IKA-ANIM na araw na buhat no'ng komprontahin ako ni Zhynn, anim na araw na rin niya akong hindi pinapansin sa kabila ng pangungulit ko.
"Ayos ka lang, dude?" usisa ni Gavier sa tabi ko.
Malumbay akong tumango at pinagmasdan ang likuran ni Zhynn.
"Mukha kang na-basted sa itsura mo," nakangiwing saad niya.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Pinagsasabi mo?" asik ko.
He chuckled and bent sideward to tap my shoulder. "Okay lang 'yan, dude. Hindi ka nag-iisa," aniya.
I shrugged his hand over my shoulder.
"Gago, huwag mo akong igaya sa 'yo na mahina sa lovelife," salubong ang mga kilay kong wika."Aray! Foul 'yon. Pinatatawa lang naman kita." Ngumuso siya at umarteng natamaan sa dibdib.
"Back off, Gavier. Doon ka mangulit sa chick mo," asik ko.
Lalo pang nanulos ang nguso niya at tumunghay sa direksyon ni Prexia na ngayon ay busy sa pakikipag-usap sa isa naming kaklase na lalaki. Napabuntonghininga ako nang makita ang kalungkutan sa mga mata niya. Pero tila may iba pang emosyon na nakatago roon.
"Why don't you try talking to her again?" I asked and leaned on my seat.
He sighed and shook his head. "Alam kong hindi pa siya handa para kausapin ako," mahinang wika niya.
Hindi ko alam, pero sa mga oras na ito ay tila hindi ko na siya mabasa pa. Malungkot ang tono niya, pero kakaiba ang kaniyang mga mata.
"Alam mo ba ang natutuhan ko sa maikling panahon na pumasok ako rito?" I stared at him and then smiled. "Na walang saysay kung magpapadala tayo sa mga takot natin, sa mga akala natin, sa mga kutob na nakabase lang sa sarili nating kaisipan." Ako naman ang patagilid na yumuko upang tapikin siya sa balikat niya.
"Settle that out, Gavier. Baka sa pagtagal ng panahon na ibinibigay mo, makasanayan na niyang wala ka," I said.
Ilang beses pa siyang lumunok habang nakatingin sa direksyon ng babae at huminga nang malalim.
Hinarap niya ako at tipid na ngumiti. "Siguro nga, oras na para ayusin ko ang kung anumang nasira sa aming dalawa," aniya.
Nginitian ko siya pabalik at itinuon ang atensyon sa unahan dahil sa pagdating ng aming guro. Maya-maya pa ay nagsimula na ngang magturo ang prof ng kaniyang mga lektura. Gustuhin ko mang makinig ay talagang nalilipad ang utak ko sa sitwasyon naming dalawa ni Zhynn.
Nang hindi ko na natiis ay bahagya kong iniusod ang aking silya palapit sa likuran niya. "Ganito na lang ba tayo?" anas ko.
Hindi ako nakatanggap ng anumang tugon mula sa kaniya. Kung umakto pa siya ay tila wala siyang narinig kahit alam kong nakaabot sa kaniyang tainga ang boses ko.
"Huwag mo akong subukan, Zhynn. Isisigaw ko sa loob ng silid na ito ngayon din ang relasyon nating dalawa," malamig na banta ko.
Mabilis pa sa alas-kuwatro niya akong nilingon, matalim ang paningin at bakas ang mga ugat niya sa leeg dulot ng pagkaasar niya.
Gan'yan nga, Zhynn. Pansinin mo 'ko.
"Should I kill you now? Gusto mo na rin palang mamatay, ako na ang gagawa," gigil na sambit niya sa mababang tono.
Palihim akong napalunok at pilit na ikinalma ang aking sarili sa kabila ng naramdaman kong takot.
Bakit ba ang iksi ng pasensya niya? Haaays.
"Then, kausapin mo ako. Gano'n ba kahirap ang hinihingi ko? Bakit ka ganiyan? Natitiis mo ako ng gano'n katagal?" pagpapaulan ko ng mga tanong.
She gritted her teeth and shut her eyes tight. Nakita ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga bago muling itinuon ang atensyon sa guro namin.
"Rooftop. Breaktime," tipid na wika niya.
"I miss you . . ." I saw how she stiffened after that.
"Stop flirting with me, Takeo. We're in the middle of a fvcking class!" she hissed lowly as she kept her back against me.
"Okay, mamaya na lang sa rooftop." Inusod kong muli ang upuan sa orihinal na puwesto habang may sinusupil na ngiti sa 'king labi nang makita ko ang marahang paghilot niya sa kaniyang sentido.
I guess I am really testing the mafia queen's patience.
TULAD ng napag-usapan ay agad akong nagtungo sa rooftop nang ianunsyo ang breaktime namin. Naghintay ako ng limang minuto bago ko natanaw ang presensya niya.
I tried to smile despite her cold aura. "Lov—" Natigil ako sa pagbati nang mabilis niya akong kornerin sa railings.
"Z-Zhynn," utal kong tawag sa pangalan niya at mariing napalunok sapagkat may dagger na nakatutok sa leeg ko.
Hindi ko alam kung saan ba ako dapat matakot. Sa dagger na nakatutok sa leeg ko o sa posisyon ko na maaari akong malaglag mula sa tuktok na kinaroroonan namin.
None of the above, Takeo. You should fear the girl in front of you.
"Do you think what we are doing is a joke, Takeo? Do you really want to die?" she asked coldly.
"A-Ano ba ang ginawa ko? I'm sorry about what happened at your mansion. Nabigla lang din ako," garalgal kong saad.
"Focus, Takeo. Focus. Her two underlings were eyeing at us earlier," she said and distanced herself.
Doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. I suddenly thought about what she said.
Yeah. Sa sobrang pag-iisip ko sa naging misunderstandings namin ay nakalimutan ko ang sitwasyon na kinahaharap naming dalawa.
"We should stay a secret, Takeo. In case you forgot," she uttered.
I sighed and then held her arms gently. "I'm sorry. I know I'm at fault. Hindi na mauulit," sinsero kong wika.
Hindi naman siya umimik at mariin na lang na pumikit. Pilit na kinokontrol ang kaniyang nagwawalang emosyon. Nang makita ko ang kahirapan niyang kumalma ay naglakad ako patungo sa kaniyang likuran at saka siya marahang niyakap.
Like what I expected. She calmed down. I smiled mentally at the thought that I could really tame her.
"I miss you . . ." namamaos kong usal.
"I miss you too," she replied softly, and I embraced my arms around her. "I'm sorry about earlier; I didn't mean to scare you."
"I understand, love. There is no need to explain or apologize. Besides, alam ko naman na hindi mo ako magagawang saktan. You're just mentally suffocated," I stated.
She didn't speak anymore. I knew at that point that I was right. Mabagal akong kumalas sa kaniya at saka siya iniharap sa akin. Hinawakan ko ang pagod niyang mukha at marahan iyong hinaplos.
"Ano'ng gumugulo sa isip mo?" mahinanong usisa ko.
Lumamlam ang kaniyang mga mata na tila roon pa lang niya nagawang ipakita ang kaniyang panghihina at pangamba.
"Hindi na pumapasok si Xirenn. I think . . ." She swallowed hard and stared into my eyes. "She's plotting something," she continued.
Natigilan ako at napaisip. Hindi ko napansin ang pagkawala niya sa mga nagdaang araw sapagkat masyadong natuon ang atensyon ko sa panunuyo kay Zhynn. Gusto kong kutusan ang aking sarili sapagkat masyado akong naging pabaya sa mga nangyayari sa paligid ko.
"Knowing her, hindi makatitiis 'yon na hindi sinusubok ang pasensya ko sa araw-araw. Kaya isang malaking himala na hindi siya pumapasok nitong nakaraan," seryoso ngunit nangangambang saad ni Zhynn.
Hinawakan ko ang balikat niya at marahang hinaplos. "We'll figure this out. Ang mahalaga ay maging handa tayo sa kung anumang kilos na gagawain niya," pagpapalubag-loob ko.
She glanced at me. "I am ready, Takeo, and so are my fighters. Pero hindi sila ang pinakakailangan kong ihanda kundi ikaw." She looked away and clenched her jaw. "I knew they would use you against me. So, you need to be ready," she continued.
"What do you mean?" kunot-noo kong usisa.
"From now on. I will train you to fight, especially—" She glanced back at me and gave me a serious look. "—to kill, love."
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...