CHAPTER 8

30.6K 1.2K 115
                                    

YURA'S POV

MAAGA akong pumasok sa school ngayon. Agad akong nagtungo sa HQ para doon magpalipas ng oras. Gano'n na lang ang gulat ko nang madatnan sa labas ng HQ si Takeo. Nagtataka man ay pilit ko iyong itinago sa mukha ko.

"What are you doing here?" walang emosyon kong tanong habang nasa harapan niya.

"Are you my girlfriend?" balik niyang tanong. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang hinahalukay ang katauhan ko.

Peke akong tumawa bago ipinakita sa kaniya ang iritasyon ko.

"Bali-balita rito na si Xirenn ang girlfriend mo o ex—the hell I care. Tapos ngayon ay nandito ka sa harapan ko, asking me if I am your girl?" inis na sabi ko bago siya nilampasan.

Nagulat ako sa mabilis niyang pagkilos. Hindi ko namalayan na nahablot niya na ako. Kaya naman ngayon ay sobrang lapit na namin sa isa't isa habang titig na titig siya sa mukha ko.

"W-What the fvck are you doing?" utal kong sabi habang iniwasan ang tingin niya.

"Love, huh?" untag niya na siyang nagpakaba nang husto sa akin at nakapanlambot ng mga tuhod ko.

Natigilan ako at dahan-dahang napatingin sa kaniya. Para akong mababaliw dahil wala akong emosyong makita sa mukha niya.

"Pinagsasabi mo?" inis kong sabi nang maibalik ko ang lakas ko at saka kumawala sa kaniya. Lumayo pa ako nang kaunti dahil natatakot ako na marinig niya ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Kilala mo ako, hindi ba?" seryoso niyang tanong.

Napabuntonghininga muna ako bago pilit na ipakita ang pagkawalang interes sa mukha ko.

"If I say yes, what will you do?" balik ko namang tanong sa kaniya.

"Gano'n ba kahirap sagutin ang tanong ko?" inis niyang tanong.

Nagpakawala ako ng nakalolokong ngisi bago marahang lumapit sa kaniya.

Mabagal kong itinaas ang kamay ko na sinundan ng mga mata niya ng tingin bago ko iyon unti-unting idinampi sa gilid ng pisngi niya. Hinaplos ko iyon kasabay ng pagpikit niya.

"Oo, dahil nakagagago ang tanong mo. Sa sobrang nakagagago ay gustong-gusto kitang sapakin, pero hindi ko magawa dahil hindi ko kaya," mahinang sambit ko, sapat lang para marinig niya bago ko ibinaba ang kamay ko at pumihit papasok sa HQ.

Nagtataka man sa pagsunod niya ay pinabayaan ko na lang. Nakapande-kuwatro akong umupo sa sofa at isinandal ang sarili ko roon. Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang kilos niya.

Dinig ko ang magagaan niyang hakbang papunta sa harapan ko. Ilang sandali pa ay gano'n pa rin ang posisyon niya kaya naman nagtaka ako, binuksan ko ang paningin ko at gano'n na lang ang gulat ko dahil nakayuko siya habang nakatingin sa akin.

Wala akong makitang emosyon sa kaniya bukod sa pagiging seryoso. Napakalaki ng pinagbago niya, dati halos bawat kibot ng mukha niya ay nalalaman ko kung masaya siya, galit, o malungkot.

"Hindi ko alam kung bakit nabura ka sa memorya ko at unti-unti kong naaalala ngayon. Huling mga memorya na nakita ko ay mukhang magkarelasyon tayong dalawa. Sabihin mo sa akin, kailan iyon?" seryoso niyang sabi na ikinagulat ko. Ilang segundo pa akong natigilan bago nanumbalik sa ayos ang pag-iisip ko.

Ilang beses niya ba akong gugulatin ngayon?

Iniiwas ko ang aking paningin sa kaniya. Muli akong sumandal at itiningala ang ulo ko.

"Bakit gusto mo pang alamin? Anong dahilan?" malamig na tanong ko habang nakatingin sa kisame.

"Bakit ba tanong ang ibinabalik mo sa akin at hindi ang mga sagot na kailangan ko?"

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon