KABANATA 72

23.4K 845 61
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Okey ka lang ba, Jordanna?" Tanong sa akin ni ate Helena.

"H-ha? O-oo naman." Mukhang nahuli na naman n'ya akong nakatulala.

Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses na n'yang itinanong sa 'kin kung ayos lang ba ako. Alam ko naman na, alam n'yang hindi ako 'Ok'. Naiintindihan ko naman na ang ibig sabihin lang n'ya sa kanyang pagtatanong ay kung kaya ko pa ba ang hindi 'Ok' na sitwasyon ko.

Hindi ko maipaliwanag ang kalungkutan kong, sa isang iglap—sa isang kisap-mata—at sa isang pagkakataon na hindi ko inaasahan, mawawala na lamang ng ganun ang mga bata sa aking sinapupunan. Kalungkutang hindi ko alam kung pa'no ko ilalabas, dahil marahil sa guilt na hindi ko maiwas-iwasang maramdaman.

Oo. Maraming nagtatanggol sa 'kin, lalong-lalo na sa pagpapaliwanag sa asawa ko, na hindi tamang sa akin lamang nito ibunton ang sisi, dahil hindi ko naman ginusto ang nangyari. Kahit paano, nakatutulong 'yun para hindi ko na masyadong dibdibin ang nangyari sa akin—sa amin ni Jasper. Malaking bagay 'yun para makayanan kong tumayong muli sa aking mga paa, kahit na sa totoo lang...Jasper has all the right to blame me—and be upset with me. It was all my fault, indeed; due to my lapse of judgment.

Unang-una, hindi ako dapat umalis ng bahay, kahit na ano pang tindi ng aming tampuhan. Lalong-lalo na, sa disoras pa ng madaling-araw. Ikalawa, alam ko naman na pagod na pagod lang talaga s'ya no'ng gabing nag-away kami, at naramdaman kong hindi naman talaga ito nanggaling sa pagloloko. Sinumpong lamang talaga ako ng pagiging isip-bata, para animong walang isip na gamitin ang pagkakataon, upang may maibato ako sa kanya kahit walang basehan; ganti man lang sa sobrang pagkayamot ko sa kanya no'ng gabing 'yon.

Dapat talaga, pinabayaan ko na muna s'yang makapagpahinga, katulad nang hiniling n'ya sa akin no'n. As I recall, nakiusap pa nga s'ya sa akin nang maayos--malumanay at malambing, na kung p'wede, hayaan ko na muna s'yang makatulog ng kahit dalawang oras lang. Pero dahil mas inuna ko pa ang aking pagkabugnot, na hindi ko naman malaman kung pa'no paglalabanan dahil sa nag-uumapaw na opinyon ng aking 'pregnancy hormones', sinagad ko ang pasens'ya n'ya; inubos ko ang natitira n'yang pagtitimpi sa walang prenong pagbukas ng aking bibig.

"Don't be too hard on yourself, Jordanna." Paalala ni ate Helena. Hinahaplos-haplos n'ya ang aking likuran. "Napansin ko kasi, sumusobra naman yata ang effort mo para ma-please si Kuya lately. Remember this, Sis. Nagluluksa ka rin katulad n'ya. May karapatan ka ring malungkot at ipakita ang kalungkutang ito. Hindi mo p'wedeng akuin ang lahat ng sisi. Maaari ngang may kasalanan ka, pero may kasalanan din naman s'ya eh. Kung nagwo-worry kang magagalit s'ya sa 'yo, dapat mag-worry rin s'ya kung magagalit ka rin sa kanya."

"Ate, kasalanan ko naman talaga eh." Namamaos na wika ko. Nag-uumpisa na ring dumatal ang bugso ng aking paghikbing tila isang batang paslit. Kung hindi dahil sa katangahan at katigasan ng ulo ko, hindi naman talaga ako mapapahamak. Mas inuna ko pa ang sumpong at tampo ko, kumpara sa kapakanan at kaligtasan ko at ng aming mga anak; at mas inuna ko rin ang kawalang pag-iingat ko, nang hindi ko pinakinggan si ate Senda na manatili na lamang sa bahay n'ya, habang namamalengke pa s'ya.

"Jordanna--"

"May karapatan s'yang magalit sa 'kin!" Mas tumitindi na ang aking paghagulhol. "At ang sakit-sakit sa loob ko dahil wala na akong magagawa. Hindi ko na maitatama pa ang pagkakamali ko...hindi ko na maibabalik ang buhay ng mga anak namin. Hindi ako makahinga sa sobrang sama ng loob ko, pero hindi kay Jasper, kundi sa sarili ko mismo, wala akong kuwentang ina...wala akong kuwentang asawa...wala akong kuwentang tao." Hindi na halos ako makapagsalita sa pag-iyak, "Dapat siguro, namatay na rin ako."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Jordanna, ano ka ba?" niyakap n'ya ako nang pabigla. Tila gulat na gulat sa aking mga nasabi. "H'wag kang magsalita ng ganyan. Napakabata mo pa, at malusog ka naman. Ganun din naman si Kuya, I'm sure magkakaanak pa ulit kayo."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon