KABANATA 65

21.5K 808 59
                                    

Jasper's P.O.V.

"Ikaw?!" Biglang hiyaw ni Basilio kay Lucio; dinuduro ito. "Kilala kitang demonyo ka!" Nanginginig ito sa galit.

Nagulat ako nang tila walang takot na sinugod ni Basilio si Lucio, gayung hahanggang kili-kili lamang s'ya nito. Sinalubong naman ito ng pagsakal ni Lucio, bago nito unti-unting iniangat si Basilio paitaas.

Nagpupumiglas si Basilio. Nasasakal at hindi makahinga. Lalong nanginig naman sa takot ang kanyang mga kasamahan, na hindi naman ngayon malaman kung saan isisiksik ang kanilang mga sarili

"Eh ano ngayon kung kilala mo ako?!" Maigting na wika ni Lucio kay Basilio. Nagngangalit ang nga panga nito, nakatingala sa taong bitbit, habang sinasaksak nito ito ng matatalim n'yang mga titig. "Hindi kita kilala. At pakialam ko ba kung sino ka!" Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ng kawawang lalake.

"Ugh!" Pagdaing ng ni Basilio. Unti-unti nang humihina ang pagpupumiglas nito. Batid kong kaunting sandali na lang, maaari na itong malagutan ng hininga.

Naging hudyat naman 'yon sa akin para gumawa ng mabilisang paraan. Walang isang kurap, binunot ko ang nakatagong maliit na hunter's knife sa aking bulsa, at walang pasabing ibinato ko ito diretso sa bandang dibdib ni Lucio.

Tulad ng iinaasahan ko, nakailag ito; bagama't nabitawan rin naman nito si Basilio. Pero sa pag-ilag n'yang 'yun, tinamaan ko naman—diretso sa noo, ang aswang na nakatayo pala sa kanyang bandang likuran.

Itinubog sa purong pilak ang aking kutsilyo, kaya naman hindi na naging surpresa sa akin na makitang umuusok ang noo ng aswang na tinamaan ko. Bumagsak itong walang buhay sa semento.

Tiningnan ako nang marahan ni Lucio. Wala mang imik. Bagama't bakas sa kanyang mga mata ang matinding panggigigil sa galit. Sa gitna ng nakahihiwa nitong pagtitig sa akin, sinenyasan nito ang kanyang mga kampon—itinuro ang direksyon ng mga tao, na tila inuutusan n'ya ang mga ito, na maaari na nilang lapain ang mga taong nasa gitna ng magkabilang panig.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Nagsi-iyakan na sa takot ang mga tao nang mag-umpisa nang humakbang papunta sa kanila ang mga impakto mula sa kampo ni Lucio. Maging si Basilio'y napagapang na rin papalayo.

"Ngayon na!" Mahinang sambit ko sa aking mga kasamahan, na nagkani-kanya na sa paglundag—at pagtakbo, papsugod sa mga halimaw na literal na hayok sa laman ng tao.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hinihintay na muling matanaw ko si Lucio. At ang makaharap ang demonyong pinuno ng hukbong walang pakundangan, walang kunsensya, walang sinasanto at walang dini-diyos kundi ang diyablo.

Isang malakas na lagapak sa aking balikat ang sumalubong sa akin sa gitna ng kaguluhan. Binato pala ako ni Lucio ng isang bloke ng hallow block sa may bandang batok. Hindi naman ako nasaktan, tila pitik lang naman kasi 'yun sa aking pakiramdam.

Pero s'yempre, alangan namang hindi ako gumanti? Ngayong naaaninag ko na si Lucio, sumugod na ako at nakipabuno sa kanya, bagama't minalas ako nang napuslitan ako nito ng isang malakas na suntok sa panga.

Malakas din s'ya. Magkaparehas lamang naman kasi ang aming kakayanan at kapangyarihan. Ang lamang lang talaga n'ya sa akin ay karanasan. Ikaw ba naman ang mabuhay sa ibabaw ng mundo nang higit pa sa sampung isang daang taon? Kapag hindi ka pa naman nagkaro'n ng sandimakmak na karanasan, ewan ko na!

Tumalsik ako sa kanyang suntok . Lumagapak ang aking likuran sa matigas na sahig. Pero sa aking pagkakahilata'y nakahagip naman ako ng sledge hammer sa sahig na ipinukpok ko naman kaagad sa paa ni Lucio, matapos kong bumangon nang paupo--na halos kasabay naman ng paghagibis n'ya palapit.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon