KABANATA 79

17.1K 680 84
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Kumusta ka na, Jordanna."

"Ate Senda?!" Agad ko itong niyakap. "Halika, pasok ka." Mas ibinukas ko na ang gate. "Napadalaw ka."

Lumilinga-linga ito na tila ba nag-aalala ito na may makakita sa kanya.

"Hindi ako nagparito para dalawin ka, Jordanna."

"Ha? Pero—"

"May pupuntahan tayo. Tayo na!" Hinawakan n'ya ang aking kamay at hinila 'yun.

"Teka sandali, magpapalit muna ako." Naka shorts at nakatsinelas lang kasi ako. Tiningnan n'ya ako mula paa hanggang ulo, bago n'ya ako itinulak nang bahagya para makapasok kami sa loob ng gate.

"S-sige. Bilisan mo, hihintayin kita rito." Sumisilip-silip pa rin ito sa labas ng gate.

"Opo."

Umalis na ako at nagmamadaling nagbihis.

***

"M-marunong ka na bang magmaneho?" tanong n'ya, sa muli kong paglabas. Nakatingin ito kay Jordanna; the sports car.

"Opo, bakit po?"

"May lisensya ka na ba?"

Nangunot ako, "Opo, kare-release lang po no'ng kabilang buwan, bakit po?"

"P'wede ba nating gamitin 'to?" itinuturo n'ya si Jordanna.

Bigla akong kinabahan. Hindi naman kasi sa 'kin si Jordanna. Wala pa talaga akong sariling sasakyan, lahat ng nakaparada sa aming garahe'y puro kay Jasper lang.

"P'wede po pero kailangan ko po munang tawagan ang asawa ko. Mahal na mahal po kasi n'ya ang kotseng ito eh." Dinudukot ko na ang cellphone ko sa aking bulsa.

Pero bago ko pa man nakumpleto ang pagtawag, hinawakan ako ni ate Senda. "H'wag, Jordanna!"

"Bakit po?"

"H'wag mong tatawagan si Jasper. Hindi n'ya p'wedeng malaman na aalis ka ng bahay."

Lalong dumami ang katanungan sa aking isipan. "Pero bakit po, Ate? Saan po ba talaga tayo pupunta?"

Sa halip na sumagot, hinila n'ya ako sa may driver's side.

"Sandali lang naman tayo." Umikot na s'ya sa passenger side para buksan ang pinto no'n. Napatingin ito sa akin nang hindi n'ya ito nabuksan. Naka-lock kasi ito.

Napatulala ako saglit sa kanya, bago ako natauhan, "S-sandali lang po. Kukunin ko lang ang susi." At saka ako humagunot papasok sa loob para kunin ang tinukoy ko.

"Kailan ba huling umuwi si Jasper?" biglang tanong n'ya habang nagmamaneho ako.

"Three weeks ago po. Abala po kasi s'ya sa kanya hukb—"

"Ayos lang ba sa 'yo 'yun?"

"W-wala naman po akong magagawa. Mahalaga po ang kanyang mga tungkulin doo—"

"Mas mahalaga pa sa 'yo?"

"Para naman po sa ikabubuti ng kanyang hukbo ang—"

"Sigurado ka?"

Nagulat ako sa kakaibang demeanor ni ate Senda ngayon. Ang kilala ko kasing ate Senda, malumanay, mahinhin at maingat magsalita; hindi rin ito basta-basta namumutol ng pagsasalita ng kausap nito. Pero sa kabila no'n, binalewala ko na lang ito. Inisip ko na lang na baka natataranta lang ito o naaburido.

***

"A-ano po ang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Nakapasok na kami sa construction site na pinagtatrabahuhan ng asawa ko. Mukhang lunch break kaya walang mga nagsisipagtrabaho sa paligid.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon