Jasper's P.O.V.
Tarantadong Paolo. Ma-epal talaga. Akalain mong papasugod na sana ako, nang humarang pa ang gago sa dinadaanan ko? Para ano? Para lang magpasikat sa paghawak n'ya ng gulok?
Tinagpas n'ya ang ulo ng tatlong aswang sa iisang pagsakyod ng gulok. May pa-porma-porma pa itong nalalaman na akala mo, kung sino itong legendary hero. Kung ako lang ang masusunod, babatukan ko na talaga ang lintek na 'to. Nakakainis eh. Mas'yadong pasikat! Wala naman dito si Helena, para pagpa-cute-an n'ya. So, kanino pala s'ya nagpapa-impress? Sa asawa kong si Jordanna?
Taragis! Kapag hindi pa s'ya tumigil, talagang patitikimin ko na s'ya ng sakit sa katawan na hindi pa n'ya nararanasan sa tanang buhay n'ya.
Humiyaw ako habang sinisipa ko isa-isa ang apat na Aswang na sunod-sunod namang nagsisitalsikan. Nginisan ko ang ma-epal na Paolo na 'yun, para lang ipamukha sa rito, na hindi ko kailangan ng gulok para pabagsakin ang mas marami pa. Nakabub'wisit na nginisian din lang ako ng tanginang hambog, bago nito ipinagpatuloy ang pagtaga sa bawat aswang na sumusugod sa kanya.
Pilit kong iniiwas ang atensyon ko papalayo sa kanya, at itinuon na lang ang pansin sa hindi mabilang ng mga b'wisit na mga impaktong animo'y mga ipis na hindi maubos-ubos. Nasa isang daan na--sa aking tantya ang aking napapabagsak, nang unti-unti ko nang naramdaman ang pagsakit ng aking kamao.
Lintek naman kasing kay titigas ng pagmumukha ng mga Aswang na ito. No'n ko na na-realize na mas wise nga yata ang ginawa ni Paolo.
Sa pakikipagbakbakan sa maramihan, hindi talaga pwedeng asahan lang ang lakas ng katawan. Dapat, may sandata talaga ako, pangsangga man lang sa nasusugatang balat ko.
"Jazz!" Malakas na sigaw ni Jordanna. Napalingon ako.
Inihagis n'ya sa akin ang aking dalawang rattan na hindi ko malaman kung pa'no n'ya nakuha mula sa aking taguan. Nasambot ko 'yun, at diretsong inihataw sa kahit sinong aswang na maglakas-loob na sugurin ako.
Escrima. Isa ito sa mga nauna kong natutunan mula kay Lola. Limang taon pa lamang ako nang nag-umpisa akong mag-aral nito. Hindi naman huminto 'yun hanggang sa maging eksperto ako.
Walang humpay kong ipina-ikot-ikot, itinarak, kung hindi nama'y inihataw, ang aking dalawang baton, depende sa kung papa'no ko gustong lumapat 'yon sa kalamnan ng mga tanginang mga panget! Ang ekspertong manipulasyon kong 'yon na sinabayan ko naman ng tamang paggamit ng lakas ng aking pagsipa, kung kailan ito hinihingi ng pagkakataon.
Halos kinukuyog na ako ng mahigit sa limampung aswang nang marinig ko ang sigaw ni Jordanna. Pilit kong hinanap ang pinanggagalingan ng kanyang boses, para lang makitang bitbit na pala s'ya ng isang malaking Wak-wak.
Shit!
Halos lumubog na ako sa mga kumukuyog sa akin. Hindi na halos ako makagalaw sa pagtabon ng ilan sa akin.
"Jordanna!" Pagsigaw ko, pero maging ang boses ko, halos hindi ko na marinig dahil na rin sa sabay-sabay na pag-angil ng 'di mabilang na mga impakto sa paligid ko.
Hindi ko malaman ang gagawin ko habang nakikita kong lumilipad papalayo ang bumitbit sa mahal ko. Lalo pa akong naging desperado nang halos hindi na ako makagalaw sa sabay-sabay na panggigitgit sa akin ng mga kalaban ko.
Ilang saglit pa, nakarinig na ako ng gumuguhit na tunog ng mga pana mula sa itaas. Inulan ng pana ng mga labana ang isang batalyon ng mga impaktong malayo-layo sa amin ni Paolo; malamang na nag-iingat ang mga ito na matamaan din kami. Nagpatuloy akong kumakawala sa mga pangit na nanggigitgit sa akin sa gitna, hanggang sa marinig ko na ang gulok ni paolo na tinatagpas ang mga ulo ng ilang mga pangit na dumadagan sa akin.
BINABASA MO ANG
JASPER, The Demon Slayer
FantasiaKatropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng ka...