Jordanna’s P.O.V.
The bitch is home.
I do not want to use that word before, but not anymore. Kung iisa-isahin ko kasi ang mga atraso n’ya sa akin—bukod pa 'yung sa amin ni Jasper, the title is even an understatement; she's a she-devil.
Yes. She's evil.
Naalala ko, no’ng mga bata pa kami. Dahil mas bata ako sa kanya at mas maliit ako, parati n’ya akong binu-bully. Buti sana, kung basta pambubu-bully lang; kung minsan kasi, pakiramdam ko, gusto rin n’ya akong saktan. Lalong-lalo na kapag lumalapit sa ‘kin si Jasper. O kapag may nagawa ako noong isang bagay na mas lalong naglalapit sa akin sa pamilya ni Jazz.
Naalala ko, three years old lang ako nang maging fully aware ako na favorite talaga ako ni tita Helga. Ang sabi ni Mommy, ganun daw talaga si Tita Helga, kahit noong baby pa ako. Kulang na lang daw, iuwi ako nito. Hindi ito nagbago kahit na nang magdalaga ako. Wala namang masama ro’n kung tutuusin, but not for ate Zoe. Para kay ate Zoe, kasalanang mortal,ang mapalapit ako sa Mommy ni Jasper. Para sa kanya, ang pamilya Toledo ay kanyang teritoryo.
Kurot. Sabunot. Tulak. Tabig. Sampal. Talapid. Untog. Sipa. Tadyak.
Lahat yan naranasan ko kay ate Zoe. Kaya nga nang maglaon, naengganyo na akong mag-aral ng self-defense, hindi para gantihan s’ya, kundi, para lang madepensahan ko ang sarili ko. Ako kasi noon ang mas maliit, mas payatot at mas mahina. Kung hindi ko gagawan ng paraan na i-bully proof ang sarili ko, baka kung saan na lang ako pulutin ng mga magulang ko.
“Hey,” Pagdalo sa akin ni Mommy habang nagsusuklay ako sa harap tukador. Nakangiti ito sa akin sa salamin. “Isang linggo na lang.” Aniya; maluha-luha ito. Hinahaplos n’ya ang likuran ng buhok ko. “Magiging maybahay ka na rin tulad ko.” Tuluyan nang tumulo ang luha nito.
Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.
“Mommy,” Lumingon ako at akmang tatayo para yakapin s’ya, pero pinigilan n’ya ako, “Bakit po?”
“Masyado kang matangkad anak, maupo ka lang d’yan,” Aniya, “Mas gusto kitang yakapin ng ganito.” Niyakap n’ya ako mula sa akin likuran. Nagkatitigan ulit kami sa salamin. “Kamukhang-kamukha mo talaga ang Daddy mo.” Natatawang sinabi n’ya.
“Mommy naman e.” Reklamo ko. Parang ginusamot ang mukha ko.
“O bakit? Napakag’wapo naman ng daddy mo ah.” Nakangiti s’ya.
"Oo nga. Pero hindi naman po ‘yun ang point ko.”
“Eh ano ang point mo?”
“Para po kasing sinabi n’yo na rin sa akin na…”
“Na?”
“Na mukha akong lalaki!”
Tumawa s’ya ng pagkalakas-lakas. Ang cute ni Mommy. Hindi lang dahil petite s’ya, kundi, mukha kasi talaga s’yang Ate ko lang. She looks a lot younger than her age, tapos ang ganda-ganda pa ng mukha n’ya, napakaputi at napakakinis ng kanyang balat. Too bad. Si Joaquin lang ang nagmana sa kanyang kulay sa aming magkakapatid. Si Joaquin din lang ang medyo kahawig n’ya. Kami kasi ni kuya Josh, kahawig naman ni Daddy, mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasyKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...