CHAPTER 12

27.5K 1.2K 104
                                    

SAKTONG kumakain ng hapunan sina Mommy at Zakhira nang dumating ako kaya naman sumabay na ako.

Maingat kong pinanood ang galaw ni Mommy habang umuupo ako sa silyang nasa harapan niya. Patuloy siya sa pagkain at hindi ako binibigyan ni kahit tingin man lang.

She's aware that I'm here, right?

"What's with the look, kuya?" kunot-noong tanong ni Zakhira nang mapansin niya ang tingin ko kay Mommy.

I took a deep breath. Bago ko pinalipat-lipat ang tingin sa kanila.

I was about to ask something when Mom suddenly glanced at me with a serious face.

"Hayaan mong ang sarili mo ang makaalala ng mga nangyari sa nakaraan, 'wag kang magtanong dahil lalo ka lang maguguluhan," walang emosyon niyang wika.

Natigilan naman si Zakhira at napaawang ang mga labi bago napatingin sa akin.

"I don't get it. Wala akong naaalala na naaksidente ako nang malubha para makalimot ako ng ganito," usal ko bago napasandal sa upuan.

Doon ay tila nagkaroon ng ideya si Zakhira sa mga nangyayari base sa pagtikom ng bibig nito at pag-iiba ng ekspresyon.

So, they all knew.

Zakhira put down her utensils and laid her back on the chair like I did. Tiningnan niya ako nang seryoso bago malungkot na ngumiti.

"Because you chose to," simple at may lamang sabi ng kapatid ko.

Marahan na lang akong napapikit.

Everyone keeps telling me that.

"Why? Why did I?" I asked.

Mommy and Zakhira looked at each other before letting out a sigh.

"Like what I've said, let your mind remind you of what happened in the past," sagot ni Mommy bago ako tipid na nginitian.

"At kapag naalala mo na, hayaan mo siyang magpaliwanag at habaan mo ang pag-intindi mo," dugtong ng kapatid ko.

Doon ay lalong gumulo ang isip ko.

"You know about her being in a Mafia?" hindi maiwasan kong tanong.

Sabay naman silang tumango na tila wala lang sa kanila ang bagay na iyon. My forehead knotted as I looked at them.

My mom and sister accepted her for who she was. Imposibleng hindi iyon alam ni Daddy, baka nga kaya Perez ang pinili niyang pasukan ko dahil alam niyang doon nag-aaral si Yura.

If tanggap siya ng mga magulang ko bilang siya, why the heck would I not?

This is not about her being in the mafia anymore.

What have you done, Zhynn?

Pero sa halip na pakaisipin nang pakaisipin iyon ay mas pinagkaabalahan kong isipin kung paano kami makapagsisimula ulit. Nag-umpisa na rin akong kumain kasabay nila.

"What about Xirenn?" bigla ay naisipan kong itanong. Doon ay sabay na natigilan ang nanay at kapatid ko.

Nagkatinginan muna sila bago ako binalingan.

"We also don't know what happened. Basta bumalik ka mula sa tatlong araw na pagkakawala ay siya na ang girlfriend mo. We couldn't ask you straight because we felt it; something's wrong with your condition," kuwento ni Mommy.

"Sinubukan naming papuntahin sa bahay si Ate Zhynn, but you ignored her like you didn't fvcking know her. Alam namin na hindi ka nagkukunwari lang no'ng panahon na iyon because we all saw it; there's no recognition in your eyes when you glance at her," patuloy naman ni Zakhira.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon