CHAPTER 19

28K 1.1K 107
                                    

MAAGA akong nagising at naghanda sa pagpasok kinaumagahan. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang mga bagay na pinagkasunduan namin kahapon ni Zhynn.

Pumayag s'ya.

"Mom, aalis na po ako!" sigaw ko nang makababa ako ng hagdanan.

"Wow. Ngayon ka lang namaalam, kuya, ah? Did something masaya happen?" tanong ng kapatid ko na bigla na lang sumulpot mula sa kusina.

My lips twitched because of her words. Agad din naman akong napangiti nang maalala kung bakit ako masaya ngayon.

"Wala. Feeling ko kasi rank 1 ako," nakangising tugon ko sa kaniya at saka siya nilapitan upang guluhin ang kaniyang buhok.

Ayaw kong magsinungaling sa kaniya, sa kanila, ngunit para din ito sa kaligtasan ng lahat.

Zakhira rolled her eyes. "Palagi ka namang nangunguna sa klase. Hindi ka pa nasanay." Nagkibit-balikat siya at nanguna sa paglalakad palabas.

"Sumabay ka na sa akin," anyaya ko nang maabutan ko siya at saka siya inakbayan.

"Ang creepy mo, kuya. Hindi ka na kaya ng doktor," aniya.

I chuckled at her statement. "Ang OA mo, Zakhira. Masama ba maging masaya?" naiiling kong tanong.

Inirapan niya akong muli at saka umikot para sumakay sa passenger's seat ng kotse ko. Pumasok na rin naman ako sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.

"Ganito ka lang naman kasaya no'ng kayo pa ni Ate Zhy—" Tumingin siya sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata.

"What?" pigil ang ngiting usisa ko.

Her mouth parted, and she pointed a finger at me. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi rin naman natuloy. She kept doing that until she shook her head in disbelief. Palihim na lang akong natawa sa kaniyang inasta habang suwabeng pinatatakbo ang sasakyan.

"Suru koto wa dekimasen." Umiiling-iling siya at tinapik ang kaniyang mukha na tila ba nasa isa s'yang panaginip. (Hindi p'wede.)

Mabilis naman akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng mahinang kutos. Dumaing siya at sinamaan ako ng tingin.

"At bakit hindi?" singhal ko habang itinutuon muli sa kalsada ang paningin.

"Duh! Ibabalibag ka lang ni Ate Zhynn kapag nakipagbalikan ka sa kaniya," aniya at umayos sa pagkakaupo.

Napanguso naman ako at naalala ang nangyari kahapon.

"Hindi niya ako binalibag, piningot lang," nakangusong bulong ko sa hangin.

Ayaw niya raw akong masaktan, pero s'ya mismo ang nanakit sa 'kin. Nani?! (What?!)

"Then we'll hide it. Just please . . . come back to me again, love."

Ilang beses s'yang kumurap habang nakatitig sa 'kin. Ngingiti na sana ako sa reaksyon niya nang bigla niya na lang hatakin ang tainga ko.

"Ahh! Aww! Love!" magkakasunod kong daing habang isinusunod ang katawan ko sa paghatak niya.

"Naririnig mo ba sinasabi mo, Takeo? Baka hindi, kaya i-exercise natin sandali 'tong tainga mo." Hindi pa siya nakuntento at hinila pa rin ang kabilang tainga ko.

"Aww! Love! Masakit! Ano ba sa sinabi ko ang mali?" tanong ko sa gitna ng pagpigil ko sa kaniyang kamay.

"Hindi mo alam? Pababalikin mo ako ng gano'n lang? Ano'ng akala mo sa niluha ko noon? Libre?" asar niyang usal.

"Ano ba kasi? Hindi ko maintindihan. Aww!"

Padaskol niyang binitiwan ang tainga ko at galit na tumingin sa 'kin. "Ligawan mo 'ko malamang!" namumula ang mukha n'yang sigaw.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon