KABANATA 36

53.8K 1.4K 105
                                    

Jasper’s P.O.V.

"Honey!" Nakakagulat na bulalas ni Jordanna habang nagsusuklay ako sa harapan ng salamin.

"Bakit?"  Napakunot na ako.  Medyo O.A. kasi ang hitsura n’ya.

"Nasaan ang mga bangas mo?!"

Nilapitan n’ya ako sa aking gilid, at saka nito nilamutak ang mukha ko.

"Kanina—este kahapon lang tadtad ka ng pasa at bangas sa mukha mo," Ipinapaling-paling n’ya ang mukha ko.  Pilit sinisipat pati ang ilalim ng baba ko. "Ano 'yun parang makeup lang?  Nawala na lahat?"

Argh!  Pa’no ko ba ie-explain sa kanya na ganoon talaga ang mga anak ng Tudlaan na katulad namin ni Lucio.  Nasusugatan kami, pero unless mamatay kami, nawawala rin ang aming mga sugat pagkalipas ng pitong oras.

"Ah, eh..." Kakamot-kamot ako.  Pilit itinatanong sa utak ko kung panahon na ba, para sabihin ko sa kanya ang lahat. "Ano kasi Hun, ganito ya--"

"Nakakainggit naman kayong mga taga outer space!"  Nakahalukipkip na wika n’ya.  Nakanguso pa ito habang tinititigan n’ya ang repleks’yon ko sa salamin.  "Out of this world na nga ang mga looks n’yo, pang-out of this world din ang healing powers ng balat n’yo."

Natulala ako.  Nakatitig sa kanya sa salamin.  Hindi ko alam ang sasabihin ko.  Hindi rin sigurado sa nararamdaman ko.

Man! My wife is really something.

My. Wife.

Wow.

Hindi pa rin talaga ga’nong nagsi-sink in sa akin, na sa kinatagal-tagal ng paghihintay ko sa kanya, heto,  asawa ko na s’ya. As in.. Asawa. Ko. Na. Talaga. S’ya.

Asawa. Ko. As in akin!

Asawa ko na ang kaisa-isang babaeng pinangarap ko buong buhay ko.

"Halika nga rito." Hinila ko ito, bago ko ito isinalampak sa mga bisig ko. Ipinulupot ang aking mga braso sa katawan n’ya, mula sa kanyang likod.

Ang bango ng buhok n’ya.  Inaamoy-amoy ko ‘yun, hanggang sa dumako ako sa likod ng tenga n’ya.  Napak-iktad s’ya.  Mukhang may kiliti rin s’ya ro’n.  Ang dami n’yang kiliti.  Halos lahat yata ng parte ng katawan n’ya, may kiliti ito.

"Hun." Sabi nito, sa harapan pa rin ng salamin; busy ako sa pagtatanim ng mga halik sa kanyang leeg pababa sa kanyang kanang balikat.

"Bakit?” tiningnan ko ito sa salamin.

"Saan tayo tutuloy?” aniya, "I mean saan tayo titira after nating manggaling dito sa hotel?  Babalik ba tayo sa amin?"

"Di ba sabi ko, may binili na akong bahay?” mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. "Ang kaso wala pang gaanong kasangkapan." Hinalikan ko ulit ang gitna ng tenga n’ya at panga.  "Sinadya kong hindi muna bumili. Gusto ko kasi ikaw ang pumili ng gusto mo."

"May bed na?"

"Wala pa."

"Sofa?"

"Wala pa rin."

"Saan tayo tutulog d'on? Sa sahig?"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon