . Paglalaon, plano ko na ring makabili ng sarili kong bahay, na ako lang naro'n; ang sarili kong lugar na walang tatay na mahilig manermon, at nanay ko na kung tratuhin ako'y tila isa pa rin akong naglulungad na sanggol.
"Tama na, Love." Pag-awat ni Mommy kay Daddy. Humarap ito sa akin para hipuin ang pumutok na bahagi ng ibabang labi ko. "Masakit ba 'yan?" agad kong tinabig ang kamay nito.
Kailangan ba talaga n'yang mag-alala sa gagarampot na putok sa labi kong napakalayo naman sa bituka? Nakakayanan nga ng katawan ko ang kalmot ng mga Aswang, kagat ng mga Impakto; tama at saksak ng kung ano-anong sandatang nakamamamatay, dito pa ba s'ya mag-aalala sa napakaliit na putok sa labi ko?
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasyKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...